7

17 5 1
                                    

"OUCH!" inda ko ng maramdaman ang sakit sa likuran ko, halos mag iisang buwan na kami rito sa Village pero hindi parin ako nasasanay sa tigas ng higaan namin "Aish! Ano ba-- SHAN!" halos maihiyaw ko ang pangalan ni Shan ng madatnan ko siyang nakaupo sa gilid at titig na titig sa akin "My god! Kung may sakit lang ako sa puso baka iyan pa ang ikamatay ko" hindi siya kumibo at patuloy lang na tumitig sa akin

Nasisiguro kong nagising nanaman siya sa kalagitnaan ng gabi at hindi na muling natulog, matapos namin mabalitaan ang nangyari sa boyfriend niya ilang araw na ang nakakaraan ay para bang nakikipag usap kami sa zombie.. Ni wala sa amin ang kinakausap niya basta na lamang siyang iiyak pero maya maya ay titigil rin, nag aalala na kami na baka maapektuhan ang kalusugan niya

"You can't sleep again?" tuluyan na akong bumangon saka lumapit sa kanya "Come on, I'll cook breakfast for you" gusto kong humalakhak sa tuwa dahil inabot niya ang kamay ko at tumayo, ngayon lang siya nagrespond sa lahat ng pakikipag usap at sinasabi namin sa kanya

Inalalayan ko siyang maupo sa tapat ng mesa saka ako nagsimulang magluto ng breakfast na sapat na para sa aming lima

"Where's Shan!?" rinig kong tanong sa loob, maya maya lang ay sabay sabay ng lumabas ang tatlo "Oh, there she is"

"Paano siya napunta roon?" tanong ni Akiri sa tabi ko

Nilingon ko ang pwesto ni Shan, kasalukuyan ng nasa tabi niya si Sephire at Rhane parehong kinakausap si Shan pero parang wala lang sila dahil hindi sila nito pinapansin

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa pagluluto "Nakita ko siyang gising na ng magising ako"

Kumuha ng mga plato si Akiri "Iniisip nanaman niya si Bryan" nagsimula siyang mag ayos ng mesa

"Kahit na nagrespond siya kanina ay hindi ko parin maiwasang mag alala" sabi ko ng makabalik siya muli mula sa paglalagay ng mga plato sa mesa

Dinungaw niya muna ang niluluto ko bago siya nagsimulang magtimpla ng kape "Maybe we should bring her somewhere para matuon sa iba ang atensyon niya"

"Yeah, I think we should"

"Pero dapat kumain muna siya ng marami" simula rin ng araw na malaman namin ang pagkamatay ni Bryan ay nagsimula na rin siyang hindi kumain, tuwing hahandaan at bibigyan namin siya ng makakain ay hindi niya ito ginagalaw

Tinapos ko ang pagluluto ko saka inihain ito sa mesa, maging ang pagtitimpla ni Akiri ng kape ay natapos na rin, inabot ko ang kapeng para sa akin at ganoon rin ang para kay Shan

Tulala parin siya at makikita mo sa mga naglalakihang eye bags niya ang puyat at pagod, maga rin ito at halatang galing lang sa kakaiyak samantalang ang buhok naman niya ay nakalugay at magulo

Ako na ang nagsandok ng makakain niya saka iyon inilagay sa tapat niya "You can eat now" nagbaba siya ng tingin pero hindi niya ito ginalaw "You need to eat, Shan" nakita ko ang dahan dahang pag angat ng kamay niya at tuluyan na nga niyang inabot ang pagkaing hinanda ko

Nagkatinginan kaming apat saka ngumiti, nagsimula kaming kumain ngunit walang namutawing salita sa bawat isa sa amin

Agad kaming napalingon kay Shan ng tumayo siya at naglakad papasok sa loob ng kubo, tinignan ko ang plato niya at nakitang halos kalahati lang ng hinain ko ang kinain niya habang ang kape niya ay hindi nagalaw ganoon pa man ay nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papaano ay kumain siya

Napabuntong hininga ang tatlo saka muling nagpatuloy sa pagkain "I think we should bring her home" sabi ni Rhane

"Why?" tanong ni Sephire

Fall Apart the series 1: Where It Started(COMPLETED)Where stories live. Discover now