Chapter 46

30 4 0
                                    

Chapter 46 - Book of Truth

Gaverille Bell Licuaco-Montecillo

Dalawang linggo na akong hindi nahahanap nila Cassius at wala din naman akong kalaban nararamdaman sa paligid, kaming dalawa lang ni Mommy nakakaalam ng lugar na ito. Biglang sumipa yung baby, napangiti ako, madalas silang sumipa at bago ako unalis ng bahay malapit na daw ako manganak kaya mag-iingat daw ako.


Wala akong magawa kundi, be ready for enemy. Hindi nila ako kailangan makuha, hindi nila kami kailangang mapatay. Pa-gabi na din, nakakain na din naman ako at maayus na din naman yung higaan ko. Humiga na ako, kailangan kong mamahinga, kahapon pa ako kilos ng kilos, ayaw ko manganak ng wala si Cassius sa tabi ko.

Pumikit na ako, mag-papaantok kahit katadalasan naman hindi kami laging natutulog. But I need this pero wala pang ilang minuto nung may naramdaman akong kung ano at duon ako napabangon ng biglang may nahulog na bagay. It's our wedding pictures, nahulog yung frame.

Tatayo na sana ako para damputin iyun nang may biglang nag-salita, that voice?!.

"Sky?!...." sabi ko dito at lumabas naman siya sa dilim, iba ang itchura niya kumpara sa dati at naramdaman ko din yung lakas nito.

"Oh? Bakit gulat na gulat ka naman ata, Gaverille? Nagulat ka bang nakita kita? Nakita ka namin?...." sabi nito at tumawa kaya binigyan ko siya ng huh-look, paano niya ako nasundan, sinarado ko lahat ng sense ko para di ako mahanap ni Cassius.

"Anong sinasabi mo? Marami kayong nandidito?...." tanong ko dito, lumakad naman siya sa akin, nakita ko agad ang hawak nitong maliit na kutsilyo.

"Of course, hindi naman ako ganoon katanga para sumugod lang mag-isa atsaka,  malaki na pala iyang dinadala mo....." sabi nito kaya napabangon ako sa pagkakahiga at umatras, hanggang sa maisandal ko na yung likod ko sa pader.

"Paano—" hindi niya ako pinatapos.

"I'm your ex-boyfriend, sinabi mo sa akin kung saan ang secret place nyo ng Mommy mo, hindi ako puwedeng mag-kamali sa mga nasa utak ko and tama nga ako, kami ang nauna sa asawa mo....."  sabi nito, napapikit nalang ako, nagulat ako nang bigla niyang itutok yung kutsilyo sa umbok ng tyan ko.

"Hey!!!....." sigaw ko dito at umis-smirk siya at tumawa.

"I'm just joking....." sabi nito pero nagulat ako nang galusan nito tiyan ko, bigla na lang naging pula yung mga mata ko. "Wag mo ng tangkain.... Kase kapag isang mali mo lang, iaalay ka naming patay ka na....." sabi nito.

"Bakit mo ito ginagawa? Ano kasalanan ko? Ano kasalanan nung tripl—"

"MERON!!! NAPAKA DAMI!!!....." sigaw nito kaya kinagat ko yung labi ko, tinuruan naman ako ni Cassius lumaban but I'm pregnant, hindi puwedeng ilabas ko agad ito.

"Una, inagaw ka ni Cassius sa akin, ako dapat yung asawa mo ngayon. Tayo dapat may anak, ikaw dapat asawa ko then HINDI, DAHIL INAGAW KA NIYA SA AKIN........HAHAHAHA but hindi ako papayag na mapunta ikaw sa kaniya..... " baliw na sabi nito.

"Anong sinasabi mo?." tanong ko dito at ngumiti siya ng nalaloko.

"Mas okay na mamatay kayo ng baby mo kaysa mabuhay ka at makasama si Cassius.....wala pang liligaya, malungkot siya katulad ko.... " sabi nito at kinuha yung kamay ko.

"Saan mo ako dadalhin?!!! Sky!?! Masakit?!...." sabi nito kaya, shit. Pinaamoy ko na ulit yung amoy ko.

"Cassius..... I need your help..... Please...." kausap ko agad dito, habang nag-papahiltak lang kay Sky.

Vampire Hates HumanWhere stories live. Discover now