Maaga akong nagising ngayon... Masaya syempre dahil kahapon buong araw kong kasama si lucas. Kapag ibibring up ko yung kung kamusta na sila ni natalie eh ayaw niya muna pag usapan yun dahil daw tungkol saming dalawa yung araw na yun3am ako nagising dahil kailangan kong mag aral dahil exam na para sa 3rd sem... Hindi kami masyado nag gala ni lucas kahapon dahil jan... Kailangan pa naming mag aral...
Natulog naman ako kaninang 8pm then eto gising ko 3am oki naman yon 7 hours tulog ko... #collegelifekuno
Biglang may kumatok sa pintuan ko
"Pasok" Sabi ko sakanya
"Ma- i mean kwii pinapadala ni mama para sayo" Sabi ni weigo sakin
Napatingin naman ako sakanya "bat ang aga mo gumising?" Sabi ko sakanya habang kinukuha yung kape na hawak hawak niya
"Kailangan ko mag aral para sa exam mamaya" Sabi niya sakin
"Ah mamaya din pala exams niyo... Goodluck" Sabi ko sakanya saka siya ngumiti
"A-ah k-kwii pa-para sayo n-nga pala" Sabi niya sakin saka niya ako inabutan ng isang mahabang box
"Ano toh?" Taka kong tanong sakanya
Ngumiti siya sakin "hehehe buksan mo nalang" Sabi niya... Wala na akong nagawa kundi buksan yun... Gulat ang natamo ko sa muka ko nung makita ko yung laman nung box... Isa siyang ballpen na pang doctor na may pangalan ko...
"Saan mo binili toh?!" Tanong ko sakanya natawa naman siya sa tanong ko
"Ginamit ko yung sweldo ko kay mam sheki tska kay sir Cornelius" Walang hiya pa niyang sinabi sakin hayup talaga tong batang toh
"T-thank you" Wala nakong magawa kundi mag thank you nalang sakanya... Nag paalam siyang aalis na siya kaya naman tumango nalang ako. Shemay ang ganda nung kulay... Purple!!
I tested it out and napanganga nalang ako sa tinta niya napaka doctor ng style... Abay syempre alangan namang pang business tss. May nakita akong note dun sa gilid nung pen kaya binasa ko yun
Hi kwii
Gusto ko lang mag thank you sayo kase trinato mo ako hindi bilang boy dito sa bahay kundi parang isa nang kaibigan... Gusto ko ibigay sayo tong pen na toh kase gusto ko makita na balang araw magamit mo yan kapag naging doktor ka na and syempre kapag naging abogado ako dapat mag karon den ako niyan utang mo yan ha! Hehehe joke lang kwii... Ingatan mo yan wag na wag mong sisirain at iwawala yan...thank you so much kwii~weigo cruz
Napangiti naman ako sa sulat niya... Parang kapatid ko na rin siya sa tutoo lang. Everyday makikita mo siyang ang sipag sipag lalo na pag tinulungan niya si manang... Yung mother niya
Tss yung bata talaga na yun hahahaha. Tinago ko yun sa ilalim ng kabinet ko saka ako dumerecho ulit sa pag aaral
Ilang oras rin ang nakalipas napako ko na sa isipan ko yung mga pinag aralan ko. 6am na and kailangan ko nang mag ayos ng sarili ko... Dumerecho ako sa cr saka ako naligo at nag bihis
Sa araw na toh we need to wear our proper attires kailangan completo ka... 200 questions ang meron sa exam ngayon alam ko nabasa ko na lahat ng mapapalabas dun... Shete nalang kung di ko maalala pero kaya yan
Pag baba ko eh kumakain sila mom and dad kasama si jarika... "Morning" Sabi ko sakanila sabay silang napatingin sakin saka ako umupo sa upuan
"Good morning din anak... I heard kay weigo na exam niyo rin ngayon?" Mom asked me so i nod at her.
"Galingan mo anak ha! Hehehe kaya mo yan mana ka kaya kay mommy" Dahil sa sinabi ni mom pareho kaming natawa ni jarika
"Anong ikaw honey sakin kaya yan nag mana!" Pambabara ni dad sakanya and there we go again...
