Chapter VII

69 3 0
                                    

(EZRA'S POV)

Nasanay na ako sa routine ko sa bahay. Sa umaga tinutugtugan ko si Lola, dalawa kami ni Danielle na nagaalaga sa kanya. Paminsan minsan ay pinapatawag ako ni Papa sa restaurant. Pinapasundo nya ako para hindi na daw ako maligaw ulit. Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong ka sa pamilya mo. Mas masarap sa pakiramdam ang unti unting pagbuti ng kalagayan ni Lola.

Andito kami ngayon sa garden nila Lola at Danielle. Nagkukwentuhan kami tungkol sa kung anu anong bagay.

"Ezra wala ka pa rin bang naalala?" tanong ni Danielle.

"Bits and pieces lang Besty eh. And ung mga pieces na yun I cant seem to fit them anywhere." Tugon ko.

"Gusto mo bang bumalik ang mga alaala mo?" tanong nito.

"Gusto na hindi." Sabi ko naman.

"Bakit naman apo?" biglang tanong ni lola.

"Gusto ko kasi po para malaman ko kung ano talaga ang buo kong pagkatao. Isang malaking misteryo pa rin po kasi sakin yun. Parang may isang malaking puwang sa puso at pagkatao ko. Pakiramdam ko nga po na may dapat akong gawin pero hindi ko maalala kung ano ito. Hindi naman kasi natatakot ako sa kung ano ang malalaman ko. Natatakot ako na baka pag bumalik ang alaala ko ay mawala sa akin ang mga taong pinakamamahal ko. Which is kayo nila Papa." Sagot ko.

"Alam mo apo wag kang matakot sa isang bagay na hindi mo alam. Malay mo dahil dito ay mas lalong tumibay ang buo mong pagkatao. At hinding hindi naman kami mawawala sayo. Kahit hindi kita tunay na apo para sa akin ay higit ka pa sa tunay na pamilya." Sabi ni Lola.

"Oo nga naman Besty. Wag masyadong paranoid. Malay mo pag bumalik ang memory mo eh mas maging magaan ang buhay mo." Sabi naman ni Danielle.

"All will fall into place at the right time siguro. And besides kung anuman ang nakasulat sa tadhana ko alam ko yun ang mangyayari." Sabi ko.

Nagpaalam ako saglit kina Lola at Danielle para maghanda ng meryenda. Napaisip ako bigla sa tinuran ni Lola about sa tunay na pamilya. Naalala ko na na man tuloy ang hitsura ni Papa noong sabihin nyang sya na ang magiging ama ko. Parang sabik na sabik sa isang anak. Pagkatapos kong magprepare ng meryenda ay bumalik ako sa garden.

"Lola Besty ready na ang meryenda." Sabi ko.

"Naku tiyak na masarap yan. Ikaw ang naghanda eh." Sabi ni Danielle.

"Ang takaw mo talaga. Hehe" sabi ko.

"Matakaw ako pag ikaw ang nagluto. I cant help it. Ang sarap eh. Di ba Lola?" sabi ni Danielle.

"Oo nga naman apo. Napakasarap mo talaga magluto. Naalala ko tuloy noong bata pa si Rodrigo. Magaling rin ito magluto. Kaya nga nagpursige ito para makapagtayo ng restaurant." Sabi ni Lola.

"Paano po ba si Papa noong bata sya?" usisa ko.

"Si Rodrigo ay napakabait na bata nyan. Hindi makasarili. Parati nyang inuuna ang kapakanan ng pamilya nya. May pagkapilyo minsan pero mapapamahal ka sa kanya dahil dun." Sabi ni Lola.

"Lola bakit nga po pala walang asawa si Tito Rod?" tanong ni Danielle.

"Simula kasi nung iniwan sya nung taong pinakamamahal nya ay hindi na ito nagmahal ulit. Ipinangako kasi nito sa sarili nya na yung babaeng yun ang una't huli nyang mamahalin. Umaasa pa rin ito na magkikita sila baling araw." Sagot ni Lola.

'Ang sweet naman pala ni Tito."papuri ni Danielle.

"Ganun talaga Besty. Pag wagas ang pagmamahal mo sa isang tao kahit kaligayahan mo isasakripisyo mo para dito." Sabi ko naman.

In the Arms of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon