Chapter IX

76 2 2
                                    

(JEFFREY'S POV)

Unti unti ng bumubuti ang lagay ni lola dahil na rin sa pagaalaga ko. Halos isang linggo na rin akong nandito sa bahay. Namimiss ko na ang condo ko. Sa totoo lang sa tuwing umuuwi kasi ako ditto sa bahay ay napakabigat ng loob ko. Masama talaga ang loob ko sa Lolo ko at kay Mommy. Buti na lang at andito si Lola. Kung wala naman si Lola dito ay hindi ako uuwi sa mansion ni Lolo. Katatapos ko lang painumin si Lola ng gamot nya ng magtext si Bernice. Nagyayaya magdate si Bernice. Wala naman akong magagwa dahil pag di ako pumayag eh aawayin na naman ako. Marami na akong iniisip kaya ayoko ng dagdagan pa kaya pumayag ako. Sinundo ko sya sa bahay nila sa QC.

"San tayo babe?" tanong ko ng wala sa mood.

"Baby I want to go to MOA today." Sabi nya.

"Ok." Sabi ko

Bumiyahe na kami papuntang Moa. Medyo traffic na namn sa EDSA. Ano nga bang bago? Nang makarating kami sa MOA ay nagdecide kami na manuod muna ng movie. Hindi ko rin naman maenjoy ang movie dahil sa dami ng iniisip ko at dinadala ko.

"Babe did you enjoy the movie?" tanong ni Bernice nang palabas na kami ng cinema.

"Its just alright babe." Sagot ko na walang kainte-interes.

"Babe ano ba naman yan? Tayo nga ang magkasama pero parang ang layo layo ng isip mo." Iritang sabi ni Bernice.

"Babe alam mo naman na marami akong problema di ba? I hope you understand na I cant be happy all the time." Sagot ko naman.

Ngunit parang walang narinig si Bernice.

"Anyway  I wanna go shopping." Sabi nito.

"Fine."  Pilit kong sagot.

Nagikot ikot kami sa kung saan saang boutique at stores. Kung makapamili naman kasi itong si Bernice e akala mo magkakaroon ng shortage ng mga damit at sapatos sa Pilipinas. As usual, syempre nagmukha na naman akong alalay ni Bernice dahil ako ang tagabitbit ng pinamili nya. Mukha tuloy akong shopping cart sa dami ng bitbit ko. Naglalakad kami ni Bernice para maghanap ng makakainan dahil hapon na pala. Nagdecide kami kumain ni Bernice sa Racks. Medyo naparami ang kain ko dahil hindi naman ako naglunch kanina. After namin kumain ay nagyaya magcoffee si Bernice. Actually, I just wanna go home and rest pero hindi nnaman ako mananalo ditto eh. Hinihintay ko sya sa labas ng resto nang may mapansin akong isang tao.

"Si Zeke yun ah.." sabi ko sa sarili ko.

Nakita ko sya naglalakad na may kasamang isang lalake at isang babae.

"Sno kaya yung kasama ni Zeke? Baka yun yung babaeng nakilala nya." Sabi ko.

"Pero sino yung lalake na kasama nila?" tanong ko out of curiosity.

Tatawagin ko sana si Zeke pero lumabas na si Bernice from the resto.

"Lets go babe." Sabi nito.

Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

"Babe lets go? Ano ba ginagawa mo dyan?" inip na tanong ni Bernice.

"Parang nakita ko kasi si Zeke." Sabi ko.

:Oh talaga?" walang interes nyang tugon.

"May kasama syang babae." Sabi ko.

"Baka yun yung nakilala nya. Anyway babe lets go na. I don't want to stand here waiting." Sabi nya.

Pumunta kami ng Starbucks para magcofffee. Well sya lang ang nagcoffee nagorder lang ako ng tea. Maraming kinukwento si Bernice  pero hindi koi to naiintindihan gawa ng wala nga talaga ako sa mood lumabas. Finally nagyaya na ako umuwi dahil pagod na ako.

In the Arms of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon