Chapter 19

47 3 0
                                    

- SARAH'S POV

Madilim ang daan.

Wala ka masiyadong makikita kondi malawak na damuhan na para bang walang tigil.

Saan? Saan ako makakahanap ng tulong? Hindi naman pwedeng mag-hintay ako dito at baka maabutan niya ako.

Takbo pa.

Takbo!

Hindi ni minsan sumagi sa isip ko amg tumigil. Kahit na wala ako sa kondisyong tumakbo pinipilit ko pa rin

Para sa kalayaan.

Napapikit ako bigla ng may nakakabulag na ilaw ang pumapalapit sa akin.

Tulong!

Sigaw ko pero walang boses na lumabas sa bunganga ko.

Tulong!

Ulit ko, pero wala pa rin.

Kinaladkad ko ang sarili ko ko sa gitna ng kalsada para sana humingi ng tulong sa sasakyang papalapit.

Nasa gitna na ako at tiningan ko mg maigi ang nag-mamaneho ng sasakyan, pero iba ang nakita ko...

Si Mariel!

Pero paano?!

At may lumitaw pang isa!

Si.... Si... Si Karen!

Bakit?!

Hindi ko nalang ito pinansin at pinilit ko amg sarili ko na ilusiyon lamang ito.

Tinaas ko ang butot balat kong kamay at iwinagayway ito na parang humihimgi ng tulong.

Pero, hindi ito tumigil.

Nanlaki bigla ang mata ko...

Isang segundo lamang ang dumaan.

Isang segundo lang pero 16 na taon ng buhay ko ang nakita ko.

Noong nasa elementarya ako, noong unang araw ng high school hanggang kung saan nag simula ang kalbaryong ito.

Dumaan ito sa harap ng aking mga mata.

Sinubukan kong isarada ang mga mata ko. Umaasa na isang panaginip lang ang lahat ng ito.

Binuksan ko ito ulit. Handang harapin ang mga ngiti ng aking mga kaibigan, mga tawa, mga tuksuan.

Pero hindi ito ang simalubong sa akin.

Kundi sakit.

Ramdam na ramdam ko ang pakiramdam ng mga malalaking gulong ng sasakyang sumagasa sakin.

Isa

Dalawa

Dalawang malalaking gulong ang humiwa sa katawan ko. At humiwa din ng pag-asang panaginip lang ang lahat ito.

Hindi ako sigurado kong totoo o ang isip ko lang ang nakikipag-laro sakin pero narinig ko ang boses niya.

"Wala na"

At dilim.

Yan lamang ang nakikita ko.

The Mystery In Section NobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon