Chapter 4

17 3 1
                                    

Chapter 4

Five years have passed, yet Leo and I's friendship is still unbreakable.

January 4, 2003.

2021 na ngayon, it's my eighteenth birthday. I kept convincing mama that we could celebrate my eighteenth birthday just like my normal birthdays, ngunit hindi ko siya mapilit. Kesyo once in a life lang daw ang debut.

Nakatunganga ako ngayon sa kisame, ano bang gagawin ko ngayon?

Agad akong tumingin sa cellphone kong ibinili sa akin ng mama ni Leo, nung birthday ko last year.

After all these years na magkaibigan kami ni Leo, his parents grew fonder of me.

They treat me as their daughter, which is I accepted kasi hindi nila naranasan magkaroon ng ganoon.

Agad kong tinignan ang facebook account ko at marami ang bumati sa akin. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang post ni Leo.

Romnick Villafuerte

Happy Birthday.

Naka-attached naman sa ibaba ang dalawang pictures naming magkasama. Pinilit ko pa sya nito kaya naman hindi na nadagdagan pa.

Maraming nag-react sa post niya dahil madalang siyang mag-post ng pictures niya.

I checked the comment section.

Maria Nalla Ramos: sana all binabati kapag birthday. Walang hiyang to, ilang taon na tayong magkakaibigan hindi pa rin ako mabati-bati.

Ycheen Guerrero: hbd bes, where na ung shanghai q.

Grethel Quinto: happy birthday! <3
Grethel Quinto: btw barko barko
      Ycheen Guerrero: (2)
      Maria Nalla Ramos: (3)
      Percy Kalidad: sana all
      Ycheen Guerrero: Percy epal ka?
   
Natawa ako kaya naman agad akong nagtipa ng reply.
    
   Raiah dela Torre: Ycheen ututen

Nagcomment rin ako sa mismong post ni Leo.

Raiah dela Torre: Thank you, boi. <3
    Romnick Villafuerte: welcome, boi.
    Yorrick Villafuerte: kaya naman       pala nakangiti si bebe boy dito
    Romnick Villafuerte: ulol

Natawa na lang ako sa kanila.

Agad akong naligo at nagsuot ng dandelion colored dress. Naglagay din ako ng malaking crimson red ribbon sa buhok ko.

Naks, aesthetic na ba ako?

Agad akong lumabas sa kuwarto ko at nagulat nang maraming tao ang nasa terasa.

"Andyan na ang birthday girl!", sigaw ng mama ni Leo.

Narito sila Leo, Kuya Yuri kasama ang girlfriend niyang si Natalia, sila Tito Reiner at Tita Talisha; ang mama at papa nila Leo, narito rin sina Nalla, Grethel, Ycheen, Percy at Cole.

"HAPPY BIRTHDAY EMI!", sabay-sabay nilang sabi. Nakita ko naman si mama na papalapit sa akin, hawak ang isang cake. Napakatamis ng ngiti niya.

"Saktong-sakto yang dress mo nak, Happy birthday...", mama said as I try not to cry in front of them.

Agad nagtama ang paningin namin ni Leo, nakangiti siya ng napakatamis sa akin. "Happy Birthday, Emi...", he mouthed.

"Thank you, Leo..."

-

"A-Ang daming regalo, ma...", natatakot kong wika kay mama, na tinawanan naman ng mga bisita.

"Ano ka ba anak, bilis buksan mo na at ako ang nabibitin sa iyo.", she said jokingly.

-

Night came and everything is about to end. We were already cleaning our mess, Tita and Tito already left, so as Nalla, Ycheen, Grethel, Percy and Cole.

Mama, Kuya Yuri, Nathalia and Leo are the ones who were still here, they helped us cleaning.

I excused myself and left. Narito ako ngayon sa labas, pinagmamasdan kung gaano kaganda ang buwan, together with the stars.

They proved that darkness can be beautiful, with their light.

May tumikhim sa likod ko kaya naman napalingon ako dito. It was Leo.

"We didn't get to dance earlier..."

Hindi kasi ako nagpasayaw, nahihiya ako.

"But we could still do it right now...", sabi nya.

Agad niyang hinapit ang bewang ko, kaya naman otomatikong napapalibot ang mga kamay ko sa batok niya.

"Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak"

Westlife's Beautiful in White suddenly played, napalingon ako sa gilid namin.

Sila ate Nath at kuya Yuri yon, agad silang ngumiti at tumalikod.

Nagsimula na ang paggalaw ni Leo, kaya napalingon ako sa kanya. He was looking at me intently.

Our eyes are locked together, this feels nostalgic.

I feel like head in the clouds whenever our eyes met. It's as if these are living in my fantasy.

Nagpatuloy ang aming banayad na pagsayaw, kasabay ng paghumpas ng hangin.

"And as long as I live
I'll love you
I have and hold you
You look so beautiful in white"

Napapikit ako nang maramdaman ang labi ni Leo sa noo ko. Nagtagal iyon ng ilang segundo ngunit nakapikit pa rin ako, sinusulit ang sandaling ito.

Naramdaman ko nanaman ang labi niya sa tungki ng ilong ko. Nagtagal iyon ng ilang segundo, ngunit sa pagkakataong ito ay dumilat ako.

His eyes were intently looking at me. Napababa ang tingin ko sa labi niya ngunit agad ko itong ibinalik sa mga mata niya.

Ngunit kukurap pa lang sana ako nang hawakan ni Leo ang pisngi ko at naramdaman ko na lang ang labi biya sa labi ko.

Napapikit ako.

Unti-unti na rin akong gumanti sa halik niya nang biglang unti-unting umilaw ang bakuran namin.

Bumitaw kami sa halik at pinagdikit ang mga noo namin. Humiwalay si Leo, kaya naman napadilat ako. Nagulat ako nang malalaking ngiti nina Nalla, Ycheen, Grethel, Percy, Cole, Tita Talisha, Tito Reiner, Mama, at ang magkasintahang sina Ate Nathalia at Yuri.

Nang ibalik ko ang paningin ko kay Leo ay nakaluhod na ito.

"Hindi ako nanliligaw, Emerald. Pero kung sasagutin mo ako ngayon, liligawan kita araw-araw.", he said sincerely and I didn't notice my tears streaming down my face.

"Will you be mine, Emerald?"

Unti-unti akong tumango. Narinig ko ang hiyawan nila, at nakita ko na lang ang sarili kong nakayakap kay Leo.

This is indeed the best birthday ever.

--------

Head in the CloudsWhere stories live. Discover now