Chapter 3

19 3 1
                                        

Warning: Explicit Words

Chapter 3

Ilang buwan na kaming magkaibigan ni Leo. Nararamdaman ko na rin ang pag-iba ng trato sa akin ng ibang babaeng schoolmate, marahil ay nagkakagusto sila kay Leo.

Lalakad na sana ako papunta sa classroom namin nang harangin ako ng isang grupo ng mga babae.

Grabe, mga Grade 7 pa lang kayo ay ginagawa nyo ng coloring book ang mga mukha ninyo?

"Emi, right?", tanong ng nasa gitna. Bale tatlo silang coloring book na nasa harapan ko.

Tinignan ako ng babae mula sa taas hanggang pababa at tumaas muli. Umangat ang kilay niya, maging ng mga alipores niya. Agad silang tumawa na parang may payaso sa harap nila.

Mukhang tanga tumawa amp.

"Ikaw na ba ang bagong lumalandi kay Romnick? Seriously?", tanong nung nasa kanan.

Tinapunan ko sya ng malamig ng tingin at nakita ko ang paglunok niya.

Nasaan ang tapang mo ha?

Binalik ko naman ng tingin ang leader nila.

Mukha siyang bading.

Tinignan ko sya gaya ng pagtingin niya sa akin kanina pero mas intense. Nakita ko kung paano nanigas ang katawan niya nang irapan ko sya.

"Kung landian ang tawag niyo ro'n, bakit hindi pa kayo ibalik ng mga magulang niyo sa kindergarten?", saad ko habang nakangiwi.

Tinignan ko silang tatlo at umirap sa huling pagkakataon.

What a waste of time.

Hehehehehehe.

"What was that, Emi?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Leo sa gilid ko.

Narinig ko ang pagbubulungan ng tatlo at dahan-dahang umalis pero tinignan sila ni Leo.

"L-Leo..", awat ko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso upang pigilan siyang puntahan ang kinaroroonan nung tatlo.

"Really, Romnick? I didn't know na bumaba ang standards mo sa babae.", sabi nanaman nung leader nilang mukhang bading.

Napahinga ako ng malalim.

"Balita ko rin na labandera ang nanay nyan.", rebat naman nung isa sa kaliwa.

Kung kanina ay si Leo ang inaawat ko, ngayon naman ay ako na ang inaawat niya.

"Oh ano naman kung labandera nanay ko?! At least naman ay may itsura kami. Tangina mo, ikaw nga secretary na nanay mo, gumanda ka ba? Ha?", nagpupuyos kong sabi.

"Ikaw naman na nasa kanan ng baklitang haliparot,", napaamang naman yung nasa kanan na alipores.
"Mukha kang paa."

Rinig ko ang tawanan ng nanonood sa amin, naiiyak na rin ang babae.

"At ikaw naman, baklitang haliparot, akala mo maganda ka? Bulol, mukha kang bakla!"

Hindi ba kayo ang nagsimula nito? Nasaan ang mga tapang nyo?!

Tatlo tatlo pa silang sumugod sa akin ha, partida.

"Emi, that's enough. Pinaiyak mo na...", Leo said softly, trying to calm me down.

How dare those bitches insult my mom?

-

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Leo pauwi. Malapit lang naman ang bahay namin mula sa school.

"Leoooo", tawag ko.

"Hmm?", he replied.

"Pakopya ako sa assignment sa Math."

"Ay, demanding.", natawa kaming pareho. "Pero sige. Gusto mo bang mag-stop muna tayo sa waiting shed? Para wala ka nang iisipin sa bahay ninyo?", pagpapatuloy nya.

"Sige sige."

-

"Na-gets mo ba kahit papaano yung lesson?", tanong ni Leo habang nag-aayos ng gamit.

"Hehe, medyo.", napapahiya kong sabi.

"Pfft."

"A-Ah, by the way...", tumingin sya sa akin. "Bakit nag-aaral ka sa public school, though you have enough money naman para makapag-aral sa private school?", tanong ko.

"Ah, that... Ganoon kaming pamilya, kahit sila mama ay sa public school nag-aral kahit may kaya sila.", he then laughed.

Patuloy kaming nag-kwentuhan hanggang sa makarating kami sa compound.

Ngumiti kami sa isa't-isa, pamamaalam.

Agad akong pumasok at nagpalit ng damit. Agad din akong lumabas at hinanap si mama, nasa bakuran sya ng mga Villafuerte, naglalaba. Masyado kasing busy ang mga magulang nila Leo at Kuya Yuri sa pag-handle ng business, hindi rin sila nag-ha-hire ng maids kaya si mama ang naglalaba para sa kanila. Though kaunti na lang ang ta-trabahu-in ni mama dahil may washing machine naman at dryer, kailangan ko pa ring tulungan si mama kasi marami-rami ang damit nila.

Agad akong pumasok sa gate nila Leo, at nagtungo kay mama.

Bago ako tuluyang makapunta sa pwesto ni Mama ay nagtama ang paningin namin ni Leo.

Ngumiti ako at dumiretso na. Agad kong tinabihan si mama, nakikusot na rin.

"Alam mo anak, kung manliligaw sa'yo si Leo? Ay jusko! Wala nang ligaw ligaw, sagutin mo na agad ha?", tila kinikilig na saad ni mama.

"Mama..."

"Kasi anak, malaki ang tiwala ko kay Leo. Sa halos limang buwan na magkaibigan kayo ay nakikita ko naman na he is worth it."

"A-Ano ka ba ma... Magkaibigan lang po talaga kami."

"We?"

"Itanong mo kay Batman, ma.", inis kong saad na nagpatawa naman sa kanya.

"Pero ito ang tatandaan mo anak, I'll support you no matter what, sa lalaking magugustuhan mo, sa pangarap mo at sa iba pa. Wag kang gagaya sa akin na gago ang napangasawa.", mama laughed without any traces of humor in it.

"Love isn't love without pain, but always remember your limitations. Kapag sobrang sakit na, bumitaw ka. Mahalaga siya pero mas mahalaga ka.", mama said.

------

Head in the CloudsWhere stories live. Discover now