"Ano ba mom! Dad! Mana ako sa inyong dalawa ok? Ok na kakain nako at baka malate ako" Sabi ko sakanila habang natatawa pa... Minsan ganyan sila mom pinah aawayan nila kung kanino kami nag manang mag kakapatid. Kami naman nila ate at kuya? Pinag aawayan namin kung saan ako mag tatrabaho... Sa MUH ba or sa hospital sa france kung saan nag tatrabaho ngayon si kuya tss... Sabi pa sakin ni kuya na baka nga dito ako mag trabaho dahil kasama ko lagi si ate. Wala nga siya dito lagi eh
Nung matapos akong kumain nag paalam na ako kila mom and dad pati na rin si jarika... Wala pa naman yung school bus ni jarika kaya nauna na ako...
Nung makarating ako sa school pinark ko agad yung kotse ko saka ako nag madaling pumasok sa luoob... Pero bago pako maka pasok natanaw ng mata ko sila lucas at Natalie. Ang sweet sweet nila sa isa't isa no wonder may mga fans sila dito... Pati sa parking lot nag lalandian...
Oo na nag seselos na panira ka naman eh.
Sa ibang daan ako pumunta para di ako makita nila lucas... Bwiset naman kase aga aga sakit sa mata puta
Nakarating ako ng ligtas... Charot. Nakarating ako sa classroom at umupo na sa upuan ko... "Aga mo keira ah" Sabi sakin ni duke hindi siya tumitingin sakin sa libro lang na hawak niya "gusto mo late ako?" Pag tataray ko sakanya "tss you're being a badass" Sabi niya sakin tinarayan ko nalang siya then he laughed at me pero di ko na pinansin yon
Ilang minuto ang naka lipas sabay na pumasok sa luoob si layla saka sila lucas kasama si yakiro... Pag talaga nag katuluyan yang dalawang yan sinasabi ko sinyo babagsak ko bar exams ko charot heheheh wag ganon iba nalang uhm ano ka-
"Hey" May humawak sa balikat ko kaya napatayo ako sa gulat
"Luh HAHAHAHAHA" Malakas na tawa ni layla sakin hayop na toh kaibigan ko nga ba talaga kayo?!
"Relax kwii ako lang toh ang pogi mong bestfriend"
Bestfriend... Hahahah... Kung alam ko lang kung paano lumandi siguro nung first day ka pa naging akin, kaso wala eh may jowa ka tas ngayon meron nanaman hahahaha grabe talaga tadhana sakin noh
Ni isa walang naiwan... Kala ko nga dumating na siya eh kaso iniwan din ako hahahaha... Sino pinaparinggan ko?... Syempre si kean tss HAHAHAH well hayaan na natin siya
Simula kase nung away nila ni lucas sa bar hindi na niya ako pinapansin. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin pero nilalayo din niya agad kapag tumingin ako sa derection niya
"Kwi, may nag papabigay" Lumapit sakin si patricia saka siya may inabot saking chocolate na box... Ferrero?! Wahh favorite ko toh!!!
Napatingin ako sa sulat na nakalagay sa itaas
Hi i heard exam niya na... Eto ferrero ka muna diba yan yung kinakain mo dati bago ka mag exam nung kasama mo ako? Hehehe wag na natin paalala yun matagal na yun wala naman nang tayo eh. I just wanna see you smile chubs. Oh diba chubs parin tawag ko sayo dahil dun sa kdrama na sinabi mo sakin tapos tawagin kitang chubs... Hehehe goodluck chubs!!
-kean mandelo
Natulala ako saglit sa sulat na yun... Tutoong kumakain ako ng chocolate bago ako mag take ng exam. Nagulat ako nung pinadala niya ako
"Hule kanino galing yan?!" Sigaw sakin ni layla
"Hulaan ko... Kay kean yan galing" Binatukan agad siya ni lucas na ikinagulat namin
"Luh bat moko binatukan pre?!" Angal ni lucas sakanya
"baket?! Aangal ka?!" Pag lalaban ni lucas. Napaupo nalang si yakiro sa sinabi ni lucas
"Heh! Wag na nga kayong mag away away jan! Oo kay kean galing toh! Pangalawa gusto lang niya bumalik kami sa pagiging kaibigan at wa-"
"Tss style niya bulok" Pag pigil sakin ni lucas
Ano bang problema neto sapakin ko toh eh! Joke masira muka ng bebe kuh JOKE ULET HAHAHAHAH
YOU ARE READING
A Bestfriends Love Story (COMPLETE)
RomanceTHIS STORY IS NOT EDITED Puso ang pinag aaralan natin pero pinag aaralan ko na din pala kung paano kita makakamtan muli Started: May 19 2020 Ended: May 30 2021