Chapter 6

133 5 2
                                    

The picture is a joke tho. JUST LAUGH BISHES ;)

- YSABELLE'S POV

"Isa kang mabuting kaibigan. Hindi ka namin malilimutan. You will be forever in our hearts, in my heart. You will be miss. Mahal kita kaibigan."

Andito kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing ang mga bangkay ng aming kaibigan na si Mariel.

Katatapos lamang mag bigay ng mensahe kay Mariel ni Karen. Simula noong ideklarang patay na si Mariel, hindi na siya masiyadong nag-sasalita. Hindi na siya kumakain at hindi na rin siya nakikihalubilo.

Iyak lang ng iyak ang ginagawa niya.

Bumaba na siya mula sa platform at dumeritso agad sa mga nag-hihintay na balikat ni Vincent. Haay. Iiyak nanaman yan.

Binasbasan na ng pari ang kabaong ni Mariel na kulay ginto.

Naramdaman ko na mayroong basa na tumutulo aa aking mukha.

Sa una, konti pa lang ito ngunit dumami ang mga patak ng ulan na tila bagang nakikisabay sa aming pag luluksa.

Bumuhos ng malakas ang ulan at hindi ko talaga mapigilang mapaiyak. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo at mas lumapit pa sa kabaong niyang malapit ng isara.

Nakapikit siya at nakangiti.

Pero, ito'y malungkot.

Isang malungkot na ngiti.

--

"Alam kong masakit at nakakalungkot ang nangyari sa atin pero kailangan nating mag move-on sa nangyari." Sabi ni Aubergine.

Tumango na lamang ang lahat at umayos na dahil dumating na ang aming guro.

--

"Akala ko ba uuwi na tayo? Asan na si Leo?" Tanong ni Megumi.

"Sandali lang daw. Kukunin niya lang ang mga gamit niya sa ating silid." Sagot ni Maybelle kay Megumi.

Tumango na lamang ito. At yumuka na para bang pinag-aaralan niya ang kanyang mga sapatos.

Simula noong namatay at inilibing ang kaklase at kaibigan naming si Mariel. Hindi na bumalik sa dati ang lahat.

Wala na ang dating sigla at ngiti ng buong klase, wala ng tawanan at ngitiang nangyayari. Puro na lamang katahimikan at kalungkutang ang nangingibabaw.

Para bang nawalan kami ng isang parte sa katawan. At hindi na kami gagana kailan man dahil nawalan kami ng isang parte.

Pero, ang pinaka na apektuhan sa lahat ay si Karen. Wala na siyang kinakausap at hindi na siya kumikibo. Konting hawak lang sa kanya nag-rereact na siya agad. Para bang praning. Para bang paranoid.

"Ang tagaaaaaaaal naman niya." Reklamo ni Megumi sa akin.

Hintayin mo lang. Kilala mo naman yun eh. Ang kupad kumilos.

Nag-desisiyon na lamang ako na sunduin siya.

Bago pa man ako makalapit sa aming silid, nakasalubong ko na ang isang takot na takot na si Leo.

Hawak hawak niya ang kanyang cellphone. . . Teka, akala ko ba nawawala yan?

"Ysabelle!! Tingnan mo to!!!" Sigaw niya habang isinalya niya ang kanyang cellphone sa mukha ko.

"Ano to?" Tanong ko.

"Tignan mo ang litrato"

Kinuha ko sa kanya amg kanyang cellphone at tiningnanh maigi ang litratong gustong-gusto niyang ipakita sa akin.

Nanlaki ang mata ko mg makita ko ang litratong nasa kanyang cellphone.

Putangina...

- KAREN'S POV

"TIGILAN NIYO KO!!!" Sigaw ko sa walang lamang kwarto.

Kasalanan mo to...

Hindi ka ba nakokonsensiya?...

Wala kang utang loob...

Mamamatay tao

Mamamatay tao

Mamamatay tao ka!!!

"TAMA NA PLEASE. TIGILAN NIYO NA KO UMALIS NA KAYO SA ISIP KO!!!" Sigaw ko.

Dalawang araw na akong nakakarinig ng mga boses na iyan.

Tumayo ako mula sa pagka-kaupo ko sa kama at tumakbo palabas ng aming bahay.

Habang tumatakbo ako, unti-unti kong pinupunasan ang mga luhang nag-babadyang tumulo.

Masama ka!

Mamamatay tao ka!!!

Tama na!!!

---

Yass. Chapter 6 is ouuuuuuuuut!!! Woot woot.

Sem break is innnnnnnnnnn!! *does fist pump*

- Belle xoxo

The Mystery In Section NobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon