"SIYA ang bunso kong anak" pakilala ni Apo sa isang dalaga na sa tingin ko ay nasa edad 20 na "Siya si Vienne" ngumiti kami at tinanguan ang dalaga pero hindi kami nito pinansin at muli lang tumingin kay Apo
"Ang attitude ah" bulong ni Akiri, nandito kami ngayon sa clinic dahil matapos ang pakikipag usap ko sa mga bata ay ipinatawag ako nila Akiri dahil may itinanong sila sa akin sakto namang nagpunta si Apo para ipakilala ang anak niya na ayon sa kanya nagmula sa lungsod dahil doon nito tinatapos ang kurso
"Siya po ba ang tinutukoy niyong anak niyong magugustuhan ko?" tanong ko
Tumingin si Apo kay Vienne saka ngumiti at umiling sakin, sakto namang dumating si Vince "Nariyan kana pala anak, siya nga pala ito naman ang anak kong panganay si Vince, at siya ang tinutukoy ko hija"
What?! Anak niya rin si Vince?
"Magugustuhan pala ah" pang aasar na bulong sakin ni Rhane kaya siniko ko siya para manahimik "Wala ka ng pinipili ngayon ah" dagdag pa nito
"Stop it!"
Nagkibit balikat si Rhane at sandali pang sinilip ang mukha ko saka ngumisi "Alright"
Isa isa kaming pinakilala ni Apo sa dalawa niyang anak "Nagkakilala na kami kanina itay" sabi ni Vince ng ako na ang ipinakikilala "Ngunit hindi niya nabanggit na isa siyang doktora"
Agad na lumingon sakin sila Rhane na may pagtataka sa mukha, hindi ko sila pinansin at muli na lang itinuon ang atensyon sa mag aama..
"Talaga Vince? Hindi niya nabanggit na isa siyang doctor?" Aish Rhane!
Inosente namang tumango si Vince na nilingon pa ako "Yes" Damn!
"Really?" kunwaring hindi makapaniwalang paninigurado naman ni Akiri Isa ka pa!
"Tila nakalimutan ng friend ko dito ang propesyon niya, what do you think girls?" tanong pa ni Rhane kanila Akiri na agad naman nagsipagtanguan
Nagtatakang tumingin sakin si Vince kaya bigla akong natigilan "A-ano baka n-nakalimutan ko lang t-talaga" narinig ko ang mahinang pagbungisngis nila Rhane kaya hindi ko mapigilang samaan sila ng tingin
"Mga taga lungsod" naputol ang pakikipagtinginan ko kanila Rhane ng marinig ang sarkastikang sabi na 'yon ni Vienne "Iniisip ko kung makakatulong ba sila sa atin itay, baka wala pang isang linggo ay lisanin na nila ang baryo"
Anong problema niya?
"'Wag kang magsalita ng ganyan Vienne" saway sa kanya ni Vince "Hindi ba dapat ay magpasalamat ka dahil may mga katulad nilang nais tumulong sa baryo?"
"Kung hindi naman sila sasahuran ng malaki ay nasisigurado kong hindi nila tatanggapin ang trabahong ito"
"Vienne!"
"Hindi ba't totoo naman? Ang mga taga lungsod na gaya nila ay hindi nababagay rito, mas naiisin pa nilang magsaya sa lugar nila kaysa mag aksaya ng panahon rito"
"Vienn--"
"It's okay Vince" pigil ko "I understand and we didn't mind it"
Narinig ko ang matunog na pagngisi ni Vienne saka kami nito tuluyang tinalikuran "Pagpasensyahan niyo na ang anak kong 'yon, tila napagod lamang siya sa naging byahe"
"I'm sorry kung napagsalitaan kayo ng ganon ng kapatid ko" tumango lang ako
"It's okay"
YOU ARE READING
Fall Apart the series 1: Where It Started(COMPLETED)
Roman pour AdolescentsThis is a series consisting five different stories that a group of friend has