Chapter 35

40 4 0
                                    

Chapter 35 - Date

Gaverille Bell Licuaco

Nagising ako dahil sa isang kamay na humahaplos buhok ko, nasasanay na akong nagigising dahil sa paghaplos ng buhok nya, hindi din naman kase puwedeng sikat ng araw, tinted lahat ng bintana sa bahay nila pati nga yung pool kulob!.

"So talkative." sabi nito kaya mas niyakap ko sya, I don't want to ruin this moment, every morning na gigising ka, ito ang bubungad sa'yo? Gwapong mukha at yung tao...bampirang mahal na mahal mo.

"To much compliment? Huh?" inirapan ko sya at pinisil ang ilong nya. "Kailangan araw araw mong babasahin ang nasa isip ko?." umiling naman sya pero may gusto ako itanong sa kanya.

"Ikaw ba yung lalaking nagmamasid sa akin tuwing madaling araw?." umiling sya kaya kumalas ako sa yakap nya. "Eh, sino? Kung hindi ikaw iyu—"

"Let me explain, okay?" tango lang ang sinagot ko, umupo muna sya at bumuntong hininga.

"Tinitingnan ka tuwing madaling araw at nag iiwan ng black rose petals pero hindi kita minamasidan, okay?."

"So, bakit mo iyun ginagawa? Mag iiwan ng petals na itim tapos sa alas tres pa ng madaling araw, ang creepy mo!." tumawa naman ito ng mahina, yung Cassius na nasa harapan ko, ibang-iba sya sa nakita ko nung unang pasok ko sa QFE.

"That's my plan, takutin ka. Gusto ko na isipin mo na....You entered to my company, many creepy things happened and sa oras na iyun, maiisip na mag-quit na lang." sabi nito kaya pinitik ko sya sa noo.

"Alam mo bang tinakot mo ako ng isang linggo ng dahil duon? And kaya ako minsan late dahil iniisip ko iyun." sabi ko dito at tumayo na.

"One week na nung nagkita kami nung pinsan mo, pumasok na din ako Sir Cassius sa company mo after that so malalate na tayo, bumangon ka na dyan." tumayo naman sya, lumakad papalapit sa akin,  binigyan ko lang sya ng what-look.

"Good Morning kiss, baby?" sabi nito, binigyan ko sya ng mabilis na halik sabay takbo sa Cr.

"Wag kang pupunta sa loob, Cassius!." sigaw ko dito at narinig ko naman syang natawa ng kaunti, lagi ko na syang naririnig tumawa and for me it's a really good sign for us.

"Okay, by the way I have appointment with Mr. Ramirez. I reschedule our dinner later, maybe one hour after that, hindi din kita masusundo."

"Okay lang, madami din namang gawain sa office mo kaya dito na lang tayo mag date sa bahay mo para walang gastos." hindi ko na sya hinintay sumagot kase alam ko naman na ang sagot nya.

Nang matapos akong maligo, wala na akong naabutang Cassius sa loob ng kwarto kahit nung pumunta ako kusina, wala din sya. Ang aga naman ata nyang umalis para duon sa appointment nya.

"Ate Jane, nasaan po si Cassius? Bakit paramg ang bilis naman nya pong umalis?." sabi ko sa kanya habang nagsusuklay, ano gagawin ko ngayon? Papasok at uuwi? Jusko naman, bakit parang tinatamad pa ako.

"Nako, umalis na ang soon to be husband mo biglang tumawag yung Mr. Ramirez kaya iyun mabilis na umalis, sabi nya pahatid na lang daw kita kay Manong Lando kaya wag ka daw magalala."

"Nagpahanda na din sya ng pagkain sayo, dapat daw kumain ka muna ng breakfast bago ka daw pumasok, kaya kumain ka na ngayon at baka malate ka pa." sabi nito sabay abot ng niluto nyang umagahan.

Vampire Hates HumanWhere stories live. Discover now