Chapter 2
Romnick Leonel Villafuerte is my damn neighbor. Kung hindi ko pa tinulungan si mama na maglaba ay hindi ko pa malalaman na isa sya sa mga pinagta-trabahuan ni mama bilang isang labandera.
Mayaman sila.
Napatulala ako sa bintana. Pinapanood kung paano maglaro sila Leo at ang kuya niyang si Kuya Yuri.
Si Kuya Yorrick Ronel Villafuerte, dinig ko ay 18 years old na sya. Limang taon ang tanda kay Leo at base sa nakikita ko ay lagi silang magkasama. Makikita mo ang pagkakahawig nilang dalawa, ngunit mas nakaka-intimidate ang tindig ni Kuya Yuri. Malamang paglaki ni Leo ay magiging katulad din nya ang kuya nya.
Ano kaya ang pakiramdam ng may kuya? Kung may kuya kaya ako, mapo-protektahan nya kami mula sa pang-aabuso ni papa? May magtuturo kaya sa akin kung ano gagawin sa assignments? May poprotekta sa akin?
Nakakainggit.
Nang maramdaman ko ang pagkabagot ay agad akong lumabas upang hanapin si mama.
Agad ko naman syang nakita sa bakuran nila Ate Bea. Tila nalukot ang puso ko nang makita ang hirap niyang magkusot, sa dami ba naman ng labada ay alam ko nang nangangalay na si mama.
Agad ko siyang tinawag. "Mama!", lumingon sya sa akin. Maging ang mga kapitbahay ay napatingin din sa akin, napayuko ako lalo nang mapatingin din sa akin ang magkapatid na Villafuerte.
Pinilit kong ngumiti kay mama kahit na-a-awkward na ako. "M-Mama, tulungan na kitang maglaba?"
"Sige, at nangangalay na rin ako..."
Agad akong nag-igib, wala kasing mga gripo rito, kung meron man, kila Leo na iyon.
Ngunit ganoon na lang ang hinayang ko nang tuyot ito at kailangang lagyan ng kaunting tubig para gumana ulit.
"Okay lang bang makahingi ka ng tubig sa mga Villafuerte, nak?", tanong ni mama.
"A-Ah.. sige po...", agad kong kinuha ang tabo at yumuko.
Nakayuko pa rin ako hanggang sa makarating sa bakuran nila Leo.
"T-Tao po? P-Pwede po bang makahingi ng kaunting tubig? Sa poso lang po gagamitin!", bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unting bumukas ang pinto nila.
Bumungad sa akin ang naka-headset na si Leo.
Oh, holy shete.
"Anong kailangan mo?", he said... uh... a little softly? I dunno.
Unti-unti kong itinaas ang tabo. Mas lalo rin akong yumuko sa kahihiyan.
"T-Tubig...", pabulong kong sabi ngunit alam kong dinig niya iyon.
Nakita ko ang pagtango niya at ang pagbukas niya sa pinto nang mas maluwag.
Shete... Don't tell m-
"Sige, pasok."
Oh pack.
Kinagat ko ang labi ko at unti-unting naglakad. Sinigurado ko ring hinubad ko ang tsinelas ko. Maganda ang loob ng bahay nila, hindi man ako gaanong ka-sure ngunit alam kong maganda ito. Peripheral vision ko lang ang ginagamit ko dahil nakayuko pa rin ako.
"S-Saan po ang faucet..?", nahihiyang tanong ko.
He chuckled, kaya naman nag-angat ako ng tingin, na sana ay hindi ko na lang ginawa.
He. Is. Packing. Grinning. While. Looking. At. Me.
Fugi huta.
"C'mon, Emi. We're classmates, don't feel so awkward around me.", sabi niya.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Walang'ya ka.", I said and he just laughed his ass off.
May sumipol sa may gilid namin kaya naman agad akong nagtungo sa likod ni Leo. Napahawak na rin ako sa balikat niya, buti na lang talaga at 5'9 siya.
Si Kuya Yuri yon, may ngisi sa labi. "Hello, young lady.", baritono ang boses niya.
"H-Hello po...", nahihiya kong saad.
"So... Ikaw pala yung laging ikinekwento ni Nic-"
"Kuya! K-Kailangan niya ng tubig!", napakunot ang noo ko nang mabilis na pinutol ni Leo ang sasabihin ni Kuya Yuri.
Anong meron?
Tumikhim ako kaya naman napatingin sa akin ang magkapatid.
"N-Nasaan po ang faucet?"
Nagkatinginan silang dalawa.
--
Nandito ako ngayon sa maliit naming terasa, kung saan kitang-kita akong nahihirapan sa algebra.
Gusto kong bumalik ng elementarya.
"Psst! Emi!"
Inis akong napabaling kay Leo na kanina pa sumisitsit. "Ano?", I mouthed.
Agad kong binuksan ang bintana ko, mas maluwag kaysa sa kanina. Agad kong nakita si Leo, naroroon din sya sa bintana niya, kumakaway sa akin.
Labinlimang metro lamang ang layo namin sa bahay nila kaya naman nakakapag-usap pa rin kami.
Ilang araw na rin ang nakalipas nang magkakilala kami ng kuya niya, and we grew really close.
Nakita ko ang pagyuko ni Leo, na para bang may hinahanap. Nang mag-angat sya ng paningin ay may white board na syang hawak.
Sinenyasan niya akong kumuha rin ng white board kaya naman ginawa ko ito.
"Tapos ka na sa assignment?"
Nakasulat sa white board nya.
Agad akong nagsulat ng tugon.
"Hindi. Pakopya nga ako."
Nakita ko ang pagngiti niya.
"Tulungan na kita."
Response niya.
-
Ilang oras ang itinagal namin. Dahil bukod sa bigayan ng sagot ay nagsulat din sya ng mga walang kwentanf bagay. Para raw hindi bumigay ang talukap ng mata ko.
Napa-inat ako ng mga kamay. Tumingin ako sa bintana nila Leo. Nginitian ko sya nang pagkatamis-tamis at nagpasalamat.
Umakto naman syang sumaludo at isinara ang bintana nya.
Tapos na, hindi ba?
Bakit mabilis pa rin ang tibok ng puso ko?
------------
