Chapter 2

176 6 0
                                    

- YSABELLE'S POV

Lunes ng umaga, at late ako. Eh ano naman ngayon? May flag ceremony naman eh.

Pumasok na ako sa loob ng classroom, at nagulat ako sa nakita ko, lahat ng mga kaklse ko ay parang natataranta.

"Anong nangyari dito?" Tanong ko sa buong klase.

"Eh kase, nga yung ano ko, yung notebook ko sa english nawawala!" Tarantang saad ni Jade.

"Ah. Baka na misplace mo lang, hanapin mo nalang baka tinapon no Aubergine alam mo naman yun pag may na iwan ka kung saan saan itatapon niya yun." Sabi ko habang binababa ko ang bag ko sa upuan ko.

"Belle! Belle!" Tawag ni Kate saakin.

"Oh bakit?" Tanong ko sakanya.

"Nakita mo ba yung libro ko sa Statistics?"

"Huh? Hindi ah. Anong gagawin ko dun?" Taka kong tanong sa kanya.

"Nawawala kasi eh. Andun kasi yung assignment ko. Deadline na yun ngayon eh" nag-aala niyang sabi.

Bakit parang maraming nawawala ngayon? Ako kaya, baka may nawala din sa akin. Nako, baka may nawala din saakin.

Dali dali akong pumunta sa locker ko at tiningnan kung mayroong nawala sa mga gamit ko.

Andun naman ang mga libro ko, ang mga kwaderno sa ibat-ibang asignatura at folders. Wala namang may nawala sa akin ah, bakit parang silang lahat ay nawalan ng gamit.

"Sarah! May nawala din bang gamit mo?"Tanong ko kay Sarah na kasalukuyang tinatali ang buhok ni Lady.

"Oo, nawala din yung suklay ko at mga rubber band."

Nakapagtataka naman na silang lahat ay nawalan at ako lang ang wala.

Magpasalamat ka nga kasi walang may nawawala. Huwag ka na ngang mag-taka

Sabi ng konsensya ko sa akin.

Oo nga naman, ba't ba nag rereklamo ako?

Alas diyes na ng umaga at tanda na magsisimula na ang aming klase sa asignaturang english.

"Good Morning Nobel" Bati ng aming guro sa English na Sir Buenafe.

"Good Morning Sir, its nice to see you today" Plastik na bati namin sa kanya.

Nanalangin kami, at pagkatapos non ay pinaupo na niya kami.

"We will have a roleplay next friday.And it is about farewell. I hope you would not disappoint me. Now let us proceed to our lesson. "

Nag simula na siya sa kanyang leksiyon tungkol sa tenses.

--

Sa wakas, natapos nadin ang english class namin at sumunod ang filipino.

--

Hapon na at marami pang gawain. Pero halata naman na pagod na ang lahat.

Buhay estudyante. Napakahirap

"Ysa, mag meeting na tayo tungkol sa roleplay natin sa english." Saan sa akin ni Michael, ang lider namin sa grupo.

Napatingin ako sa relo ko at nakita ako na 6:15 na. "Sigurado ka? Gabi na ah. Tayo nalang ang natira dito."

"Sige na, para wala na tayong poproblemahin bukas." Pangangatwiran niya.

May punto naman siya, pero ... Pero. Haist. Sige na nga.

"Oh, sige na nga pero sandali lang hah?" Sagot ko sa kanya.

Tumango na lamang siya at nagsimula na sa pag bibigay ng ideya tungkol sa aming itatanghal.

Nagsasalita na ng tungkol sa aming ending si Michael ng napalingon ako sa relo ko at makitang alas-siyete na pala.

Napansin ko na... Madilim na sa paligid.

"Mike, hindi ka pa ba tapos? Anong oras na oh." tanong ng aming ka grupo na si Allyanna.

"Sandali nalang, ito naman oh. Bakit may nag-hihintay ba na taxi sayo sa labas" Biro no Michael.

Pinagpatuloy na niya ang kanyang pag-sasalita ng may mapansin akong anino sa likod ni Michael.

Akala ko ba, kami nalang ang natira dito?

"Nakita mo ba yun?" Tanong ng kagrupo kong si Kate.

"Nakita mo rin ba? Yung... yung anino?" Tanong ko sa kanya.

At nagtinginan kaming dalawa.

"Nakakatakot naman yang pinag-uusapan niyo. Bukas nalang natin ipag-patuloy to." Wari'ng natatakot na saad ni Allyanna.

"Sige na nga. Ang mga praning niyo naman. " Reklamo ng aming pinuno na si Michael."

Nag-ligpit na kami ng aming mga gamit ng biglang ...

Namatay ang lahat ng mga ilaw.

---

Cliffhanger. Lol. Hahaha.

- Belle xoxo

The Mystery In Section NobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon