(EZRA's POV)
Pagkauwi ni Jeffrey ay di ko pa rin sya maalis sa utak ko. Gulong gulo na ako. Pakirmdam ko ay matagal ko na syang kilala. Pakiramdam ko ay parte sya ng nakaraan ko. Hindi maalis sa isip ko ang mukha nya. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko pag naiisip ko sya. Parang gusto ko lagi syang nakikita at nakakasama. Nakatulog ako na si Jeffrey ang tumatakbo sa utak ko.
Pagkagising ko kinabukasan ay nakita ko si Lola at Dani sa garden. Minamasahe ni Dani ang mga paa ni Lola.
"Besty anong ginagawa mo?" tanong ko dito.
"Minamasahe ko ang paa ni Lola. Baka kasi magatrophy mga muscles nya dahil di nya ito naigagalaw. Mamaya magpaparkatis kame na ilakad nya yung mga paa nya." sabi nito.
"Ok lang ba na ako na gumawa nyan?" tanong nito.
"Sigurado ka ba?" tanong nito.
"Oo naman." sagot ko.
"Ok sige ipaghahanda na lang kita ng makakain. Wag masyado magpakamiracle worker ha?" sabi sakin ni Dani.
"Miracle worker?" taka kong tanong.
"What I mean is wag masyado magexert ng effort kasi baka ikaw naman yung magkasakit. Isipin mo rin sarili mo paminsan minsan. Kaya nga andito rin ako para tumulong at magalaga di ba?" sagot ni Dani.
"I know Besty. Naappreciate ko lahat ng ginagawa mo para sa amin. KAya nga love na love kita eh." sabi ko.
"Aysus eto naman. Oh sige na ipaghahanda na muna kita ng makakain." sabi nito
"Lola ako na muna magmamassage sa inyo ha?" sabi ko kay Lola.
"Ang apo ko ga naman talga napaka maalalahanin. Maraming salamat sa pagaalaga mo sa amin ha? Simula nung dumating ka sa amin apo lumalakas ang pakiramdam ko. Salamat sa pagmamahal na binibigay mo." sabi nito na nakangiti.
"Lola hindi po matutumbasan ng kahit ano yung pagmamahala at pagtanggap niyo sa akin bilang pamilya. Kayong tatlto nila Papa. Kaya kahit anong hirap kakayanin ko para sa inyo." sabi ko.
"Kamusta naman ang kwentuhan niyo kagabi apo? Mukhnag inabot na kayo ng madaling araw ah." tanong nito.
"Oo nga po Lola eh. Ang sarap kausap ni Jeffrey. Tsaka alam niyo Lola ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pakiramdam ko matagal ko na syang kilala. Parang parte sya ng nakaraan ko. Pero hindi ko talaga maalala kahit anong pilit ko." sabi ko.
"Alam mo apo wag mong piliting alalahanin. Kasi the more na ipilit mong alalahanin ang nakaraan the more na hindi nito irereveal sayo. Just let it flow." sabi nito.
"Opo Lola. Alam niyo po ba na Lola's boy din itong si Poy?" sabi ko.
"Sino si Poy?" tanong nito.
"Si Jeffrey po Lola. Yun daw yung palayaw nya nung bata pa sya. Sabi niya gusto nya na yun na lang itawag ko sa kanya kasi nakakagaan daw sa damdamin." sabi ko habang nakangiti.
"Apo mukhang iba na yata ang mga ngit mo ngayon ah." sabi nito.
"Anong ibig nyong sabihin Lola?" tanong ko.
"Ang tamis kasi ng mga ngiti mo pag nababanggit mo sya. Gusto mo ba sya apo?" tanong nito.
"Hindi ko po maintindihan yung nararamdaman ko Lola. Gusto ko sya parating makita at makasama. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ni Poy sa akin. Siguro dahil pareho kaming lost? I don't know what it is din Lola. Confused na ako sobra." sagot ko.
"It's ok to be confused. Wag mong pilitin hanapan ng kasagutan. Kusang darating ito sayo. Kung masaya ka sa nararamdaman mo hayaan mo lang. Malalaman mo rin balang araw ang mga sagot sa tanong mo." sabi naman nito.
BINABASA MO ANG
In the Arms of an Angel
FantasyHow can you love someone you dont remember? Two hearts and world will collide. Follow Ezra and Jeffrey on their journey.