Chapter 1

269 10 10
                                    

- YSABELLE'S POV

"May! Nakahanap ka na ba ng kurtina na puti?" tanongg ko kay Maybell na kadadating lang.

"Oo, May dala na ako dito." sabe niya saakin habang ibinababa ang kanyang bag na pula sa, kanyang armchair.

"Ito na oh, dalawa pa nga yan eh. Ok na siguro yan." Saad pa niya habang pinapatong ang kurtina sa armchair ko.

"O sige, simulan na natin to. " Sabi ni Leo sa tabi ko, sabay tayo at lumakad papunta sa aming pwesto para simulan na ang aming corner para sa exhibit.

Pero bago pa ang lahat, mag papa-kilala muna ako. Ako si Ysabelle Felice ng section Nobel. Yan na muna ang dapat niyong malaman.

Ngayon nga pala ay ang aming card day. Ito yung araw kung saan malalamn namin ang aming rankings at grades. Kahit na alam na naman namin yung iba. Kasukuyang nag-hahanda kami ng aming exhibit para sa asignaturang Statistics.

Tch. Friday ngayon at dapat ay nag liliwaliw na lang kami, hindi yung nam momroblema kami kung saan kami kukuha nga mga pang dedesign namin sa aming exhibit na by group.

Ang aming grupo nga pala ay binubuo ng 5 miyembro. Si Maybelle na aming pinuno, ako si Leo (babae po siya) si Sarah amg aming artist at si Adrian ang aming boy hangin.

"Tama na ba 'to Belle?" Tanong sa akin ni Sarah habang ipinapakita niya ang table skirting na ginawa nila ni Leo.

"Oo, ayus na yan." Sagot ko.

Tumayo ako mula sa sahig na kina uupuan ko at unti-unting sinimulang kolektahin ang mga portfolio, journals, posters at iba-iba pang mga ginawa naming artistic kuno ng aking mga kagrupo at unti-unti kong pinatong ang mga iyon sa lamesa. Nag simula na akong tulungan ang aking mga kagrupo sa pag design ng aming table para sa exhibit na magaganap mamaya

Isang oras ang nag daan bago matapos ang aming exhibit at sa wakas nakaramdam nadin sila ng gutom.

"Nakakagutom naman tong ginagawa natin." Sabi ni Sarah habang inililigpit na na namin ang mga gamit na ginamit namin kanina.

Sumang ayon naman ang lahat, at unti-unti nang lumabas para bumili ng kakainin.

"Tara! Tong-it tayo!" Yaya ni Noli sa amin.

"Oh sige bah." Sabat naman agad ni Leo.

Tsk. Ang mga taong to.

Natapos na ang lunch time at nag-simula nang magsi-datingan ang mga parents. Habang hinihintay nila ang aming adviser na si mam Jane, nag lilibot-libot sila at tinitingnan ang mga gawa ng kani-kanilang anak.

As usual wala nanaman si Mama. Lagi naman eh, hindi ko na lang iniintindi. .

"Well, good afternoon parents. Are you ready to hear your children's grades?" Tanong ng aming adviser na si Mam Jane.

Si Mam Jane ay isa sa mga friendly at mababait na teacher na nakilalala ko, siya yung tipong bestfriend ng lahat kaya hindi siya kinakatakotan ng kanyang mga estudyante.

"Anyway, ito na pala yung ranking this grading. Congrats to those whi belong in the top 10 and tl those na hindi, may 2nd grading pa" announced ni Mam Jane na may ngiti sa kanyang mga labi.

Dali-dali naman kamong tumakbo sa may black board kung saan nakapaskil ang rankings namin.

1. Avenix

2. Alim

3. Hakson

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

23. Kelorio

24.5 Abelarde

24.5 Felice

26. Hudelmo

Parang sirang plaka lamang na umuulit-ulit sa utak ko ang imahe ng numero kung saan nakadikit ang pangalan ko.

Seriously? Yan lang ba ang makakaya ko? Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko. Ang awa ay napaka obvious sa kanilang mata.

Sino ba naman ang hindi maaawa kapag ang isa sa mga top student dati ay bagsak na bagsak na ngayon?

Nakaramdam ako ng konting galit at inis, hindi sa sarili ko kundi sa mga taong nasa tuktuk.

Sana nasa lugar nila ako ngayon. Sana isa din ako sa mga kaklase kung nakangiti habang nakikita nila ang pangalan nila sa rank 1, 2 o 3.

Kaya gagalingan ko. Meron pa akong chance para mapatunayan na kaya ko muling ibalok ang pangalan ko sa taas. At gagawin ko iyon.

By hook or by crook.

--

"Uyy hapon na! Tara umuwi na tayo." Yaya saakin ni Maybelle.

Tiningnan ko ang oras sa akong cellphone at nakita kung 6:15 na pala. Dumidilim na ang kalangitan kaya, nag decide na akong sumama sa kanila.

Nasa may gate na ako ng matandaan kong may assignment pala kami sa asignaturang Math.

"Uyy Maybelle, Leo! Hintayin niyo ko ha? Nakalimutan ko kasi ang libro ko sa Math. Baka mag alburuto na naman si Sir Luigi kapag hindi ko nagawa ang Assignment natin sa stat." Sabi ko sa kanila.

Umoo nalang sila, at bumalik na ako sa aming classroom. Medyo madilim na at kakaunti na lamang tao sa paligid. Pumasok ako sa loob ng aming classroom at kinuha ko amg libro ko sa math. Habang papalabas ako, napansin ko na may ekis o x ang pangalan ni Khent Avenix at Joshua Alim sa papel kung saan nakalagay ang rankings.

Tiningnan ko ito ng maigi at napansin ko din na ang ginamit na pang ekis dito ay ... Lipstick?

Napa isip tuloy ako.

Sino kaya sa amin ang gumawa nito?

----

Hahaha. Hope you like it ツ Shoutout to section 9 Nobel. I love you guys :) Peace xD

- Belle xoxo

The Mystery In Section NobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon