Finale..
"GOOD evening doc" bati sa akin ng nakasalubong kong nurse, ngumiti ako sa kanya at tumango..
Dumiretso ako sa cafeteria dahil sa dami ng naging pasyente namin ngayon araw ay hindi ko na nagawa pang magtanghalian, matapos ang naging operation namin ay tangi ngayon lang ang naging free time ko para kumain..
Nakakapagod!
Agad akong umorder ng makakain ko saka ako naupo sa pangdalawahang table dahil lahat ng table ay okupado..
Magsisimula na sana akong kumain nang biglang mag ring ang phone ko, tinignan ko ito at agad na napangiti ng makita kung sino ang tumatawag
~Vince Calling~
"Hello?" sabi niya sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag
"Hello"
"How are you?" tanong niya
Napangiti ako dahil mula ng makauwi kami ay walang araw na hindi siya tumatawag para kamustahin ako kaya kahit nagtataka man kung paano siyang nakakatawag kahit na nasa Village siya ay nanabik parin ang puso ko
"Tired" sagot ko saka nagsimulang sumubo
"So you can't make it tonight?"
Tonight? Anong mayroon tonight?
"Tonight?" taka kong tanong
"Oh I guess you're that tired kaya nakalimutan mo ng nakauwi na ako at may usapan tayong magkikita tayo"
Oh shit! Oo nga!
"Nakalimutan mo?" paniniguro pa niya
"I'm sorry"
"It's okay, I know how busy you are.. After your duty magpahinga ka kaagad"
Nakonsensya naman ako, after ng dalawa pang linggo na pananatili niya sa South Village ay napagpasyahan na nila ni Vienne na umuwi na since kailangan ng maghanda ni Vienne para sa pagpapatuloy nito sa kolehiyo maging si Vince ay ganoon din
"Sigurado ka bang ayos lang? Pwede naman natin i-resched bukas.. Free ako non" I feel bad dahil dalawang linggo kaming di nagkita at kung kailan namang may chance na ay na postponed pa dahil lang sa trabaho ko
Narinig ko ang marahan niyang pagtawa "Ayos lang talaga, pero I can't make it tomorrow. I have to go to school to fix the enrollees requirements"
So hindi parin kami magkikita? Daig pa namin ang LDR
"Okay, then let's resched it again kung kailan we're both free"
Well, I guess that's the best option for now
"Okay, don't feel bad about it. One of this days magkikita rin tayo" alo niya dahil naramdaman niya yatang nakokonsensya ako
Tumango ako kahit na wala naman siya sa harapan ko "I'm sorry talaga, hindi ko lang kasi ini-expect na maraming pasyente ngayon.. After my meal kailangan ko pa ulit pumasok ng operating room"
"Then take this chance para makakain ka ng maayos at marami, I'll hang up for now. I'll call you again later, eat well" at binababa na nga niya ang tawag
Napanguso ako sa harap ng screen ng phone ko gusto ko pa siyang kausap
Aish!
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil in 20 minutes ay kailangan ko ng muling umakyat sa OR
YOU ARE READING
Fall Apart the series 1: Where It Started(COMPLETED)
Fiksi RemajaThis is a series consisting five different stories that a group of friend has