IT'S been a week since mangyari ang sunog sa isa sa mga kubo kung saan naglalaman ng mga gamit pananim, and it's been a week na rin since wala ng sumunod pang nangyari
Pare pareho kaming lima na nakatunganga lang sa loob ng clinic habang nag aantay ng pasyenteng dapat na bumalik ngayon para mag pacheck up..
Si Cariz at ang team niya ay kagabi pang wala dahil sinusuyod nila ang buong kagubatan ng South Village upang malaman at mahanap kung saan nagtatago ang mga terorista..
Si Sephire naman ay sinamahan si Shan na magturo dahil wala naman daw siyang gagawin, simula noong kausapin ni Vince ang mga bata at paliwanagan sila ay tinanggap na rin nila sa wakas si Shan bilang guro nila
Samantalang sila Vince naman ay kasama ang ama nilang si Apo at wala akong ideya kung ano ang ginagawa nila sa mga oras na ito
"Don't you feel weird?" tanong ni Akiri kalaunan
Nahinto ako sa pag iisip saka nilingon siya gaya ng ginawa ng iba "Feel weird? About what?" naguguluhan namang tanong din ni Rhane
"It's too quiet"
"Huh?" tila ba hindi siya maintindihan ni Nate
"I mean, hindi ba masyado namang nakakapagtaka na walang kaguluhang nagaganap?"
"So you want na may mangyaring gulo?" nakataas kilay na tanong ni Trisha
Hindi ako kumibo at hinayaan lang silang mag usap, hindi ko masabi kung ano man ang gumugulo sa isipan ko pero nagpapasalamat ako dahil natapos na ang gulo
"Hindi naman sa ganon, what I mean is, it's too weird na bigla na lang nawala ang mga terrorists"
"I agree with her" sang ayon ni Nate
"Right?"
Hindi ko na nagawa pang intindihin ang mga pinag uusapan nila dahil tuluyan na akong nalunod sa malalim na pag iisip hanggang sa..
"Evi!"
"Rhane!"
"Trisha!"
Sabay sabay kaming napatinging tatlo sa kanilang dalawa, nagtataka kong tinignan si Akiri na naka kunot ang noo
"What's wrong with you guys?"
"H-Ha?" sabay na sabi namin ni Rhane, nagkatingin kami pero ikinabigla ko rin ang pag iwas niya ng tingin
"Are you okay?"
"I am, sa labas muna ako ha" paalam ni Rhane na lumabas agad ng hindi man lang inaantay ang sagot namin
Nagtataka kong sinundan ng tingin ang likod niya saka dahan dahan nilingon si Akiri na gaya ko ay nakatingin sa kakaalis lang na Rhane
Mag iisang linggo na rin ng mag simulang maging ganito ang pakikitungo ni Rhane sa akin, naguguluhan na ako pero hindi ko naman alam kung saan magsisimula para tanungin siya kung bakit
What happened to her? Something's bothering her
Hindi ko na inisip pa 'yon dahil kung mayroon ngang gumugulo sa isip niya ay sigurado akong sasabihin niya sa akin 'yon, maybe hindi lang maganda ang pakiramdam niya
Umayos na lang ako ng upo saka inisa isang i-check ang hawak kong papers about South Villagers conditions
***
"Yeah, bigla na lang siya lumabas" kwento ni Akiri kanila Shan and Sephire sa naging reaksyon kanina ni Rhane ng tawagin siya
"Really?" hindi makapaniwalang paninigurado ni Sephire
YOU ARE READING
Fall Apart the series 1: Where It Started(COMPLETED)
Teen FictionThis is a series consisting five different stories that a group of friend has