Chapter 10

102 6 3
                                    

- MAYBEL'S POV

"Pizza o Pasta?" Tanong ko kay Adrian.

Andito kami ngayon sa may cafeteria ng hospital kung saan ngayon na-confine si Leo.

"Akala ko ba light meals lang ang pwede sa kanya? Bakit mga pizza ang iniisip mo. Kaw talaga patay gutom." Saway ni Adrian sa akin habang kinurot niya ang baby face ko.

"Yaah. Ano ka ba? Eh, gutom ako eh." Sagot ko sakanya habang naka pout.

Yung pinaka-ayaw ko kasi sa lahat ay yung pinipigilan akong kumain. Biruin mo na ang lasing wag lang ng babaeng gutom.

"Miss may bibilhin?" Biglang singit ng matabang tindera na mukhang mabaho sa pag-uusap namin.

"Isang box ng pizza kalahati hawaiian, kalahati mac n cheese. At isang 2 liters na Royal tru Orange" Sabi ko dun sa tinderang palaka na parang nag-mamadali.

Habang inihahanda niya ang in-order ko narinig kong sinabi niya na "patay-gutom".

Aba! At siya hindi?! Kung titingnan mo lang double-dead ang pagka-gutom niya -_-

Sasagot na sana ako sa tinderang baboy pero hinawakan ni Sarah ang balikat ko "Oh, huwag mo nang patulan" napa-'humph' na lamang ako at tumahimik na.

"725 miss. May pangbayad ka po ba?" Sarkastikong tanong niya sa akin.

Namumuro na si Ate kanina pa ha! Oo maliit ako pero malakas tong kamao ko!!

"Opo ate, may pangbayad po ako." Sagot ko nalang sa kanya na para bang walang pake.

Binayaran ko na siya at padabog na kinuha ang binili ko na nakalagay sa plastik. Umalis na kami sa cafeteria at sumakay sa elevator para puntahan si Leo.

Malapit na kami sa kwarto niya ng tumabi kami bigla dahil merong mga nurses na may dalang strecher at nag-mamadali.

"Emergency siguro no?" Tanong ko kay Ysabelle na nasa harap ko.

Tumango na lamang siya.

Nasa tapat na kami ng kwarto ni Leo ng mayroong nurses na lumabas doon.

"Kapamilya niyo ba ang pasyente dito?" Tanong niya.

"Kaibigan niya po kami. Si mama niya ay nasa botika ngayon at bumubili ng gamot." Sagot ni Adrian sa nurse.

"Tawagan niyo ang nanay niya! Dali!" Parang natatarantang utos ng nurse.

"Bakit po ba?" Tanong ko at ni Sarah ng sabay.

"Nag-pakamatay siya."

--

So, I was dared by _lovedrunkxx to update everyday from today until the next tuesday so be greatful to her. Not.

@mabs&Jeyd : fckU ^_^

And dare niyo lang ha!!!

- Belle xoxo

The Mystery In Section NobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon