Chapter 1

152 10 0
                                    

Chapter 1 - Beginning

Gaverille Licuaco

10 years ago...

"Sa isang malaking palasyo may nakatirang reyna at hari may dalawa silang anak, hindi lang sila basta hari sila'y isang bampira. Sa mundo nila magkasama ang bampira,lobo, mangkukulam at tao, ang matalik na magkaibigan ay ang mga bampira at tao.

Hindi hinahayaan ng bampira na masaktan ang tao dahil kaibigan nila ito, dahil dito nakaisip ang lobo at ang masamang lahi ng bampira na dapat mawala ang tao sa landas ng mga mortal. Ang immortal world ay para sa isang bagay na may kapangyarihan lamang ng dahil sa kataksilan na naiisip nila gumawa sila ng perpektong plano para mawala sa landas nila ang tao at mapalitan ang hari.

Habang naglalakad ang reyna at ang kaibigan nitong tao, nakahanda na ang lobo at bampira sa gagawin nila. Nag-anyong mabangis ang bampira para atakihin ang reyna, sa sobrang pagkabalisa ng tao imbis na ang bampira ang napatay niya, ang reyna ang napatay nito at ang lobo ang kunwaring naging saksi kung paano patayin ng tao ang asawa ng hari.

Dahil sa pagkamatay ng reyna nagkaroon ng hidwaan ang tao at bampira, ang matagal na pagkakaibigan ay nauwi sa duguan at patayan, hindi inubos ng hari ang pamilya ng inaakala niyang pumatay sa asawa niya, nagtira ito ngunit naglagay ito ng isang sumpa, kung magiging babae man ang anak nila ay magkakaroon ito ng mabangong dugo para maakit at mahingkayat na patayin ng bampira ang anak nitong babae, hanggang sa susunod na henerasyon hindi mawawala ang sumpa na iyun, ang babae sa pamilya ng mamatay tao ang mahihirap at magdudusa sa kamay ng bampira.

Nagtagumpay sila sa plano ngunit may hindi sila alam na may isang testigo kung paano nila planuhin at idawit ang reyna sa plano nito, ngunig dahil sa takot nanatili nalang itong tikom at umaasang kapag may nakalaan ng pangyayari o mag gusto malaman handa siyang ibigay ang nararapat na hustisya sa tao at sa reyna ng bampira."mahabang kwento ni lola sa akin, hindi ko alam kung saan ni lola nakuha ang makapal at lumang libro na ito at isa pa itong bracelet na pangontra daw sa bampira para hindi maamoy ang dugo ko.

"Lola?, bakit hindi siya umamin nung una palang edi sana wala ng nangyaring ganun?" Sabi ko dito ngunit lumungkot ang mukha nito, dalang-dala talaga siya sa aklat na binabasa namin.

"Apo, kapag ginawa niya iyun ang makakalaban niya ay isang lobo at masamang bampira, hamak na isang mangkukulam lamang siya, wala pa sa kakayahan niya ang kapangyarihan ng dalawang imortal." Paliwanag nito sa akin, "Atshaka wag na wag mong huhubadin iyang bracelet, ginawa iyan ng lolo mo para maprotektahan kayong mga babaeng apo niya." Dagdag nito kaya tumango ako.

Natatawa nalang ako kapag naalala ko ang bagay na iyun nung ten years old ako, kung dati naniniwala ako sa vampire, now i'm not. They are only legends, kahit kailan hindi sila magkakatotoo. Nakakatawa lang yung sinasabi ni lolang pangontra ag suot-suot ko parin ngayon. HAHAHAHAHA....

I'm Gaverille Licuaco, daughter of Gaile Licuaco and Gino Licuaco, top 4 sa business industry ang business namin. I have two brother George Licuaco, 27 and Gabriel Licuaco 25. Ngayon naghahanap ako ng trabaho, ayaw ko magtrabaho sa company namin kaya nag-apply ako sa isang sikat na Company ang QFE Company, nasa right age na ako para magtrabaho, 23, Business Administration, Cum Laude. Kasama ko ang kaibigan kong si Jelica Maclang mag-aapply sa Company ng sikat at kilalang Ceo na si Cassius Montecillo.....

I'm so excited to meet the famous Ceo in the Philippines and i hope so makapasa kami sa interview.

Cassius Montecillo

7 years ago....
Habang naglalaro kami ni Yaya sa kwarto ko, ang saya saya ko kase si mom, uuwi mamaya dahil tomorrow is our special day kaming dalawa ng kakambal ko si Ced. Habang naglalaro kami may narinig akong ingay, kaya lumabas ako ng kwarto ko narinig kong naguumiyak si Dad at galit na galit ito.

"WONITO ISOTO TERO KILORRO!!!." sigaw nito, hindi ko pa alam ang kinakagalit ni Dad kaya bumaba pa ako, isang salitang bampira ang sinasabi niya "who's the killer".

Pagkababa na pagkababa ko, nagulat ako isang bangkay ni Mom, madaming dugo, punong-puno siya ng dugo sa katawan, nakapikit. Wala na siyang buhay?.

"Mom?!!." Sigaw na sabi ko, patay na si Mom? Sino may gawa sa kaniya ng ganito?. "Yaya ipasok mo si Cassius sa kwarto nya!!" Utos ni dad ng hahawakan ako nito agad ako nagteleport sa tabi ni Mom. Nakapikit siya walang buhay, i will kill them.

°°°°

Natapos ang tatlong araw nalibing si Mom, walang nagsasabi kung sino o ano ang pumatay sa kaniya, naghahanap pa din ng ebidensya ang lahat ng tauhan ni Dad. "Ced?, are you okay?." Tanong ko dito, tumango lang ito, Cedrick Floy Montecillo anak ni King Crain Montecillo and Queen Fiona Montecillo. Siya ang panganay kaya alam ko naapektuhan siya pero ako ang susunod na hari, iyan ang sabi ng iba.

"Mahal na hari!!." May narinig ako sumigaw malapit sa trono ni Dad kaya lumapit agad ako dito pero nagtago ako, ayaw ni dad na makielam kami sa away na ito.

"Tao ang pumatay sa mahal na Reyna, ang mga Dela Vega, ang matalik mong kaibigan, kitang-kita ko kung paano saksakin sa puso ang mahal na reyna at kung paano ito patayin." Sabi ng isang lobo, mas tiningnan ko ng maigi ito, hindi ganun kadali patayin si Mom. Pero wala pa din sa akin kawala ang mga pumatay sa kaniya.

"Patawagin lahat ng mortal at ang pamilyang Dela Vega!!!, ngayon na!!." Galit na galit ito at sinunod naman ng kawal niya ang utos ni Dad.

7 years old ako ng masaksihan ko kung paano magpatayan ang bampira at tao, paano din binigyan ni Dad ang isa sa miyembro ng Dele Vega ng isang sumpa na pinasabi nya pa sa isang matandang mangkukulam.

7 years old nakita ko kung papaano sirain ni Dad ang buhay niya na parang wala na siyang anak sa tabi niya, napagdesisyunan namin ni Cedrick iwanan si dad nung 25 years old kami, iwanan din ang immortal world at pumunta sa mundo ng tao. Kung saan saan kami napuntang bansa pero sa pilipinas din pala ang naging bagsak namin.

I'm Cassius Firm Montecillo, 1,325 years old, madami na akong natutunan na iba't ibang language ng ibang bansa. Kasama ko ang kapatid ko na isang model ngayon dito sa pilipinas, 5 years na kaming nagstay dito sa pilipinas, dito na din ako sumikat at yumaman. Si Cedrick Floy Montecillo at ako kilala bilang, Montecillo Brothers....20 years old man became number one and successful business man in the Philippines.

Ngayon ang alam ng lahat isa akong 25 years old, nagmanage ng isang sikat na company at iba pa, lingid sa kaalaman nila ang undefined crime na nagaganap sa kanila ang bampira ang gumagawa nun. Tao at Bampira ay hinding-hindi na magkakasundo.

Kase in the first place Vampire Hates Human.....

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Don't forget to vote and comment. Sorry sa wrong grammar or type, sana maenjoy niyo ito. Thanks sa pagbasa ^o^

Vampire Hates HumanWhere stories live. Discover now