Jihoon
NAGISING ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ibabang bahagi ng aking katawan. Iminulat ko agad ang aking mata at kisame ang sumalubong sa paningin ko. Dahan-dahan kong iginala ang mata ko.
Nasa loob ako ng kwarto ko.
Dahan-dahan akong naupo mula sa pagkakahiga at pilit na nilalabanan ang sakit sa ibabang parte ng katawan ko.
'Bakit ba ang sakit ng baiwang ko at ng puwetan ko? Hindi naman ako sumali sa fraternity diba? Nahazing ba ako?'
Nang makaupo na ng ayos ay may kumatok sa pintuan ko.
"Nak! Ji? Gising ka na ba?" dinig kong tawag sa akin ni mama.
"O-Opo!" pabalik na sagot ko naman.
"Bumaba ka na nak! Kakain na tayo! At mag-ayos ka na may pasok pa kayo!" mahinahong utos sa akin ni mama bago ko nadinig ang mahihinang yabag na papalayo sa pintuan ng kwarto ko.
'Wait? Hindi si Chan ang nanggising sa akin?'
Usually kasi siya ang gumigising sa akin. Kapag di niya ako ginising ibig sabihin nagtatampo siya, masama loob niya, okaya naman ay nagalit siya.
"Pero bakit nama–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagregister na sa utak ko ang naganap kahapon.
Unti-unting nabalot ang sarili ko sa hiya. Ngayon ay mas dama ko na ang sakit sa bandang ibaba ko. Dahan-dahan akong lumakad sa banyo at naligo ng husto. Bawat daloy ng tubig sa butas ko ay siyang paghapdi nito.
Hindi maiwasan ng aking mga mata ang lumikha ng butil ng luha.
'Madumi na akong tao! B-Bakit sa k-kanya pa! Bakit yung pagkabirhen ko ay basta-basta nalang naisuko sa kanya! At s-straight a-ako diba? Si Wonwoo?! Anong nangyari sa kanya?'
Napuno na ng pag-aalala ang isip ko, mabigat ang loob ko, galit ang unti-unting pumapangibabaw sa akin, pagod ang katawan ko, at hiya ang pumapangibabaw sa dibdib ko.
Nang matapos ay bumaba na ako at sumalo sa pagkain nila. Naka-tungo lang ako, at dama ko ang coldness ni Chan sa hapag. Gayun din ang init ng mata niya tuwing dadapo ang paningin niya sa akin.
Gumaganti ako sa kanya mapabiro man o away. Pero this time ako ang may kasalanan, kahit pa hindi ko man ginusto ang nangyari. Kaunti lamang ang nakain ko dahil tapos na si Chan at di na ako inintay. Dumiretso agad siya sa kotse. Humalik lang ako kay mama at sumakay na din upang magdrive.
Nang mai-start ko ang kotse ay tinignan ko si Chan, nasa labas lang ang tingin niya. Napabuntong–hininga ako at sinimulan ng magdrive. Nang makarating sa school ay pinark ko ang kotse namin, at lumabas dahil nauna na si Chan.
Bago pa man siya makalabas ng Parking Lot ay hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang hinila ito.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya. Pinilit kong magpakatatag, kahit sa loob loob ko natatakot ako na hindi niya maintindihan ang sasabihin ko at mas lalong di niya na ko pansinin.
"Wala tayong dapat pag-usapan, malelate na ako." Akmang aalis na siya pero hinila ko ulit siya. Inis naman niya akong nilingon.
"Pwede bang pakinggan mo muna ako? Nahihirapan din ako eh." sabi ko. Di naman siya umimik. Bumuntong hininga pa muna ako.
"Sorry, kahapon ay naparusahan kami ni Wonwoo kaya natagalan kami. At gabi na ng makalabas ng school." pagdadahilan ko. Natawa naman siya na ikinabigla ko.
"Yun lang? Ano bang klaseng pagpaparusa ginawa nila sa inyo? Sex? Amoy sex ka kahapon eh. Buhat buhat ka pa nung mukhang hamster na yun! Alas–otso na ng gabi andito pa din ako! Nakikipagsex ka lang na—" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil dumapo na ang palad ko sa mukha niya.
