Chapter 4: Remember The First?

36 3 0
                                    

Natapos ang last class ko para sa umaga sabay sabay na rin kami nila layla. Katabi ko ngayon si lucas nasa gilid niya naman si duke, nang makapasok kami madami na agad tao sa canteen nakita naming kumaway si Avril

Dumerecho kami dun saka ako umupo sa tabi ni avril.

Nasa harapan ko si lucas na katabi niya yung Natalie alam kong hangang ngayon hindi pa siya ganun kasaya kita ko kase sa muka niya na nalulungkot padin siya dun sa nangyare sa gf niya, wala eh minsan kase may nga taong gusto ko sa una sa iba din pala mangingibabaw ang pag mamahal nila

Napatingin ako sa gilid na upuan nung mahagip ng mata ko yung ex ko na si kean... Masaya siyang nakikipag usap kila Kaiser tska Jerson napatingin siya sa gawi ko kaya nag katinginan kaming dalawa nawala yung ngiti sa mata niya... Siya si Kean Tay Mandelo isa sa mga magagaling na students sa film faculty. Nilayo ko agad yung tingin ko sakanya

"ok ka lang?" napatingin ako kay Avril

"oo naman" pagsisisnungaling ko

"you're not... Tara" hinila niya ako patayo bago pa kami maka alis humarap muna siya sa table namin "may pag uusapan lang kami ha? Babalik din" tumango nalang sila saka kami nag lakad papuntang batibot

"so... Ano na ngang problema mo?" ganto si avril tuwing akala niya may problema ako "wala nga-"

"kung wala bakit ang tahimik mo kanina?" pag tigil niya sa pananalita ko... Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya si avi yung bestfriend ko since elementary, palagi kaming pareho ng school kaya hangang ngayon mag kasama kami...

"nakita ko kase si kean kanina.." napatingin agad aiya sakin "si kean?!" tumango nalang agad ako sakanya
"oo nga pala ngayong araw pasok nila haven't you move on yet? Last year pa yun ah.."

Hindi agad ako naka sagot sa sinabi niya naalala ko nanaman kase yung nangyare samin kaya kami nag break.
Birthday yun ni jacob yung boyfriend netong si Avril na hangang ngayon sila padin... Nahuli ko siya dun sa pool na may kahalikang babae...
Nag simula nanamang tumulo yung luha ko sabi ko hindi nako iiyak eh... Sabi ko kapag nakita ko siya ngingigiti nalang ako

"you said naka move on ka na keira.. But look at you now" tumawa ako kahit umiiyak padin ako
"ang hirap kase eh nakita niyo sakin yung salitang move on... Akala ko kase sa sarili ko naka move on na talaga ako eh... Tapos kanina lang may kinausap ako na broken din"

"ang lakas ko pang mangpayo tapos ako din pala tong sira padin ang puso ang saya non noh?... Napaka siraulo ko hahahahah" tumawa padin ako kahit umiiyak padin ako hindi ko na mapigilan eh... Alam ng pamilya ko yung nangyare sakin it happened last year june 17, 2017 kaya dapat hindi na talaga ako mag aaral dito kaso 4th year na eh lilipat pa ba ako

Pinunasan ko yung luha ko saka tumayo "tara na baka hinahanap na tayo dun" tumayo na din siya saka pinagpag yung palda niya saka niya ako niyakap "everything will be fine makakamove on ka din" niyakap ko siya pabalik saka kami pumasok sa cafeteria ulit

Pero napatigil agad ako nung makita ko si lucas na nakangiti habang kausap si natalie. Napatigil ako kase nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nagulat ako nung maramdaman kong nakatalilod na pala ako sakanila tapos biglang may bumulong sakin

"crush mo siya noh?" narinig kong sinabi ni avril hinampas ko naman siya saka ako nag lakad papunta sa upuan... "hahaha! Tapos yung sa entrance nakita mo yon? Hahahahah!!" narinig kong nag salita si lucas. When i looked at him he's eyes we're happy hindi katulad kanina na malungkot napangiti naman ako kahit may nararamdaman padin akong kirot sa dibdib ko

Ng matapos yung break dumerecho na ako sa chemistry class ko ako lang mag isa ngayon kase nasa ibang class yung iba umupo ako sa upuan ko saka nakinig nalang sa professor namin... Ng matapos yun physics na ang sunod ko... Dumerecho ako sa class A saka pumasok nakita ko si duke saka si yakiro physics din pala last class nila sa hapon umupo nalang ako sa tabi ni yakiro saka pumasok yung prof namin. Habang nakikinig ako hindi mawala sa isip ko yung ngiti na meron si Lucas kanina masaya siyang kausap si Natalie

A Bestfriends Love Story (COMPLETE)Where stories live. Discover now