CHAPTER 35

3.2K 64 10
                                    

"You have to make a call on your house to deliver your things here," sabi ko pagkapasok sa magiging kwarto niya. Hindi siya sumagot at humiga lang sa kama.

"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko habang nakahiga siya sa kama. Kanina pa siya walang imik sa ospital hanggang sa pag-uwi. "Magsalita ka naman. You're making me scared, Zahir." Kanina pa ako hindi mapakali sa inaasta niya.

"I'm fine," napipilitan niyang tugon sabay pikit ng mga mata.

"Do you wanna soak in a tub? Kukuha lang ako ng pamalit ng damit mo." I walked outside and got him something to change. Bumaba ako at nagpunta sa kwarto ni Jethro. Kahit wala siya ay kumuha ako ng damit pantulog pati underwear.

Bumalik ako sa guestroom. Nakahiga pa rin si Zahir habang nakapikit.

"Zahir..." I called him. Nagmulat siya ng mga mata. His unreadable eyes went to me. "Magpalit ka na ng damit if you don't want to take a shower."

Binangon niya ang kalahating katawan at umupo sa kama.

"I want to soak," he said coldly. Huminga naman ako nang malalim saka tumango.

"Ihahanda ko lang ang tub."

Pumasok ako sa banyo at tinimpla ang bath tub. Pagkatapos ay lumabas ako at nilapitan siya para alalayan papuntang shower room.

"Kung may kailangan ka, just tell me. Nasa kwarto lang ako," bilin ko sabay talikod.

"Hindi mo ako tutulungan maghubad?"

Kumunot ang noo ko na nilingon siya. "Zahir, hindi ka baldado. Baka nakakalimutan mo, may mga kamay ka."

"Paano kung mahilo ako habang naghuhubad at mabagok ang ulo ko sa tub? Will you take responsibility of it?"

Nagkatitigan kami. Nagngalit ang ngipin ko. "Fine!"

I helped him undressed his clothes but I left his brief untouched. Inalalayan ko rin siyang lumusong sa tubig pagkatapos. Zahir removed his underwear beneath the water. Hindi ko naman makikita dahil may bula, okay lang.

"Where's the loofah?" Inabot ko ang loofah. Tinaasan niya ako ng isang kilay at hindi iyon kinuha. "Ayokong gumalaw dahil nahihilo ako. Do it for me."

"Zahir, sumusobra ka na!"

"Just do it, Maco. Hindi naman mahirap." He then closed his eyes to dismiss the argument. Umikot ang mga mata ko saka lumuhod. Half-heartedly, I sponged his body with the loofah.

"Dahan-dahan naman. Baka masagi mo ang sugat ko." Inirapan ko siya.

"Itaas mo ang paa mo," pagalit kong utos. Placing his ankles on top of the tub, I rubbed the sponge on his thigh down to his feet, leaving his groin untouched. Tumayo ako nang natapos.

"May nakalimutan kang puntahan."

"Ano?!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"My groin area." He grinned.

"In your face! Kaya mo na 'yan!"

"Bakit? May naaalala ka?" The Judas chuckled. "There's no part of my skin that you haven't seen and tasted, love. I remember, you've been so crazy about it every time we made love."

"Noon 'yon! Noong hindi ko pa alam ang ibig-sabihin ng katangahan."

Humalakhak siya. He's enjoying this whole thing, huh? Nang-aasar talaga siya.

"May kailangan ka pa?"

"Magbabanlaw na ako."

"Okay." I walked to the door.

BDSM SOCIETY: Judas' KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon