Chapter 30

36 4 1
                                    

Chapter 30: Live-in

Gaverille Bell Licuaco

Nagising ako bigla, ang sakit ng mga katawan ko, hindi ko alam kung gusto ko pa ba bumangon o wag na. Bwisit na babaeng yun, sino ba iyun? Bakit ang laki naman ata ng galit nya sa akin?.

"Ma'am, buti naman po gising na kayo." sabi nung isang katulong??? Katulong? Kailan naman ako nagkatulong?.

"Ate? Sino po kayo?." bumangon ako ng dahan-dahan para tingnan ito, fuck ang sakit pa talaga ng mga katawan ko.

"Ah, ako po Ma'am si Jane. Maid po ni Sir Firm tapos po pinaa----"

"Ni Cassius?huh wait hindi ko gets? At nasaan pa ako?." natawa na lang ito. "Nasa main house po kayo ni Sir Firm, isang araw ko na po kayo inaalagaan kase hindi po kayo maalagaan ni Sir Firm dahil busy po sya." Sabi nito, napatango na lang ako.

"Ahhh so ilan araw na akong tulog?" ngumiti ito ng matamis, ang ganda nya sa pagiging maid, sakto lang ang pagkaputi nito tapos basta mas maganda sya sa akin.

"Isa't kalahating araw po pero po kahapon si Sir po ang nagalaga sa inyo, wag ko na nga lang daw po sabihin sa inyo kaya po wag niyo din pong sabihin sa kanya na sinabi ko sa inyo." tumawa ko dito bago tumango, lumapit ito sa akin at may binigay.

"Ano ito?." tiningnan ko naman gamot, tapos may note na nakalagay.

Be careful and eat your breakfast
- Cassius

"Sya nag-sulat nito?" tumango naman ito habang kinikilig, pa-your just nothing tapos ngayon may notes na take care. Sira ulo ata yung lalaking yun.


"Ma'am, dadalhin ko po mamaya yung pagkain, si Sir po nagluto nun. Maligo muna po kayo." sabi nito at tumango na lang ako, dahan-dahan akong bumangon at pumunta ng Cr, hindi ko alam kung nasapian sya ng angel o mamatay na sya, kase bumait naman ata sya ng sobra.

Hindi naman ako nagtagal maligo, hanggang ngayon iniisip ko kung ano nakain nung sungit na 'yun at naiba ang ugali nya.

"Ma'am Gave, buti naman po pala tapos na kayo, ito po yung damit niyo, bumaba na lang po pagkatapos niyo po." binigay nito sa akin yung damit pero bago sya makalakad hinawakn ko yung kamay nya.

"Ano yung isang bahay ni Cassius na tinulugan ko? Hindi ba ito iyun?." umiling sya. "Ito po talaga yung totoong bahay nya, kaso minsan lang po kase sya pumunta dito kase po sobrang layo po nung company dito kaya po duon sya tumitira. At saka po mas malaki ito kaysa duon." ngumiti ito at umalis na.

"Iba talaga ang nagagawa kapag mayaman ka." kausap ko sa sarili ko, kahit naman gaano kami kayaman hindi kami bibili ng sobrang daming bahay.

Lumabas na kami ng bahay, ang theme ng bahay nya ganoon pa din, black and white tapos may dark brown na. Tama naman si Jane, mas malaki yung bahay na ito kaysa duon sa isa.

"Ma'am, ayus na po ba talaga kayo? Baka po mapagalitan ako ni Sir Cassius." kinakabahan na sabi nito, binigyan ko naman sya ng ako-na-bahala look.

"Kayo po bahala, lagot ka po kay Sir Firm." tumawa na lang ako dito, parang sumisigla buo kong katawan, lilibot ulit ako sa bahay nya.

"Ate Jane, lilibot lang po ako dit----"

"Nako, Nako, mapapagalitan na talaga ako nyan ni Sir. Gusto mo mamatay ako ng di oras, bibinat-----"

Vampire Hates HumanWhere stories live. Discover now