"EVI!" napamura ako sa isip ng may walang pakundangang nagbukas ng pinto ng kwarto at sumigaw ng malakas, nainis man ay hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagtulog.. pero hindi pa nakuntento ang istorbo "Wake up! Evi!"
"Sephire! what the hell is wrong with you? Can't you see I'm trying to sleep here!" angil ko ng hindi ito hinaharap
"Stop sleeping will you? Sleeping has a good benefits but has a bad one too.. Baka tumaba ka ikaw rin"
"Tumaba na kung tataba, I need a freaking bundle of sleep" nagtalukbong pa ako ng kumot para iwasan ang pang gigising ng isa sa mga kaibigan ko
Mabilis nitong inalis ang kumot saka ako inuga-uga "Anong oras na tama na tulog"
"What time is it?" pupungas pungas na tanong ko saka labag sa loob kong naupo sa kama paharap sa kanya
"6:00 AM" ngiting tagumpay niyang sagot na siya namang ikinalaki ng mata ko
"6:00 AM?" ulit ko
Matamis ang ngiti niya akong tinanguan "Ouch!" reklamo niya ng batukan ko siya "Ano ba! Huwag ka ng bumalik sa pagtulog.. be productive!"
"Be productive my ass! Go away! Close the door and don't bother me again"
"Ano ba Evi! kakauwi ko lang hindi mo man lang ba ako namiss?" nagtatampo ang boses na tanong niya
"Yes" sagot ko
"Hindi raw pero may picture ako sa side table niya"
"Sephire Vile! Kailan mo ba ako hahayaan makatulog ng maayos?" nauubos ang pasensya akong umupo ulit
"Kapag sinamahan mo na kong mag work out"
"Seriously? Why don't you ask the others?"
"Duh.. Kukulitin ba kita kung may tao dito sa bahay?" pagtataray niya "Nasa work pa sina Rhane and Akiri, maaga rin umalis si Shan dahil may pasok.. si Mich naman ay may event na pinuntahan while Aliah and Sian ay nakipagkita sa mga boyfriend nila" paliwanag niya "so ikaw lang talaga kasama ko dito, kaya bumangon kana"
"Maki pagkita ka rin sa boyfriend mo"
"Kung mayroon lang pinakasalan ko pa"
"After this stop bothering me again, will you?"
***
"Ouch!" daing ko ng makaupo sa sofa matapos ang isang oras na pag e-exercise
Lumapit sakin si Sephire at inabot ang towel saka tubig "Let's rest for awhile then I'll cook breakfast for you"
"Whatever" irap ko saka hirap na tumayo papuntang kwarto ko para maligo..
Matapos maligo ay muli akong bumaba papuntang kitchen para mag breakfast at andon na nga si Sephire "Breakfast is ready"
Sabay kaming nagbreakfast at matapos non ay hindi parin pala natatapos si Sephire sa pangungulit sakin "Akala ko ba hindi mo nako kukulitin after kong pumayag mag work out?"
"Wala akong sinabi.. Bilis na mag shopping na tayo"
"Sephire! I've been awake for freaking 48 hours.. dumating ako ng 3:00 AM kanina, wala pang 4 hours ang tulog ko nambulabog kana. Buong araw mo ba talaga kong guguluhin?"
"Bukas ka na matulog ng mahaba.. Samahan mo muna ako"
"May event akong pupuntahan bukas, ngayon lang ang free day ko pero ginulo mo pa"
YOU ARE READING
Fall Apart the series 1: Where It Started(COMPLETED)
Teen FictionThis is a series consisting five different stories that a group of friend has