YMAIY 4

90 8 19
                                    

Soonyoung

"Mingyu pick up the fucking phone!" bulyaw ko sa harap ng cellphone ko. Dinadial ko kasi si Mingyu, gusto kong sumabay sa kanya. Tinatamad kasi ako magdrive.

10...

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1...

At sa wakas ay sinagot niya na.

"Hello?"  bungad niya ng sinagot niya ang tawag.

"Bakit ba antagal mong sagutin yung sagot?!" sigaw ko. Kita ko naman sa isip ko na inilayo niya sa tenga niya yung phone.

"May sinusundan kasi ako! Bakit ka ba tumawag?!" inis na sabi niya.

'Sinusundan? Bagong target nanaman niya?'

"At sino naman  iyang sinusundan mo?" tanong ko.

"H-Hindi ko siya kilala. Pero may iba kasi sa kanya. Parang gusto ng katawan kong sundan at pagmasdan mga ginagawa niya." sagot naman niya.

"Sunduin mo ko dito sa amin." sabi ki sa kanya more on utos.

"May kotse ka ah? Bakit susunduin pa kita?" inis na angal niya agad.

"Basta sunduin mo nalang ako!" inis din na utos ko.

"Tinatamad—" hindi ko na siya pinatapos at binabaan ko na agad siya ng tawag. Limang minuto lang ang inintay ko at dumating na siya. Nasa labas ako ng bahay kaya nakapasok agad ako sa kotse niya. Doon ako umupo sa back seat.

"Hey! Hindi mo ako driver dito ka sa passenger seat umupo!" angal niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nirolyohan lang niya ko ng mata sabay iling.

S A U N I V E R S I T Y

Pagdating namin sa University ay naabutan namin sila Vernon, Jun, Seungcgeol-Hyung, at Joshua-Hyung na pababa sa kotse nila.

'Tamang-tama lang pala ang dating namin eh!'

Paglabas pa lang namin ay agad na ang tilian. Nakakabingi sa ingay, pero dahil nga ako ang leader ay nakapoker face lang akong naglalakad. Puro ang papuri, pacrushback, papansin, at tilian ang naririnig namin.

Nang makapasok kami sa gate ay may narinig ako. Acoustic guitar. May narinig akong tumutugtog na nasa malapit lang. Nilinga ko ang malaking puno ng acacia at doon sa tingin ko nanggagaling ang musika.

Nadismaya ako ng marinig kong tumigil na ang tugtog. Pero bahagya ding napangisi nung may lumabas na lalaki sa area na yon. Nakaputing T-shirt ito kaya alam kong transferee ito.

"Soonyoung! Bilisan mo naman!" sigaw sa akin ni Seungcheol Hyung.

Natinag ako sa pagsulyap sa lalaking galing sa puno ng acacia, at nagmadali akong pumunta sa room namin. Ang room ng mga boss.

Yan ang tawag sa room na ito. Malaki ito na parang isang classroom lang. May dalawang mahabang sofa, dalawang single sofa, anim na upuan. Isang mahabang lamesa. May pintuan papunta sa baba. Ang basement namin, nahaharangan ito ng isang bandila, ang logo ng SVT University.

You're Mine And I'm Yours (ON-GOING) Where stories live. Discover now