Jihoon
Nakaupo lang kami sa likod at nagkwe-kwentuhan ng biglaang magtiliin ang buong classroom. Ng mapalingon kami sa pintuan ay may dalawang lalaki ang pumasok dito. Tuloy-tuloy lang ang mga kaklase ko sa paghiyaw, pagtili, pagbubulungan, at animo'y hihimatayin pa sa kilig.
'Psh! Don't tell me yan na yung sa 6th of Diamonds?'
Hindi ko sila pinansin at nagtuloy lang ako sa pagtingin sa bag ko. Nilingon ko si Wonwoo at mukhang wala din siyang pakialam. Habang sila Seokmin, Seungkwan, at Jeonghan ay halos matuyuan na ng laway dahil sa kanina pa nakabuka ang bibig nila. Si Minghao naman ay nakatingin lang pero mababakasan mo sa mata niya na wala siyang pakialam dito.
'Dahil ba transferee kami kaya wala kaming pakialam sa mga yan?'
Tinignan ko naman ang harapan at parang tangang mga kinikilig ang mga kaklase ko. Napatingin ako sa dalawang pumasok ng maglakad sila. Napatingin ako sa nangunguna at bahagya pa akong nagulat na nakatingin sa akin ito. Tinaasan ko naman ito ng kilay at tsaka inalis ang tingin sa kanya.
Tinignana ko si Wonwoo at wala pa din siyang pakialam. Sumandal nalang ako sa upuan ko at inintay na dumating ang teacher. And as if it's in cue biglang pumasok ang teacher.
"Good Morning class!" bungad nito ng mailapag na niya ang gamit niya sa table na nasa harapan.
"Since it's first day, I want to collect index card with your full name." sabi nito. Kumuha siya ng chalk at humarap sa blackboard.
Surname | Given Name | Middle Name
Performance Tasks | Recitation | Quizzes | Tests | Exams | Attendance | Total Points
(A/n: Ayan yung nakasulat sa blackboard. Yan yung gagayahin nila tas ialalagay sa index card. Para sa bunutan kapag may recitation.)
"I'll give you 5 minutes to do this." ani pa niya.
Kumuha naman kami ng index card at tsaka ginawa ang pinagagawa niya.
'Uso pa pala index card dito.'
Nauna akong natapos sa amin. Sumunod si Wonwoo, Si Jeonghan, Minghao, Seungkwan at huli si Seokmin.
Lumipas ang limang minuto at pinapasa na ito sa harapan.
"Mr. Kwon, and Mr. Kim I didn't expect to see you here. I'm glad you're both part of my class." nakangiting sabi ng teacher. Hinanap pa ng mata ko kung nasaan at kung sino ang tinutukoy ng teacher. Nakita ko naman na tinanguan siya nung dalawang pumasok kanina.
"Okay, so I see new names in here. Who is Xu Minghao? Jeon Wonwoo? And Lee Jihoon?" tanong ng teacher. Nagtaas naman kami ng kamay nila Wonwoo at Minghao.
"Kindly stand up. And introduce. Just there. Introduce yourself in your seat no need to go here." utos ng teacher. Hindi naman siya maarte at mukhang mabait ito. Lagi kasi siyang nakangiti, kaso nakakadugo lang talaga ng ilong ang english niya.
"I'm Xu Minghao, I'm a transferee from Pretty University." pagpapakilala ni Minghao.
"I'm Jeon Wonwoo, I'm from Adore University." si Wonwoo. At panghuli ako.
"I'm Lee Jihoon. Also from Adore University." pagpapakilala ko. Hindi ako ngumiti pero di din naman siguro ako nagmukhang tanga at masungit.
"Okay thank you, you may now sit down. And please feel welcome here in our University." sabi niya pa. Sinuklian naman namin siya ng ngiti, pero tipid lang ang akin.
YOU ARE READING
You're Mine And I'm Yours (ON-GOING)
FanfictionLee Jihoon is a boy who has a different personality. He lives in a small house with his mother and brother Chan. After transferring to SVT University, his life becomes hell. Kwon Soonyoung, a cute yet handsome and famous son of the owner of the uni...