(JEFRREY's POV)
Kinaumagahan pagkagising ko ay napagpasyahan kong umuwi muna sa mansion. Parang napakagaan ng araw na ito. Hindi ko pa rin malimutan ang mukha nung lalaki sa mall. Iniimagine ko kung kelan kami magkikita ulit. Ngunit napagtanto ko na malabong mangyari yun dahil hindi ko naman sya kilala.
Pagdating ko sa Bahay ay kaagad na sumalubong sakin si Mamang. Pagbaba na pagabba ko ng kotse ay niyakap ko ito at binuhat.
"Goodmorning Mamang.It's a beautiful day." sabi ko na todo ang ngiti.
"Mukhang masaya ang alaga ko ah. Dahil ba yan kay Bernice?" tanong nito.
"Naku Mamang hindi po to dahil kay Bernice. Hindi po ba pwedeng masaya lang ako ngayong araw na ito?" sambit ko sa kanya.
"Tama yan anak. Mas Lalo kang gumagwapo pag lagi kang nakangiti. Hindi bagay sayo ang nakasimagot." sabi nito.
Pinormahan ko naman sya ng parang mister pogi pose.
"Naku ikaw talaga pilyo ka pa rin. Tara na at ang Lola mo ay nasa garden." sabi nito.
Tinungo na namin papuntang garden. Iniwan na ako ni Mamang para kumuha ng makakain a maiinom.
"Goodmorning to the most beautiful and kindest lola in the whole world." bati ko kay Lola sabay yakap at halik sa pisngi.
"Mukhang masaya ang apo ko ngayon ah. Anong meron?" tanong ni Lola.
"Maganda lang po talaga ang gising ko Lola. Tsaka namimiss ko na rin kasi kayo." paglalambing ko sa kanya.
"Naku naman itong batang ito talga ubod ng lambing." sabi ni Lola habang kinukurot ang pisngi ko.
Buong umaga kaming nagkwentuhan ni Lola. Napagusapan rin namin ang pagattend ko sa birthday party ng French Ambassador. Ayoko sana pumunta kaso nangako ako kay Lola. And I promised her I'll be on my best behavior. Hindi naman talaga party yung ipupunta namin nila Lola dun eh kundi business venture to expand the company in France. Puro business lang naman talaga inatupag ni Mommy at Lolo.
I was about to go up to my room nang magring ang phone ko.
"Hey Jeffrey what's up my brother?" bati ni Zeke.
"Wala naman masyado. Andito ako ngayon kina Lola." sagot ko.
"Aba himala at nandyan ka. Di ba you dread that place?" tanong ni Zeke.
Dread is a very harsh word. Pero that's exactly how I feel whenever andito sina Lolo at Mommy. Masaya naman pag kami lang ni Lola ang nandito.
"Well wala dito sina Lolo if that's what you're asking. Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko sa bestfriend ko.
"Yayain sana kita to hang out." Sabi nito.
"Ang aga pa para uminom bro." biro ko sa kanya.
"Syempre hindi naman tayo iinom ng ganito kaaga. Let's just hang out sa favorite resto ko. My treat. And may gusto sana rin ako ipakilala sayo." sabi nito.
"Yung lovelife mo ba yan?" usisa ko.
"Tange syempre hindi pa. Hahahaha. Biro lng kaibigan ko to. Im sure magkakasundo kayong dalawa." Sabi nito.
"Ok sige magpapaalam lang muna ako kay Lola then punta na ako. I'll be there in 1 hour. Text me the name of the resto." Sabi ko.
"Already sent it bro. See you." sabi nito.
"See you. Ingat ka." sabi ko sabay baba ng phone.
Binasa ko ang text nito. La Cocina de Paradiso. Sounds familiar pero I don't think nakakain na ako dito. Nagpaalam na ako kay Lola. Pagdating ko sa resto ay iba ang pakiramdam ko. Napakagaan ng pakiramdam ko. Parang buo ang pagkatao ko. Ninamnam ko ang sarap sa pakiramdam na iyon. Napangiti ako dahil dito.

BINABASA MO ANG
In the Arms of an Angel
FantasyHow can you love someone you dont remember? Two hearts and world will collide. Follow Ezra and Jeffrey on their journey.