Chapter 20

57 1 1
                                    

Third Person's POV

Hindi na mapakali ang lahat, isa nanamang kaklase ang nasa hospital.

Lahat ay natatakot at nangangamba na baka sila ang susunod.

Noong nalaman nila na nakita ang katawan ng kanilang kaklase na si Sarah sa karsada ng isang liblib na probinsiya lahat sila ay agad agad na nalungkot... maliban sa isa.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Malamyang bati ng kanilang guro na si Miss Jane

Sumagot naman sila ng mahina at malumanay ding magandang umaga.

"Alam niyo namang lahat na may isa nanaman tayong kaibigan ang nasa bingit ng kamatayan..." simula ng guro habang dinidiinan ang salitang nanaman.

Tila ba parang tugon iyon para mag-simula nanaman sila sa kanilang walang humpay na iyak.

Pag-katapos noon ay nanalangin sila para sa mga kaibigan nilang nawala. Nanalangin sila sa mga masasamang taong gumagawa ng kawalanghiyaang ito at higit sa lahar nanalangin sila para sa kanilang sarili na hindi na sila madamay sa kababalaghang ito.

*

*

*

Nag-patuloy sila sa kanilang klase na may mabibigat na puso.

Dinagdagan pa nito ng pressure sa kanila dahil malapit na ang ikatlong markahan.

"Magpapapraktis pa ba tayo?" tanong ni Nikka sa kanyang mga kaklase tungkol sa pang-grupo nilang duladulaan.

"Oo next week na yun eh." Sagot naman ni Faye na leader ng buong klase.

Nagdaan ang mga oras at pagod na pagod na ang lahat dahil sa walang humpay ma ensayo.

"Uwi na tayo!" Mungkahi ni Khent na tila ba natatakot.

Napansin nilang lahat ang takot sa boses ni Khent at para bang nahawaan silang lahat.

"Oo nga!" Sagot nilang lahat

Dali-dali naman silang lahat sa pag-ligpit ng kanilang gamit.

Takbo-lakad silang pumanhik palabas ng building pero gulat silang napatigil...

Dahil naka-lock na ang gate ng building.

The Mystery In Section NobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon