Chapter 12

216 10 0
                                    


-Lea-

I woke up very early today. I checked the time and it was quarter to 6 in the morning. Bigla na lang sumagi sa isipan ko si Marcus.

Several weeks has passed pero walang masyadong naging paramdam si Doc Marcus. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero sobrang nakakapagtaka naman kasi na after niya akong kulitin ay bigla na lang siyang maglalaho na parang bula. Gusto ko pa naman ang ugali niya dahil masaya siya kasama kahit na mapang-asar siya. Isa pa ay gusto ko pa sanang makarinig ng mga kwento about sa buhay ko dati.

My thoughts were interrupted when Mama entered my room. Yeah, I got used to calling her Mama already and everything else inside this mansion, but not to the point na lumaki na ang ulo ko because I know na nothing is permanent. "Ready ka na ba para mamaya, hija?" She walked closer to me and combed my hair with her fingers.

"Good morning po! A bit nervous, but yes po." She gave me a gentle smile. "Mama, do we really need to celebrate my birthday? I mean, 29 lang naman po ako, so there's no need for a big celebration po."

"Lea, every birthday is a blessing, so we should celebrate it hangga't kaya pa natin mag-celebrate. Kung kaba lang ang problema mo para mamaya ay mawawala rin yan. Saka kaunti lang naman ang inimbita ko para mamaya at panigurado naman ako na kakaunti lang din ang inimbita mo para mamaya."

"Opo. I can count it on my fingers." I laughed softly.

"See? Don't worry na, I always got your back, hija. Happy birthday!" She leaned forward to kiss my forehead. I find it sweet. How I wish na katulad na lang niya ang nanay ko talaga.

"Thank you so much po, mama."

"You are always welcome, Lea." Nag-iwan siya ng isang matamis na ngiti bago lumabas ng kwarto ko.

It is indeed my birthday because when I turned on my phone, several notifications were flashed on my screen. I have only few friends pero ang katumbas nila ay 100 sa dami ng mga messages nila lalo na si Vice at Dawn. Kung ano-ano ang mga sinesend nila sa akin kabilang na ang mga susuotin nila para mamaya at sa tingin ko naman ay maganda ang mga napili nila kaya nireplyan ko sila.

Dalawang message ang nakaagaw ng pansin ko at iyon ay galing kay Doc Marcus at Aga. Una kong nireplyan si Doc Marcus dahil nagtataka na rin ako kung anong nangyari sa kanya.

To: Doc Marcus

Thank you, Doc! How are you? Long time no see, huh?

He replied immediately which relieves me.

From: Doc Marcus

Masyado mo naman akong na-miss! Sorry, I got busy with my patients. I'll see you later, Lea.

Sinendan ko na lang siya ng like reaction as a sign na natanggap ko ang message niya. Wala na rin naman akong masabi kaya iyon na lang ang nireply ko. I replied to Aga next.

To: Aga

Thank you, Sir Aga!

Kung tutuusin ay hindi naman kareply-reply ang text ko pero nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Aga

You're welcome, Lea. Are you excited for the party later?

Bakit naman hanggang sa text ay parang wala pa rin siyang kaemo-emosyon? Whatever!

To: Aga

Not that much, but I am looking forward to it. See you!

From: Aga

Good. See you!

I did not bother to reply anymore kasi makikita ko naman sila mamaya at isa pa ay tinawag ako ni Mama sa baba. Nagmamadali akong bumaba nang hagdan. Nakakita ko ng isang familiar na figure katabi ni Mama. Parang nakita ko na siya somewhere pero I cannot remember where...

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon