Chapter 48

25 5 0
                                    

Chapter 48 - War II


Gaverille Bell Licuaco-Montecillo
Hindi ako makapag-focus sa paligid ko, parang bumalik ulit ako nung una kong pagiging bampira. All their thoughts and minds naririnig ko, kahit yung malayong tunog.

"Just focus...." may narinig akong boses na sobrang linaw and that's? Cedrick. Kaya tumayo na ako, kung saan nila ako hiniga. Nawala naman agad yung sugat sa palad ko.

Dahan-dahan akong lumakad, nanlalata ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung saan nag-simula at ano ang dahilan. May naramdaman akong lalapit sa akin, haharapin ko na sana pero mas may mabilis na nakapatay dito at iyun si Rhanzel.

"Don't let your focus down. Be safe..." sabi nito at umalis na ulit, may narinig ulit akong boses galing sa parehong tono kanina.

"Go to a safe place. Wag mong hahayaan na mahawakan ka nila o hindi naman kaya masaktan...."  sabi nito at nawala na ulit.

Binalik ko ulit ang sarili ko sa focus, kailangan kong makaalis dito, kahit dito lang sa gulo na ito. Bumalik naman agad ako sa focus, nararamdaman ko na yung mga presence ng nasa paligid ko. Lumalakad ako at kapag mayroong pumipigil, pinapatay ko din. Hindi ko ginagamit lahat ng lakas ko para kaoag dumami ang nakapaligid sa akin, hindi ako matatalo. Napahinto ako nung marinig ko yung pamilyar na boses.

"Miracle De Vega...." sabi nito kaya humarap ako dito, naka-smirk na agad siya. Lumakad siya ng paunti-unti sa akin.

"Isa iyun na kasama sa plano ko. Patayin yung may konekta sa mga De Vega, hindi ko naman pala alam na yung ka-close mo pang pinsan ang napatay ko. Her blood is really sweet..." sabi nito, hindi ko alam kung bakit hindi ako makakilos matapos ang sinabi niya?.

"Nagulat ka? Nung una hindi talaga ikaw yung plano kong ialay kase you're just a De Vega but nagulat ako nung malaman kong, may gusto ka kay Cassius. My plan changed, umaayon lahat sa akin ang plano ko, nahumaling siya sa'yo hanggang isuko ang trono. And mas lalong umayon nung naging bampira ka at naging buntis pa...." sabi nito, nagulat na lang ako nung nasa leeg na ang kamay nito, hinawakan ko ang kamay na nakahawak sa leeg ko.

"Napaka sama mo..." sabi ko dito, kahit nahihirapan ako magsalita. Tumawa lang ito sa akin.

"Kailangan na natin ikaw patayin, pati itong baby mo...." sabi nito and duon na nag-simula maging pula ang mata ko at sasakalin na sana siya ng biglang may sumakal na dito.

"Don't try to hurt her or else I'll kill you....." matigas na sabi nito at mabilis na kinuha ang kutsilyo na nakatutok sa tyan ko.

"Tito???...."

"Dad???...."

"Cr...Crain??..."

Nabitawan naman ni Crashe yung leeg ko kaya umatras ako dito ng kaunti, lumingon sa akin ng kaunti si Tito Crain.

"Take care of my grandchild...." sabi nito at bigla na lang silang nawala. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung sinabi niya, take care of my grandchild?....pero nawala iyun nung may naramdaman akong may sumaksak sa akin sa balikat.

"Wag ka muna magpakasaya...." sabi ng matinis na boses sa likod ko kaya napatingin ako. Kilala ko siya!!.  Siya yung nambugbog sa akin nung nasa opisina kami ni Cassius!.

"Ikaw ulit?!!" sabi ko dito tumawa siya ng napakatinis, masakit sa tenga!.

"It's good, that you remember me. Akala ko mag-papakilala ulit ako sa'yo...." sabi nito at tumawa ulit, tinanggal ko yung kutsilyo sa kaliwang braso.

Vampire Hates HumanWhere stories live. Discover now