Chapter V
(EZRA’S POV)
Sobrang saya ng araw na ito. I made a new friend and im pressed the French Ambassador. Nakaktuwa din dahil sobrang proud na proud sakin si Papa. Pero im still guilty kasi umalis ako sa bahay ng walang paalam. Alam ko na sobrang nagalala si Papa. Nagpaalam na si Zeke dahil may client meeting pa raw ito. Sinabi ni ni Papa na welcome daw sya lagi sa restaurant and binigay ni Papa ang address sa bahay para naman daw mabisita ako nito paminsan minsan.
Nasa kotse na kami ni Papa pauwi ng bahay.
“Son Im so proud of what you did today. Naimpress talaga ako ng sobra.” Sabi ni Papa
“Masaya ako Papa at nakatulong ako sa inyo kahit ganito ang kondisyon ko. Ako man ay nagugulat sa sarili ko sa mga kaya kong gawin.” Sabi ko naman.
“I think anak you are from a well of family to know how to speak French fluently. Maswerte ang pamilya mo sayo.” Sabi nito.
“Mas maswerte ako sa inyo Papa. Kasi kahit hindi niyo ako kaanu ano ay kinupkop niyo ako at tinuturing na tunay na anak. Maswerte ang magiging tunay niyong anak or magiging anak niyo Papa.” Sabi ko rito.
Ngumiti si Papa sa sinabi ko. Ngunit bakas sa mga mata nito ang lungkot at pangungulila.
“Bakit kaya malungkot si Papa kahit nakangiti sya?” tanong ko sa aking sarili.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay.
“Ezra!!! Naku san k aba nanggaling nagalala ako sayo. Kanina pa kita hinahanap. Pati si Lola Perlita ay nagaalala. Buong araw itong malungkot.” Bungad saking ni Danielle sabay yakap sakin ng mahigpit.
“Ayo slang ako Dani. Naligaw kasi ako at hndi ko alam kung pano bumalik. Buti na lang may tumulong sakin at coincidentally dinala ako sa restaurant ni Papa. Nakakamangha talaga itong araw na ito. Nagkaroon pa ako ng bagong kaibigan. Pag bumisita sya dito ipapakilala kita. I think you’re gonna like him.” Sabi ko.
“Talaga? Sabi mo yan ha? Tara na sa loob kanina pa nagaalala si Lola sayo.” Sabi nito.
Pumasok na kaming tatlo nila Papa sa loob. Nakita ko si Lola sa may tabi ng piano at tila sobrang lungkot nito. Lumapit ako sa kanya. Nang Makita ako ni Lola ay ngumiti ito habang naiiyak. Inabot nito sakin ang kanyang mga kamay senyales ng mga yaka. Niyakap ko si Lola.
“Lola sorry po kung nagalala kayo. Hindi ko na po uulitin. Hindi na po ako aalis ng walang paalam.” Sabi ko habang umiiyak.
Yakap yakap ako ni Lola ng magulat kaming tatlo nila Papa at Dani.
“E-Ezra ta-tahan n-na a-apo. Hi-hindi ga-galit a-ang lo-lola sa-sayo. Nag-a-alala la-lang a-ako.” Pautal utal na sabi ni Lola.
Napatingin ako kay Lola. Biglang yumakap sa amin si Papa.
“Inay nakakapagsalita na ulit kayo. Maraming salamat sa Panginoon at dininig nya ang mga dasal ko.” Sabi ni papa habang umiiyak sa sobrang tuwa.
Maging si Danielle ay teary eyed na rin sa eksena. Dahil sa mga kaganapan. Nagpasya si Papa na magluto ng hapunan. Sinabi nito na tulungan ko daw sya total naman daw ako ay magaling na chef. Tinulungan ko si Papa magluto ng paboritong pagkain ni Lola. Napakasaya ng araw na ito dahil sa dami ng magagandang nangyari.
Pagkaluto ng kare-kare at sinigang na hipon ay nnagsimula na kaming maghapunan.
“Inay kakain na tayo. Ang apo niyo ang nagluto ng mga paborito niyo.” Sabi ni Papa.
“Ta-talaga? Sa-salamat a-apo.” Tugon ni Lola sabay ngit.
“Masarap naman bay an ha Ezra?” pangaasar ni Danielle.
BINABASA MO ANG
In the Arms of an Angel
FantasyHow can you love someone you dont remember? Two hearts and world will collide. Follow Ezra and Jeffrey on their journey.