Jihoon
2 days after Jihoon and Soonyoung's meet
Nakaupo ako sa upuan namin at iniintay na ang magbell na dahil gusto ko ng umalis sa classroom na ito.
Paano ba naman katabing row lang namin ang row nung bwisit na walang matang yun!
'Nanggigil na talaga ako dito eh!'
Hindi ko man siya lingunin ay ramdam na ramdam ko naman ang mga titig niyang nakakakilabot.
'Wala na ngang mata gusto pa ata nitong tabggalan ko siya! Daig pa stalker kung tumitig eh!'
Nakikinig ako kahit na sobrang distracted ako dahil nakakaramdam ako ng discomfort. Unting oras pa ay napapikit na ako ng mariin dahil hindi ko na talaga kaya. Dahan-dahan ko siyang tinignan na nasa mismong tabi ko lang dahil idinulo ako ng teacher ko.
Flashback
"Mr. Lee Jihoon, may you please sit down there at the very end of that row so that I can see you clearly? It's just your height is kinda cute." sabi ng teacher namin na para sa akin ay insulto na. Tinignan ko siya ng matalim bago ako tumayo at maupo sa itinuro niyang upuan.
Tumingin ako sa kabilang side ko at napairap nalang ako ng makita kong ngising-ngisi itong HAMSTER na ito.
Katabi ko si Wonwoo kaya di na din naman ako nagreklamo.
'Di ko nalang ito papansinin.'
End of Flashback
Pinukulan ko siya ng masamang tingin at as usual nginitian niya lang ako. Humarap ako sa blackboard at doon na itinuan ang buong atensyon ko hanggang sa magbell na.
Agad naman akong nagligpit at tumayo. Hinila ko agad si Wonwoo at sumunod naman sila Jeonghan.
Well sabihin nalang nating alam nilang iniiwasan ko yung hamster na iyon.
Nagmadali kaming bumili ng pagkain at tumakbo papunta sa tambayan ko. Yung Puno ng Acacia.
"Guys, hindi ako papasok sa susunod na subjects. Dito nalang ako." biglang sabi ni Wonwoo ng makaupo na kami.
"Ako din, dito nalang ako. Ayaw ko muna pumasok feeling ko naso-suffocate ako." sabi ko.
'Buti nalang may kasama ako... Akala ko ako lang magka-cutting eh!'
"Gusto ko din sanang magcutting kaso bawal ako! Titiisin ko nalang yung 6th of Diamonds kesa naman mapagalitan ako sa bahay!" sabi ni Jeonghan. Ginugulo din kasi siya nung mukhang camel.
"M-Mapaparusahan kayo kapag nahuli kayo na nagcutting! Kaklase pa naman natin mga bakla ang 6th of diamonds!" nag-aalalang sabi ni Seubgkwa n at Seokmin.
'Wow, talagang sabay sila!'
"Papasok ako." tipid na sabi ni Minghao.
At kalaunan kami nga lang ni Wonwoo ang naiwan. Sumama muna kami sa kanila dahil pupunta ako ng parking lot para kunin sa kotse namin yung gitara ko.
Mabilis naman akong bumalik at nandun si Wonwoo. Hawak ang notebook ko kung saan ako nagcocompose.
"Maganda itong bago mong kanta. Lahat naman maganda pero iba yung message nito." sabi niya at tumingin sa akin. Medyo nagulat ako pero di ko pinahalata.
YOU ARE READING
You're Mine And I'm Yours (ON-GOING)
FanfictionLee Jihoon is a boy who has a different personality. He lives in a small house with his mother and brother Chan. After transferring to SVT University, his life becomes hell. Kwon Soonyoung, a cute yet handsome and famous son of the owner of the uni...