"A-Akala mo ba ginusto ko yun?! Hindi ko gusto yun! Sa tingin mo ba matatalo ako nun?! Kung hindi niya lang nilagyan ng drugs na pampatulog ang hangin kahapon ay makakaalis pa kami!" naiiyak na sabi ko. Tinignan niya ako at ibayong awa ang nakita ko sa mata niya. Niyakap niya ako at humagulgol ng iyak sa balikat ko.
"S-Sorry pinag-antay ka ni kuya. Sorry din di ko inalam kung anong mga school punishment nila dito. Hindi ko alam na legal pala ang ganung parusa dito. Sorry, ayaw kong mag-alala ka pero pinag-alala pa din kita." paghingi ko ng tawad. Unti-unti naman siyang tumahan.
"A-Ako dapat ang m-mag sorry, h-hindi ko muna i-inalam yung t-totoo. Sorry kuya. Di na mauulit." sabi niya at nginitian ko naman siya. Pinunasan ko ang mga luha sa mata niya.
"Ayos lang wag ka ng mag-sorry naiintindihan naman kita eh. Wag nalang nating isipin, at maigi pa kung wag nalang nating alalahanin. Mahal ka ni kuya ah. Tara na?" ani ko bago tuluyang kaming lumakad. Mabuti nalang kami lang ang tao sa parking lot dahil maaga kaming pumasok.
Naglakad ako papuntang room at umupo sa upuan ko. Pinikit ko ang mata ko at inintay ang mga kasama ko. Unting minuto pa ay narinig ko na sila Jeonghan. Iminulat ko ang mata ko at nakita sila nila Seungkwan, humiwalay na si Seokmin sa kanila at oumasok sa katabing room. At umupo naman silang dalawa sa uuan nila at naggood morning sa akin.
Kasunod nila si Wonwoo na mukhang wala sa sarili. Umupo siya sa upuan niya. Tinignan naman muna niya ako at nginitian ng tipid bago umupo ng ayos at tumingin sa kawalan.
'Ano kayang nangyari dito? Tahimik siya eh. Kagaya kaya ng sa akin?'
Pinagmasdan ko siya at dun ko napansin ang concealer na nilagay niya sa bandang labi. May sugat din yung labi niya di lang mahahalata.
'Sinuntok ba siya nung sunog na kapre kahapon? Bakit may concealer yung mukha niya? At bakit may sugat yung labi niya? Wala naman akong napansin sa lakad niya kanina. Anong nangyari sayo Wonwoo?'
Naputol ang isipin ko ng pumasok ang guro kasabay ni Soonyoung at Mingyu. Kusang nagdilim ang paningin ko, at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Gusto ko silang pagsusuntukin ngayon.
Tinignan ko ulit si Wonwoo, at kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Kita kong nagpipigil siya, at ang laman ng mata niya ay sobrang dilim.
Bahagyang nagulat pa ako ng biglang hawakan ni Jeonghan ang balikat ko.
"Ayos ka lang? Kayong dalawa? Bakit antahimik niyo? At nakakuyom ang kamao niyo?" nag-aalalang tanong niya. Tumango lang ako, at nakita ko sa peripheral vision ko na nakaupo na yung dalawa sa kabilang row.
Napabuntong–hininga naman si Jeonghan at tumingin kay Seungkwan na nag-aalala rin. Nginitian ko nalang silang dalawa ng pilit pero hindi pinahalata iyon at nagsimula na ang klase.
———
Yes! After ng 2 months author block nakapagsulat din! So ayun sorry kase antagal ng update ko HUHU! Pero ayan babawi ako. Ito din medyo maikli lang muna kasi yung utak ko di pa masyado nagpa-function ng ayos.
May task din tayo! STREAM HOME RUN AND LEFT AND TIGHT AND VOTE FOR SEVENTEEN AND LEFT AND RIGHT SA LAHAT NG POLL AND VOTING APPS! HWAITING CARATS!
YOU ARE READING
You're Mine And I'm Yours (ON-GOING)
FanfictionLee Jihoon is a boy who has a different personality. He lives in a small house with his mother and brother Chan. After transferring to SVT University, his life becomes hell. Kwon Soonyoung, a cute yet handsome and famous son of the owner of the uni...