Chapter 8

17 1 0
                                    

Chapter 8

I woke up, finding myself in a hospital bed. Namamanhid ang kanang kamay ko, parang may nakadagan na kung ano, kaya naman kahit sumasakit ang buong katawan ko ay nilingon ko kung ano yon.

It was Leo. Nakadukmo sya sa kama ko, ang bahagi ng pisngi niya ay nakaunan sa kamay ko, nakaharap sa akin ang mukha niya kaya naman kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya. Namumula rin ang ilong at mata niya, parang galing sa pag-iyak.

Nais ko sanang haplusin ang buhok niya ngunit ayaw umayon ng kamay ko, mga daliri ko lang ang naigagalaw ko pero parang naramdaman iyon ni Leo. Agad niyang iminulat ang mga mata niya, hihikab na sana sya nang makita akong nakatingin sa kaniya.

Ang kaninang mapungay niyang mha mata ay biglang nanlaki at napuno ng luha.

He stood up from his seat and hugged me gently but tight, as if I am a fragile property of him.

Memories flashed on my mind, and in an instant, I found myself sobbing on Leo's chest. Nararamdaman ko rin ang panginginig niya, at ang panginginig ng paghinga niya. Niyakap niya ako nang mahigpit, at siya ring ginawa ko.

Isiniksik niya ang ulo niya sa buhok ko, paulit-ulit niya itong inamoy at pinatakan ng halik, na parang ito ang nagpapakalma sa kaniya.

Hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko at hinarap ako sa kaniya, namumula ang buong mukha niya, umaambang pumatak naman ang mga luha niya sa mukha niya.

He heaved a heavy sigh as he kissed my forehead. "I-I'm sorry, love... I'm so sorry...", he said while his lips are still on my forehead. My hands gripped his shirt as I cried louder. "I'm so sorry I couldn't protect you...", he said and let himself break down.

For a moment in time, he let himself lower his walls down, as we both cried in each other's arms.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon, paulit-ulit niyang binulong sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano sya nagsisising wala ako sa tabi niya.

How I love this man...

Biglang bumukas ang pinto, iniluwal nito ang dalawang babaenv nurse at isang lalaking doctor.

Tinanong nila ako tungkol sa kung ano ang nararamdaman ko, i-chi-neck din nila ang vital signs ko. Nang sinabi kong sumasakit ang buong katawan ko ay umiling lamang ang doctor, hindi pa raw muna ako pwedeng painumin ng anumang painkillers dahil sa heroin na tinurok sa akin nung putang inang yon. Ipinaalam din nila sa akin na wala namang lacelerations na nakita sa ** ko, meaning na hindi natuloy yung kagaguhan ni Andrei. Binalaan din nila ako sa maaaring side effects ng droga.

Nang umalis na ang mga umasikaso sa akin, nakatingin lang sa akin si Leo. Magsasalita na sana sya nang biglang pumasok sina mama at ang mag-asawang Villafuerte.

Hindi kasama ang mga kaibigan namin at si Kuya Yuri dahil school hours pa. May mga prutas silang dala, na agad ko namang nilantakan. Sinabi rin nila sa akin ang nangyari kay Andrei, bukod sa puno sya ng mga pasa gawa nila Leo, Cess at Percy ay nakakulong na rin sya. Hindi sya basta-basta makakalabas sa kulungan dahil sa matibay na ebidensya.

Ang pamilya ni Andrei ay may iniingatang reputasyon, kaya naman nang malaman nila ang nangyari ay agad nilang isinuko sa mga pulis ang anak.

Buti nga sa'yo gago ka.

Umuwi muna ang mga Villafuerte, naiwan si mama dahil si Leo raw ang nagbantay sa akin buong gabi. Nagsi-datingan na ang mga kaibigan ko, kasama si Quina. Katulad ng mag-asawa ay may dala silang mga prutas at bulaklak.

Parang mga tanga.

Sumapit na ang gabi, sumulpot naman ulit si Leo, siya naman daw ang papalit kay mama. Bebe time din 'to.

We spend the night holding hands, walang nagsasalita kasi nga nanonood kami sa netflix niya. Nang makita niyang inaantok na ako ay tumabi siya sa kama ko, buti na lang talaga at sa VIP room ako naka-admit, salamat kila Tita Talisha.

Naka-unan ako sa dibdib niya, habang sya naman ay sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. He is singing me to sleep, yung Unbreakable naman ng Westlife ang kinanta niya, alam niya kasing mahal na mahal ko yun.

Ilang minuto lang ay namigat na ang mga mata ko, ngunit bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko ang paghigpit ng yakap, at ang paghalik niya nang ilang beses sa tuktok ng ulo ko.

"Sweet dreams, love..."

------

Head in the CloudsWhere stories live. Discover now