YMAIY 10

68 7 0
                                    

Lee Jihoon

Maaga kaming pumasok para sa klase namin. Friday ngayon at bukas may pupuntahan kami. Yung lalaking kikitain kami na nabanggit ni Chan.

Hindi ko itatangi na kahit papaano ay nalipad ang isip ko at hindi nakakapagfocus sa klase namin. Paano ba naman ay laging nasagi sa isip ko ang pupuntahan namin para bukas.

Dahil nga lumilipad ang isip ko hindi ko manlang namalayan na tapos na ang klase. Tinapik ako ni Wonwoo ng mapnsin niyang hindi pa ko natayo.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Jeonghan, napatingin ako sa kanya at tumango.

'It just really bother me pero ayos lang naman ako.'

“Tara na?” Aya ko sa kanila para hindi magmukhang awkward. Tumayo na ako at lumabas na kami.

“Oh hi cutie!” Flirty na pagkakasabi nung isa sa 6th of Diamonds kay Minghao. Tinaasan naman siya ng kilay ni Minghao.

“Close ba tayo?” Mataray na sabi ni Minghao.

“No pero you and i can be open you know?” Sabi nitong kumag na... pogi?

“And what do you mean by that?” Tanong ni Minghao hindi naman nakapagsalita yung isa. Inirapan lang siya ni Minghao at hinila na kami palayo.

“Babanat nalang bobo pa!” Iritadong bulong ni Minghao. Natawa naman kaming lahat sa asta niya. Tunay naman kasi.

Nang dumating ang mga sundo nila ay nagpaalam na sila at umalis. Kami naman ay may trabaho pa sa café.

Magkasama kami ni Wonwoo na pumunta doon at sumama na den si Chan dahil wala namang maghahatid sa kanya sa bahay. Tatambay lang siya dito at magce-cellphone buong magdamag. Hanggang sa uwian namin ni Wonwoo.

After naming magpalit ng uniform ay tumunog ang bell sa pintuan na ibig sabihin ay may pumasok. Pag minamalas ka nga naman, isa nanamang asungot.

“One Iced Coffee Caramel with less sugar and blueberry cheesecake, please.” Order nito. Siya yung tahimik lang sa grupo nila, madalas ay natawa lang pero madalas parang walang pakialam sa mundo.

“That would cost 230 sir.” Sabi ko.

“Here.” Abot niya ng bayad inilahad ko ang kamay ko pero sa counter niya nilagay yung bayad. Wtf? Nagtimpi lang ako at di na pinansin yung ginawa niya.

“Please make yourself comfortable and find a table, we'll serve it in a few minutes.” Mahinahon na sabi ko pero hindi pa ko tapos magsalita ay tumalikod na siya at umupo sa dulo at naglabas ng laptop.

“Isa nalang sasapakin ko na toh.” Pigil ang inis na sabi ko. Hinayaan ko na si Wonwoo ang magserve dahil baka ibuhos ko sa kanya yung inumin at mahampas ko pa ito ng tray.

Mabilis na nagdatingan ang mga babae galing sa school namin at nagsipag order. Nakita ko namang napabuntong hininga nalang yung nasa dulo.

Prolly sinundan lang siya ng mga ito. Great hindi naman halata, tamang sulyap pa sila sa likod.

Sunod-sunod ang bilihan nila at ang paggawa namin ni Wonwoo. Kahit si Chan ay tumulong na sa pagseserve dahil dinadagsa kami ng customer ngayon.

Napapagod na ko pero sige lang kami sa pagtra-trabaho. Matapos ang halos dalawang oras ay lumabas na yung lalaking asungot at maya-maya nagsilabasan na den yung mga babae.

'Hindi naman halata na siya lang pinunta niyo dito. Great pasapak nga isa!'

Ilang oras ang lumipas at uuwi na kami. Kita mo ang pagod sa amin dahil sa kanina pang pagdagsa ng mga fan yata ng abnoy na yun. Halos maubos den ang stock namin dahil iisang order lang ang inoorder nila.

