Chapter 27

37 4 0
                                    

Chapter 27: Confession

Gaverille Licuaco

"Ano kamusta Honeymoon niyo?." Tabong agad ni Karie kay Jelica, birthday ni Jelica ngayon napagisipan naming mag celebrate tutal kakauwi lang naman nila galing sa Singapore, duon sila nag-honeymoon.

"Nako, tigilan niyo ako, ang nabalitaan ko ay yung kila Ma'am Kat. Totoo ba iyun ikakasal na yung dalawa?." Tanong ni Jelica, gusto ko man itong kutusan kaso buntis,  bwisit!.

"Oo daw, hindi lang namin alam kung kailan." Sabi naman ni Karie, vibes sila noh?  Parehong walang pasintabi ang bunganga.

"Hey, kung magusap kayo parang wala si Gave." Saway ni Nath, buti itong taong ito.

"Nako, manhid yan kaya ayus lang sabihan ng ganiyan."Inis na sabi nito, makakabatok na talaga ako ng buntis ngayong araw.

"Puro kayo dada, uminom na lang kaya tayo noh!!" Inis na sabi ni Ced, broken kase nabusted ni Abby HAHAHAHA.

"Wag masyadong bitter!." Pangaasar ko dito. "Eto na yung isa pang case!!!" Sigaw ni Anton at may isang dalang basong juice.

Gusto kong uminom, ang tagal na din naming hindi nakakausap, iba na din ang nagaasikaso sa mga papeles na lagi kong inaasikaso, naiinis ako,  hindi ko alam kung saan. Duon ba sa hindi ko sya nakikita o yung ikakasal na sila.

Bwisit talaga,  yung alam mong mahal na mahal mo na yung tao then gusto mo na ipaglaban atsaka may dadating na kontrabida sa lovelife nya, langya.

"OY!!, GAGA KANINA KA PA NAMIN TINATAWAG!!." Sigaw ni Jelica, buntis pero kung makasigaw wagas, hindi kaya na-stress ang anak nya sa bunganga nya.

"Wag kang sumigaw!, narinig naman kita!!" Sigaw ko din dito, bwisit ako ba pinaglilihian nito. "Anong nakikinig, natawag ko na lahat ng santo sa simbahan ng quipo, hindi ka pa lumilingon gaga!!" Inis na saad nito, napaka talaga,  ganiyan ba kapag buntis,  nakakabanas!!.

"Bakit walang duma------"

"Tumigil na nga kayo!!!." Sigaw ni Ked kaya napalingon ako dito,  isa pa ito,  akala mo sya lang yung heartbroken.

"CHE!!  BUSTED!!." Sigaw namin pareho sa kanya, pumunta na lang ako duon sa bartender, gusto ko magpakalasing ng magpakalasing,  bwisit kase.

"Isa ngang whiskey." Sabi ko dito at nakatingin lang ito sa akin bago kumuha, nakakabanas talaga sya!!.

Nilagok ko yung isang baso, naramdaman ko agad yung pait, potek kahit nung naging broken ako kay Sky, hindi ako umiinom ng alak, hanggang yakult lang ako.

"Isa pa,  pwede haluan mo,  yung sobrang pait." Request ko dito, tumango lang ito.

Lumipas ang madaming minuto,  madami na din akong naiinom, pinapanood ko na lang sila dito malapit sa bartender. Sumasayaw na parang mga walang bukas,  parang mga teenager.

"May....tanong....ako...?" Mapungay na tingin ko duon sa bartender, pinikit ko ulit mata ko, parang nakikita ko si Cassius sa kanya.

"Maganda ba ako?." Tanong ko dito, hindi ko man maaninag pero ramdam ko na tumawa sya dahil sa tanong ko,  kaya napabusangot ako.

Vampire Hates HumanWhere stories live. Discover now