Nung maka baba sila agad na lumapit sakin si lucas
"Kamusta ka na hehehe" Sabi niya sakin tumayo muna ako bago ko siya sagutin "ok lang tska galingan mo mamaya ha alam ko sasagutin ka ni natalie!" Bulong ko sakanya napayakap naman siya sakin "salamat kwi ah...salamat" Sabi niya sakinAlam kong dapat akong magalit sakanya dahil hindi man lang niya sinasabi sakin pero hindi... Ang kailangan ko lang gawin eh maging masaya para sakanya at kay natalie mamaya
Mabait si natalie alam ko yun at bagay silang dalawa matagal na nga sigurong nililigawan nitong si lucas si natalie...
Even if my soul can't accept the fact na dito pa mismo sa Enchanted mag sasagutan ang dalawa... Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang makita yun pero ano namang magagawa ko. They both like each other and wala akong karapatang sirain yun dahil kaibigan lang ako... Kaibigan na nailove sa bestfriend niya...
Lumapit sakin si avril
"Kwi...sorry" Sabi niya sakin kaya nag taka naman ako kung bat siya nag sosorry "bakit ka nag sosorry?" Tanong ko sakanya"Hindi ko sinabi sayo... Kwi alam ko kase may gusto ka sakanya ayoko lang masaktan ka sa possibility na mangyayare" Sabi niya sakin, nasa likod kami ngayon at nag lalakad kami para mag hanap ng isa oang rides
"Avril ano ka ba... Alam mo dapat nga nagagalit ako kaso hindi ko kaya. Kaya ok na hayaan mo na yun atleast alam ko na diba hehehe" Sabi ko sakanya
"Pero masasaktan ka gusto mo ba umalis na tayo sa MOA nalang tayo iwan-"
"Gusto kong makitang masaya ang bestfriend ko avril... Kaya ko toh malakas toh oh isang conor iiyakan yan? Sus hindi noh" Sagot ko sakanya nung pinigilan ko siyang mag salita
"Ok... Basta nandito lang ako girl" Sabi niya saka naman ako tumango
Natapos ang araw hapon na. May nakita na akong sunset kasalukuyan kaming nandito sa gilid at alam ko ito na rin ang oras na pinaka hihintay ni lucas
Nasa tabi ko siya nakita kong nanginginig yung kamay niya
"Hey relax..." Pag checheer ko sakanya"Kinakabahan kase ako baka di niya ako sagutin"
"Ano ka ba... Gwapo ka, matalino, mapag mahal. Sinong babae ang hindi maiinlove sayo" At isa na nga ako sa mga babaeng nainlove sayo sa maling pag kakataon
"Keira dito ka lang sa tabi ko ha wag mo ako iiwan"
"Hinding hindi kita iiwan lucas... Hinding hindi" Ngiti ko sakanya
Sinensyasan ko na siyang lumapiy kay natalie... At kahit anong gawin ko tumulo na ang mga luha sa mata ko nung lumuhod si lucas sa harap ni natalie
"Natalie Herstone... Niligawan kita for almost a month... At pumayag ka. Nang hingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko kung pano man ligaw, kung paano pasayahin ang isang babaeng tulad mo now i need you to answer this...Natalie... Will you be my girlfriend?"
Nasa likod lang ako kaya madilim dito patuloy parin ang pag tulo ng luha ko
"Yes lucas...yes"
Pag kasabi niya nun lahat ng tao nag hiyawan... Niyakap nila ang isa't isa. Kita mo sa mga muka nila ang saya
I told my self not to cry pero naalala ko na mahinang tao nga pala ako
Bakit ganon... Parang mas masakit pa toh kesa sa pinakuna kong break up
Lumapit sakin si lucas saka niya ako niyakap "Thank you Kwi!!" Sabi niya sakin kumalas naman ako saka ko tinignan si natalie
"Congratulations Natalie alagaan mo toh nako makulit yan HAHAHA" sabi ko sakanya
"Yes ate i will" Sabi niya ate ang tawag niya sakin dahil 1 year ang agwat naming dalawa
This was a fun night mag yaya pa sana si Orly mag inuman kaso pagod na kaming lahat...
"Kwi text moko kapag naka uwi ka na ha" Sabi sakin ni lucas tumango nalang ako sakanya habang inaayos ko yung bag ko
"Mauna na kami ni keira pagod na rin kami nahihilo na rin tong isa" Sabi ni avril saka nila nag babye naman kami saka ko pinaandar yung kotse
"Stop the car" Sabi ni avril kaya ginilid ko yung kotse
"Ilabas mo na yan sis" Sabi niya
At hindi ko na nga napigilan
Tuluyan nang bumuhos yung luha ko. Wala akong nagawa humagulgol pa ako... Ayoko nang umiyak pero bakit ganito ang sakit sakit"Baki-bakit ganon avril bakit pa-parang mas masakit pa toh kesa sa br-break u-up namin ni kean? Bakit" Sabi ko habang galugol parin ako sa pag iyak
"Girl... Baka kase kay lucas mo nakita yung pag mamahal na yun hindi masamang masaktan keira. Pero masakit lalo na mahal mo na" Sabi sakin ni avril
For almost a month kay avril ko lang na ikwento lahat ng kilig ko kay lucas dahil supordado siya sakin
"Keira wala tayong magagawa dahil hindi din naman niya alam na may gusto ka sakanya... Eto na ang sinasabi ko sayo. Sana umamin ka na habang maaga pa"
"Hindi ko kaya avril... Paano kung hindi ganun yung nararamdaman niya sakin? Paano kung..kung hindi niya ako mahal?" Sabi ko sakanya
"Iiyak mo lang for the mean time. Ganyan talaga kapag mahal mo yung tao iiyakang iiyakan mo talaga"
Sinabi sakin ni avril na mag palit kami ng pwesto siya nalang mag dadrive para makapag isip isip ako. While going home hindi ko mapigilang isipin na sa susunod na buwan... Eh makikita ko silang sweet sa isa't isa
Nahihirapan akong tangapin pero sabi nga nila... You should accept the fact that the one you love can never love you back..
Na kahit hindi tayo umamin alam na nating wala tayong pag asa...
Nung makarating kami sa bahay ni avril agad din naman siyang nag paalam at dumerecho na ako sa bahay.
Pag karating ko hindi na ako kumain. Dumerecho ako ng cr saka ko binuksan yung shower
I've watched this movie kung saan umiyak siya sa shower to hide his tears parang ganto ng ginagawa ko
Im happy na masaya siya ngayon kasama ang babaeng pinakamamahal niya... At alam ko balang araw matatangap ko rin toh
At balang araw... Malalaman din niya ang nararamdaman ko sakanya
_____________
Ok i just wanted to say thank you sa pag support sa story na toh hehehe and please kapag mag babasa kayo don't forget to vote
And I just want to clarify things
-This story is not edited kaya pag pasensyahan niyo na kung may mga typo ako.
Yun lang thank you ulit and god bless us all saranghae❤
-authorchubs
![](https://img.wattpad.com/cover/224647471-288-k582475.jpg)
YOU ARE READING
A Bestfriends Love Story (COMPLETE)
RomanceTHIS STORY IS NOT EDITED Puso ang pinag aaralan natin pero pinag aaralan ko na din pala kung paano kita makakamtan muli Started: May 19 2020 Ended: May 30 2021