'Iced Coffee Caramel with less sugar and blueberry cheesecake.'

Ano namang masarap sa order na yun?

Dumating ang boss namin at tuwang-tuwa siya sa kinita namin. Dahil nga sa dami ng mga yun at 230 ang preayo ng binibili nila ang laki ng kinita namin.

Binigyan niya pa kami ng reward kasama ang sweldo namin. Great may pambayad na ko sa ibang utang. Gumawa pa siya mismo ng tatlong Iced Coffee Creamy Cappuccino with less sugar and blueberry cheesecake at ipinabaon sa amin yun. Binigyan nalang nakin siya ng pilit na ngiti.

“Mukhang pera talaga yung tangang yun.” Komento ni Chan nang makasakay na kami sa kotse at nagd-drive na ko pauwi.

“Words.” Pagsita kp sa kanya.

“Gahaman talaga yun. Kahapon nga galit na galit sa amin yun, ang liit kasi ng kita namin kahapon. Tas yung kasama ko pa kahapon nakabasag ng tasa. Tapos ngayon may pareward pa siya. Sarap sakalin eh!” Sabi ni Wonwoo na mahahalataan mo din ng inis. Tumawa lang kami ni Chan sa sinabi niya. Inihatid namin siya sa bahay nila at dumiretso na kami sa amin.

“Oh mga anak, sakto kayo tara na't kumain!” Bungad sa amin ni nanay. Humalik kami sa pisngi niya at dumiretso na sa hapag.

“Sa inyo nalang ito nay oh.” Sabi ko at inabot sa kanya yung binigay sa amin ni boss.

“Maraming salamat anak!” Nakangiti niyang sabi. Nagtataka naman ako bakit mukhang ang aliwalas ng mukha ni nanay ngayon. Dati kasi aakalain mong magkakasakit siya. Pero ngayon ay mukhang masaya talaga siya. Napangiti nalang din ako.

“Sige tara na't kumain!” Sabi ni nanay at kumain na nga kami. Pagkatapos ay kami na ni Chan ang naghugas ng pinagkanan at pinagpahinga na namin si nanay. Lumabas muna ako ng bahay pagkatapos ko sa hugasin.

Tumambay ako sa likuran dahil doon kita mo yung buwan. Nakaupo ako dun at nags-strum lang.

“Excited na ako para bukas kuya.” Biglang sulpot ni Chan. Masaya siyang umupo sa tabi ko.

“Paano nalang ang school at si nanay? Yan ang tanong.” Sabi ko.

“Yan din ang iniisip ko eh.” Sabi niya at napawi yung mga ngiti niya.

“Pero sayang kasi yung pera. Kung pwede lang sanang sa umaga papasok, tas training sa hapon at uuwi na sa gabi.” Sabi pa niya at mahihimigan mo ang lungkot sa boses niya.

Natahimik kami pareha at hindi nagsalita. Patuloy lang ako sa pagstrum ng gitara ko. Wala akong maisip na chords para sa kanta ko kaya nagstrum nalang ako ng mga kantang alam ko.

Nakikinig lang si Chan sa ginagawa ko. Nakatingala siya sa langit at nakatingin sa mga bituin. Gawain namin ito dati, ang mag star gazing.

Ang tanging nasa isip ko lang ay sana tama yung ginagawa namin. Alam kong hindi pa kami isasabak, at dadaan pa kami sa mga training.

Pero hindi din naman namin pwedeng i-expect na ganon lang ang mangayayari baka mamaya isalang kami sa trabaho. Delikado ang mga training sa mga ganito. At buhay namin ang nakasalalay panigurado.

Kung tutuusin pwedeng matunton ng mga masasamng tao ang ginagawa namin kung hindi kami mag-iingat. Paano na lamang kung may kalaban na nakakita sa lalaki na yun at kay chan na nag-uusap? Paniguradong malalagay kami sa panganib. Pero hindi ko hahayaang mangyari yun.

———

To be continued...

You're Mine And I'm Yours (ON-GOING) Where stories live. Discover now