"ITO po ay ointment o gamot pamahid para po mas mapabilis ang pag-galing ng mga sugat niyo" inabot ko sa kasalukuyan kong pasyente ang ointment, pinasalamatan ako nito at umalis na
Maaga naming sinimulan ang check-up kaya naman ngayong tanghali ay wala ng pasyenteng magpapatingin..
Nagpunta ako sa working table ko saka naupo at isinulat lahat ng kailangan kong isulat, samantalang ang apat ko namang kasama ay kasalukuyan ng nasa labas at nagpapahinga..
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa may nagtapat ng pagkain sa mukha ko, napakunot ang noo ko saka tiningala ang pinanggalingan nito
"Your lunch meal doc" sabi ni Vince
How come I didn't noticed na pumasok siya?
Nang makalipas na ang ilang segundo at hindi ko parin tinatanggap ang inaabot niya ay siya na ang kusang naglapag nito sa table ko, ni hindi man lang pinansin ang mga papers na pinatungan niya kaya naman inangat ko ito at inaayos ang papers saka muling inilapag
"Thank you"
"It's nothing, I'll go ahead enjoy your meal" napatingin ako sa kanya at ganon din sa hawak nitong isa pang plastic na may lamang foods
"It's not enjoyable eating alone" pigil ko sa tangka niyang pagtalikod "Do you mind joining me?"
"Of course not, it's my pleasure to join you"
Agad itong kumuha ng chair saka pumwesto sa harap ko at siya na ang nag ayos ng pagkain, habang pinapanood ko siyang gawin ng lahat ng 'yon ay hindi ko mapigilang mapangiti, this is the second time na kumain ako with a man except kay Papa, Kuya and my friends boyfriends, at ako pa mismo ang nag aya that's rare
"Here"
Mas lumapad pa ang pagkakangiti ko saka tinanggap ang kutsara't tinidor na inaabot niya "Thank you"
Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain ay walang sino man sa amin ang nagsasalita hanggang basagin niya ang katahimikan
"Pinapanood kita kaninang mang-gamot, you look very professional"
"Really?" bilang ilang taon na ako sa profession ko ay sanay na ako sa mga compliments na natatanggap ko and all of my reaction were all the same but right now it feels like different, ramdam na ramdam mo yung sincerity niya and you can't help but smile because it feels like it's melting your heart and that feeling is new to me
"Yes, you look professional at the same time you look gorgeous"
Agad kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko kaya naman agad akong yumuko upang itago ang naging reaksyon ko sa sinabi niya
Oh gosh! Anong nangyayari sakin? How am I suppose to eat now?
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil sa hiyang naramdaman, I'm acting like a teenager!
Wala nang sino man sa amin ang nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain at magligpit pero bago pa man siya lumabas ng tuluyan ay hinarap niya ako
"By the way, you look cute while blushing, bye" with that ay tuluyan na siyang lumabas
Naihawak ko ang pareho kong palad sa magkabila kong pisngi saka napaisip, nagblush ba talaga ako? I covered my face with my hands and scream "Kyaaaaaah! Bakit niya pang kailangan makita 'yon, that's embarassing! Aishh!"
"Oh ano? Teenager ang peg mo?" Agad akong napaayos ng tayo at hinarap si Rhane shit!
"Hey! You're here" awkward ang boses kong sabi
YOU ARE READING
Fall Apart the series 1: Where It Started(COMPLETED)
Fiksi RemajaThis is a series consisting five different stories that a group of friend has