Chapter 9

106 5 5
                                    

This chapter will be a roller coster ride between POV's.

ENJOY!!
---

- YSABELLE'S POV

"Paano mo nasabi na si Leo ang may sala sa pag-patay kay Mariel? Kaibigan natin siya." Pangatwiran saakin ni Adrian. .

Andito kami ngayon sa presinto kung saan magre-report ako at magbibigay ng ebidensiya laban kay Leo sa pag-patay kay Mariel.

Pero hindi ko pa nagagawa iyon, dahil andito ang mga kaibigan namin. Pinipigilan ako.

"Napaka-imposible naman kasi na.. na may mga karumal-dumal na litrato siya ng bangkay ni Mariel sa cellphone niya. Isipin niyo nga, diba may password amg cellphone niya? Hinding-hindi niya pinapaalam sa atin ang password." Sagot ko naman sakanya.

"Hindi mo ba, naisip na baka.. na frame up siya?"

Sabat naman sa akin ni Sarah.

"Maari pero --"

"Guys! Tumawag si Leonily, ang kapatid ni Leo. Nasa ospital daw siya at inaatake ng asthma!!" Sigaw ni Maybel.

Hindi ko mapigilang makonsensiya. Pano kaya kapag, hindi naman talaga si Leo ang may kasalanan? Pano kaya kapag na frame up lang talaga siya?

Paano kaya kapag may gusto lang talagang sirain ang samahan namin sa Section Nobel?

- KAREN'S POV

Naka yuko lamang ako. Umiiyak at walang masabi.

"Tsk tsk tsk. Hindi ka ba nakokonsensiya Karen? Dahil sayo marami ng nadadamay. Unti-unti na silang nawawala." Sabi niya na tila ba nanunukso habang hinihimas-himas niya ang balahibo ng itim niyang pusa.

"Pa... Patayin mo nalang ako! Huwag, huwag mo nang galawin ang mga kaibigan ko, ang mga kaibigan natin" pag-mamakaawa ko sakanya.

Hangal. Tuso. Yan lang ang mailalarawan ko sakanya. Dati-rati hindi naman siya ganito. Anong nangyari.

"Huh? Bakit naman kita papatayin? Diba, sabi ko mabubuhay ka nang nakokonsensiya? Ipapakita ko sayo kung paano ko iisa-isahin ang mga kaibigan natin? Diba yan ang sabi ko? Bakit naman kita bibigyan ng opurtunidad na makawala sa larong ito? Larong walang mananalo." Sabi niya habang may sadistang ngiti sa kanyang mukha.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at liniligpit ang mga gamit niya na para bang aalis na.

"Mag-susungbong ako sa pulis!" Sigaw ko bigla.

Hindi ko alam kung anong sumagi sa utak ko ng sinigaw ko yun. Pero huli na ang lahat, nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Pulis? Sigurado ka? Dahil alam mo naman na --" sabi niya habang papalapit ng papalapit amg mukha niya sa mukha ko. "Madadamay ka din, lahat ng baho mo lalabas. Sasama ka sa impyerno" bulong na sakin habang hinihimas-himas ng daliri niya ang mukha ko. Napapikit nalamang ako. "Gusto mo ba yun?" Tanong niya at bigla niya akong sinampal.

Napailing na lamang ako. At tumawa siya ng malakas.

"Mabuti! Sige aalis muna ako. May papatayin pa ako eh" Sabi niya, gamit ang masiyadong masayang tono. Na parang bang nae-excite siya dahil may ikikitil siyang buhay.

Bakit ba ako napasok dito?

- LEO'S POV

"Aalis muna kami at bibili ng pagkain at babalik din kami agad." Sabi ni Sarah saakin habang papalabas sila.

Bumisita sila sa akin ngayon. Sina Adrian, Maybel, Sarah at si Ysabelle.

Kahit na hindi parin ako kinakausap ni Ysabelle, mararamdaman mo namang concern siya sa kin. Kaya masaya na din ako.

Napa-bungtong hininga nalamang ako. Paano ko kaya malilinis ang pangalan ko?

"Sandali!" Tawag ko sa kanila.

"Bakit, may gusto kang ipabiling pag-kain?" Tanong ni Maybel sa akin.

"Wala. Pero.. sa..sa tingin ko alam ko na kung sino ang pumatay kay Mariel." Bulong ko.

Kahit na binulong ko lamang yun, alam kong narinig nila ang sabi ko. Lalong-lalo na si Ysabelle na umangat ang ulo at tinititigan ako.

Ngumiti nalang si Maybel sinabing "Mamaya na muna. Kumain nalang tayo at for once hwag na muna nating isipin ang mga problema natin"

Sumang ayon na lamang ang iba, kaya wala na akong nagawa. Tumango na lamang ako.

Ilang minuto pag-katapos nilang umalis, merong kumatok sa pintuan.

"Pasok" sagot ko.

Narinig kung bumukas ang pintuan pero hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil naka-yuko ako at nagbabasa sa wattpad.

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo Leo?" Tanong ng boses sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang boses niya

"IKAW!" Sigaw ko.

"Oo ako." Pasimpleng sagot niya sa akin habang pumasok ang kamay niya sa bag niyang napakalaki.

Hindi nagtagal ay may hawak na siyang baril.

"Ano ya..yan?" Natatakot kong tanong.

Tumayo ako sa hinihigaan ko at umatras para mapalayo sa kanya.

"Baril. Tsk. Tsk. Tsk. Nakakapagtatakang umabot ka sa 3rd year, pero hindi mo to alam?" Sabi niya habang kinakaway-kaway sa akin ang baril.

Napalunok ako bigla. Hindi niya naman ako papatayin diba? Mag-kaibigan kami eh.

Umatras pa ako ng konti, pero umabante naman siya.

"Anong laro ba to ha? Ikaw din ang pumatay kay Mariel. Bakit mo to ginagawa?" Tanong ko sakanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

Diyos ko po.

"Yung kay Mariel? Favor lang yun kay Karen. Kaso, nalaman mo eh. Ang mga picture sa cellphone mo? Panakot ko lang yun sana, kaso... Nakilala mo ko eh. Kaya ayun, naisipan kong masaya pala kapag makita ko ang mga mukha niyong nag-mamakaawa." Sagot niya sa akin habang tumatawa siya na para bang demonyo.

"Baliw ka!" Sigaw ko habang paatras ng paatras ako.

- UNKNOWN POV

"BALIW KA" Sigaw niya.

Edi baliw na kung baliw.

Ang importante, masaya.

"BALIW KA!!!" Sigaw niya ulit habang umaatras.

Hindi alam ni Leo na nasa bintana pala siya.

Nasa bukas na bintana.

Sisigaw pa sana siya, pero na hulog siya.

Ngumiti ako, ng makita kong nanlaki ang mata niya.

"Aaaaaaaaaah" sigaw niya.

Dali-dali kong pinuntahan ang bintana kong saan siya nahulog.

And after a few seconds, a satisfying 'thud' was heared.

"Ooops" Sabi ko ng naka ngiti.

"Rest in Peace" Sigaw-bulong ko sakanya... O sa katawan niya pala. Hehe.

Nalungkot ako bigla... "Awww" sabi ko habang hinihimas-himas ko ang baril ni Papa. "Sorry baby, hindi muna kita magagamit ngayon" bulong ko sa walang buhay na bagay.

Napa hagik-gik ako.

Haay. Ang saya talaga.

Hihi.

--

Sino si niya?

Who is he/she?

Any guess?

Vote Vote Vote!!!

Comment Comment Comment!!

- Belle xoxo

The Mystery In Section NobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon