Chapter 10

21 0 0
                                        

HITC hits 115 reads! Thank you so much!

-blu3brry<3

Chapter 10

I glanced up the sky, not minding how blinding the sun is. Kasalukuyan akong nakatayo sa may balcony ng hospital room ko, pilit na inaalala ang mga napapanaginipan ko.

Sino ba si Kairro?

Sino si... Andrea?

Sino ba talaga ako...?

My chest felt heavy for an unknown reason. Umiling na lang ako sa aking sarili at lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko ang ilang nurse na nag-assist sa akin, nginitian nila ako at nginitian ko rin sila.

Nang makarating ako sa may garden ng hospital ay agad akong sinalubong ng isang napakagandang tanawin, mga batang naglalaro.

May naka-wheelchair, naka-mask, may saklay at mayroon ding may bonet sa ulo.

Nakatanaw sa kanila ang kaniya-kaniya nilang nurse nang may matamis na ngiti sa labi at mapait at malulungkot na mata.

Pity.

Suddenly I felt chills on my spine, as if someone has been staring at me for a long time.

Agad kong nilinga ang mga mata sa paligid, at nang mahagip ko ang mapunong parte ng hospital ay nakita ko ang isang pigura ng isang tao.

Makapal ang mga kilay, mapungay ang mga mata, matangos na ilong at mapupulang labing nakaawang, also he shares the same skin tone as mine, fair white.

Malamlam ang mga mata niya habang ang tsokolate niyang mga mata ay nakatingin sa mga mata ko.

Kusa akong natulos sa kinatatayuan ko, bumilis din ang tibok ng puso ko habang ang mga mata ko ay nagtutubig.

Bigla ay hindi ako nakahinga.

"K-Kairro...", kusang lumabas sa labi ko ang pangalang iyon.

Kusa ring kumilos ang mga paa ko para lumakad, habang siya ay nakatayo pa rin. Nakatingin lang kami sa isa't isa habang lumalapit ako.

Nang malapit na ako ay bigla na lang may humatak sa braso ko.

"Ah!"

Lumingon ako sa kung sino mang epal ang humigit sa akin.

Isa itong nurse.

"Restricted na po ang area na 'yan, miss.", saway niya sa akin.

Inalalayan niya ako pabalik sa garden at sa huling sandali ay sumulyap ako sa mga puno.

Wala na siya...

--
Nagising ako sa pag-alis ng kung ano mula sa noo ko.

Pagkamulat ko ay mainit ang singaw ng mga mata ko, naiinitan ako na parang nilalamig, pero hindi pinagpapawisan. Hindi na rin naka-on ang aircon nang sumulyap ako roon.

"Love...", boses ni Leo. "Can you sit?"

Ungol lang ang naisagot ko, at nang hipuin niya ang noo at leeg ko gamit ang kaniyang kamay ay napamura siya.

"Ang init mo pa rin...", umalis siya. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at nakita siyang naghahanda ng gamot at tubig.

Umupo siyang muli sa silya tabi ng kama ko, inilagay muna sa lamesa ang inihanda niya.

Tinangka kong umupo at inalalayan naman niya ang likuran ko.

Iginala ko ang mga mata ko, napagtantong wala na ako sa Hospital. Nasa kwarto ako ng boyfriend ko.

"Inom ka ng gamot, oh...", isinubo niya sa akin ang paracetamol na hawak niya at pinainom ako ng tubig.

Pinahiga niya ulit ako at hinalikan sa noo, unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at bago magpatangay sa dilim ay naramdaman ko pa ang pagdampi ng basang bimpo sa noo ko.

-----


Head in the CloudsWhere stories live. Discover now