YMAIY 8

79 7 3
                                    

Lee Jihoon

MABILIS na naubos ang oras at ngayon ay isang subject nalang ang pinapasukan namin. Simula tanghali ay wala na akong nakita ni isang miyembro ng 6th of Diamonds. Wala naman talaga akong pake sa kanila pero napaisip ako kung nasaan sila.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman na mala-assasination office yung special room kung tawagin nila. Alam kong may mga karumaldumal na ginawa dun. Simula bata ako ay kaya ko ng makapag predict ng mangyayari, matalas din ang senses ko, at ang tila kakaibang ability ko sa paglaban, kaya naamoy ko na may kakaiba sa room na yun.

Tinignan ko ang mga katabi ko at lahat sila ay busy sa pakikinig at pagja-jot down notes.

Pero iba ang ginagawa ni Wonwoo, nakatulala lang siya sa pisara at mukhang malalim ang iniisip.

Ano kayang problema nito?

Biglang tumunog ang bell hudyat na uwian na.

"Class dismissed! You may now leave!" sigaw ng teacher ko na halos hindi na namin narinig dahil sa ingay ng mga upuan at estudyante.

Nahuli kami sa paglabas dahil nasa likuran kami. Tahimik sila dahil siguro tahimik kami ni Wonwoo. Bakas sa mga mukha nila na nag-aalala sila.

Biglang pumasok sa isip ko si Chan. At parang naaaninag ko siya sa madilim na parang hardin. Hindi ko alam kung paano ito nangyari pero kusang lumakad ang mga paa ko.

"Jihoon! Saan ka pupunta! Dito ang daan!" Sigaw ni Jeonghan. Pero hindi pa din natinag ang paa ko.

"Jihoon! Sandale!" Sabay sabay na sigaw nila at narinig kong humabol na sila.

Ilang lakad pa at nakapunta na nga ako sa hardin na madilim.

"Jihoon!" Sigaw ni Jeonghan. Agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Anong ginagawa natin dito? May multo dito!" Bulong niya. Hindi ko siya sinagot at dahan dahan akong pumasok sa hardin napilitan din silang pumasok para sundan ako.

"Hinto!" Mahinang sigaw ko na nagpahinto sa kanila.

Pinagmasdan ko ang sahig at napansin ko ang sinulid. Nakakonekta ito sa mga puno.

'Panigurado kaya may sinulid dito para sa bell.'

"Bakit? May multo na ba?" Takot na tanong ni Seungkwan.

"Multo? Paanong nagkamulto dito?" Tanong ko. Mukhang may iba akong kutob eh.

"Dati kasi nagtipon-tipon yung mga senior natin dito tas may bigla nalang lumitaw na babae mula sa pader tas may biglang iyak ng mga bata silang narinig kaya Haunted tong Graden na toh! Kahit mga janitor ayaw pumunta dito!" Pagpapaliwanag ni Seokmin na nangangatog pa.

'Psh anduduwag naman pala ng mga kasama ko.'  -_-

"Rumor din na dati itong sementeryo ng mga bata. Kaya walang napunta dito! Bat ba kase tayo nandito?!" Pabulong na sigaw ni Jeonghan.

"Dahil andito si Chan. And to prove you all na walang multo dito. Pero once na ma-prove ko yun dapat tayo lang ang makakaalam. Maliwanag?" Ani ko na hindi na bumubulong.

"Baliw!" Sabi nung tatlo habang napangisi nalang si Wonwoo. Mukhang alam niya na ang gagawin ko.

'Atleast mukhang okay na siya. Pero ano ba talagang nangyari sa kanya?'

"Nakikita niyo tong sinulid na toh?" Sabay turo sa nakita kong sinulid. Umiling naman sila.

'Sometimes it is good to observe everything around you, idiots.'

"Ayan ang secret dito. Dahil manipis yan at puti hindi agad nakikita. Once na maapakan niyo yan may tutunog dito na tawa ng mga bata. At magsa-start ang hologram ng isang babae na kunwaring tatagos sa mga pader." Paliwanag ko at napangiwi naman sila.

'Ayaw pang maniwala. Watch and learn. Mamangha kayo.'

Kinulbit ko ang sinulid at unti-unting nagplay ang tawa ng mga bata at nagpakita na ang imahe ng babae. Nawala din ito matapos ang dalawang minuto.

'Somethings fishy, mukhang may kinalaman ang 6th diamonds dito.'

"Wow!" Mangha at takot na sabi nung tatlo. Napatingin naman ako kay Wonwoo na nginitian lang ako.

Kahit papano ay nakadama ako ng relief dahil nakita ko nang nakangiti si Wonwoo.

Nagsimula na akong lumakad at sinundan si Chan.

'Ano bang ginagawa nung batang yun dito? Mukhang may kutob akong kakaiba sa lugar na ito eh! Na pwede naming ikapahamak lahat!'

Unti-unti ay naaninag namin si Chan na nagtatago sa likod ng isang medyo malaking puno.

Syempre nilapitan namin sya. Kinulbit ko siya, at sa di inaasahan nagulat at nataranta siya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka mahuli kami.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong na tanong ko sa kanya. Natahimik naman siya at tila hindi alam ang sasabihin. Sa huli ay bumuntong hininga naman siya at umamin na.

"Nakita ko kasing pumasok ang mga ugok na 6th Diamonds na yun dito eh. Sabi ng mga kaklase ko yun daw yung grupo nung hamster. Kaya nacurious ako at sinundan sila. Nagtungo sila roon at mukhang pinto yun papunta sa kung saan man." Mahabang paliwanag niya. Napatango-tango naman ang mga kasama ko.

'Sabi ko na nga ba eh, 6th Diamonds nanaman. Ano bang meron sa inyo? At tila napakahiwaga niyo? Binibigyan niyo ko ng malaking curiosity. Intayin niyo at bubukingin ko talaga kayo.'

"Wala ka bang nakitang multo?" Tanong ni Seungkwan na nagpabalik sakin sa katinuan.

'Mukhang alam ko na isasagot nito.'

"Multo? Hindi na ko bata para maniwala sa mga ganyan! At isa pa kitang-kita ko yung mga sinulid sa paligid." Sagot niya na kinamangha nung tatlo. Ngumisi naman sa kanya si Wonwoo at nakipag fist bump pa.

"Kuya? Susundan pa ba natin sila?" Tanong niya na dahilan para mapunta sakin ang atensyon ng lahat, mga nag-aantay ng sagot.

Napatingin ako dun sa pintuan. At pinakikiramdaman ito.

'Kung susundan namin sila baka kung anong mangyari sa amin. Maiging imbestigahan muna kung anong meron diyan. Ayoko na ding maulit ang nangyari.'

Sa naiisip ko pa lang ay kumukulo na ang dugo ko. Humanda ka sa akin Kwon Soonyoung! Dadating din ang araw na makakaganti ako!

———

Hi guys! Sorry sa sobrang tagal na update ko! Ngayon lang kasi ako nagkatime! You know I'm already in a vacation! Kaya sana sipagin na ko para araw-araw ako mag-update! Malapit na ko gumraduate! Sana!!!!

Patuloy niyo pa ding suportahan ang story na ito! At sama-sama nating tuklasin ang mga natatagong misteryo at sikreto ng 6th Diamonds at ng ating bida!

I love you all! Mwaaaa

You're Mine And I'm Yours (ON-GOING) Where stories live. Discover now