Chapter 47

33 5 0
                                    


Chapter 47 - Rhanzel Montecillo Side-Story

Rhanzel Montecillo

Hindi ko alam kung ano ang nag-pabago ng isip ko, anak ako ng isang Eve Vampire. Isang masamang vampire, magulo ang buhay ni Dad and ganoon din ang naging buhay namin. Anak si Dad sa ibang babae, half-brother lang sila ni Tito Crain pero hindi iyun naging dahilan para hindi siya maging parte ng pamilya Montecillo. Dating okay sila Dad and Tito Crain but nung dumating na ang pag-pasa ng korona, nag-karoon ng inggit si Dad kay Tito. He thought siya ang magiging hari dahil lahat ng tao, gusto siya at nagagalingan sa kaniya but hindi.

Matapos nuon, nag-mahal siya ng babae and that is Tita Fiona. Dad knew that Tita is really in love with Tito but he never loss hope, hinintay niya itong mapagod but the end of the day. Nagulat siya nung kinasal si Tito and Tita, and dahil mas lalong lumawak ang galit niya kay Tito Crain. Dad started to married a girl, Reign Candie, my mom. Sila ang nag-karoon ng unang anak, dahil sobrang busy ni Tito sa pag-aasikaso sa immortal world. Dumating yung araw na biglang may sinabi ang mang-huhula sa pamilya nila Dad, 'may bagong sanggol na isisilang at hindi lang ito isang sanggol dahil ito ang pinaka malakas at kakaiba sa lahat ng bampira at imortal.'

Sinabi iyun ng fortune teller sa kanila, nabuntis si Tita and ganoon din si Mom, close sila Tita and Mom because they understand each-other situations. Naunang nanganak si Tita and iyun si Cassius and Cedrick after a month sumunod si Mom. Kami ni Ashe, yung kakambal ko. After a seven years, lumabas kung sino ang tinutukoy ng mang-huhula at iyun ay si Cassius, ang lakas at pagiging kakaiba ang basehan para maging hari ka kaya dahil sa matagal na galit ni Dad kay Tito Crain, nadagdagan pa ito. Wala kami naging masayang moment kasama si Dad, hindi katulad nila Cassius, they had a happy memories together with his dad also to his mom.

Nag-simula na din ako, magkaroon ng inggit kila Cassius, i want to be like him. Malakas at kompleto ang pamilya but those thoughts about his family gone, namatay si Tita and nag-kagulo ang immortal world. Madaming namatay na tao at nawala din sila sa mundo ng mga immortal, akala ko sila Cassius lang ang makakaranas ng malungkot na karanasan but no, after Tita Fiona died. Mom left us, sinama si Kuya Reig and Ashe sa kaniya, at iniwan ako kay Dad. That's my regretful moment, when I choose to be with Dad.

After many years or the whole time I exist in this world puno na ng lungkot at pait ang buhay ko but one time, nung pumunta ako sa mundo ng tao at gusto kong malaman ang nangyari kila Cassius sa pag-alis nito sa bahay nila. I met a little kid, she's a little girl. She's sweet and nice. Her image and smile is still clear to me.

Flashback.....

"Hey, Kuyang pogi. Puwede ko po ba hawakan yung kamay ninyo?.... " sweet na tanong ng sa akin ng batang babae, tiningnan ko siya at nginitian niya ako ng sobrang lawak.

"Kuya, bilis na oh. Akin na kamay mo...." sabi nito kaya inabot ko sa kanya at nagulat ako sa binigay niya, isang maliit na bulaklak. Narinig ko siyang tumawa at duon ako nakaramdam ng kakaiba.

"Kuya, sabi po kase ng lola ko. If there's a person who made you sad, kumuha ka ng bulaklak at tiningnan ito. Kase daw po, para daw pa kayong bulaklak. Dahil bago daw bumukadkad ang isang bulaklak, madami siyang pinag-daanan para maging isang maganda at mabangong bulaklak...." sabi nito at inayus ang buhok bago ulit mag-salita.

"Ganoon din po sa inyo kuya, wag ka na sad kase after that for sure po may magandang mangyayari sa inyo. Be happy po—" hindi niya natuloy nung may biglang lumapit dito.

"Nako, I'm really sorry kung inistorbo ka ng anak kong si Gave. Ganiyan lang talaga siya, pag-pasenyahan nyo na po....." sabi ng Mommy nito kaya ngumiti lang ako dito, lumakad na sila pero yung batang bata ay kumakaway pa din sa akin at sobra ang ngiti.

Vampire Hates HumanWhere stories live. Discover now