Her 17

33 2 0
                                    

"How's your Saturday? Can you tell me your Saturday in minutes?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"How's your Saturday? Can you tell me your Saturday in minutes?"

Pinadulas pa ni Minute ang pwet niya para makatabi lalo sa akin. Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil sa tanong niya pero napabuga na rin ng tawa. Witty. Masyado niyang kinakareer ang tanong na 'yan. Kahit hindi naman Sabado, iyon palagi ang tanong niya tuwing tinatanong kung kumusta ang araw ko.

"Anong oras ang training niyo?" tanong ko na lang bago ko siya kuwentuhan ang nangyari kanina sa classroom.

"Mamaya pang 5," sagot niya at nagsimulang magpalit ng mga sapatos niya.

Dahil nahihirapan siya sa bag niyang dala, kinuha ko muna 'yun. Saktong napatingin siya sa akin sa ginawa ko. Niyakap ko na lang ang bag na hawak ko at sinenyasang ayusin na niya ang sapatos niya.

Ilang linggo na rin kaming ganito. At inaamin kong mas lalong napapalapit ang loob ko sa kanya. Halos nagiging komportable na ako tuwing kasama silang dalawa ni Billion. Tinatanong na nga ako ng mga kamiyembro ko sa press kung ano na ba talaga kami ni Minute. Kaibigan naman ang palagi kong sinasagot dahil 'yun naman ang totoo 'di ba?

"Oo nga pala, malapit na ang school press conference niyo," sabi niya nang tapos na akong magkuwento. Bumalik ang kaba na naipon ko dati nang binanggit niya ang SPC. Pero... "Hindi pa sure ang Floorwoods kung sasali," bulong ko sa kanya na para bang isa iyon sa pinakanakatatagong sikreto kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Don't tell me dahil sa scandal?!" pasigaw niyang bulong sa akin kaya napanguso ako. Pero tumango na lang din ako dahil isa iyon sa dahilan kung bakit hindi kami makakasali. May kumakalat daw kasi na issue about sa vice-principal namin na nagbebenta ng illegal drugs. Iniimbestigahan pa raw kung totoo ba ang mga 'yun. Nadamay pa ang mga estudyante dahil may gumagamit daw ng marijuana sa mga banyo. Nakakainis nga lang kung totoo man ang mga iyon.

May meeting sana kami mamaya kaso dahil hindi pa sure kung tuloy ang pagsali namin sa SPC, wala muna sa ngayon. Pero malakas talaga ang kutob ko na hindi matutuloy kaya mas mabuting ibaling sa iba ang atensyon ko. Nakakalungkot lang kasi.

"May art class akong pinapaattend ni Dra. Margie," pag-iiba ko ng usapan habang nakasandal ang sentido ko sa palad ko. Pinapanood ko pa kasi siyang nagsusuot ng headband niya.

"Talaga? Saan?"

"West."

Kung may iniinom man si Minute, para siyang nasamid sa reaksyon niya. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at pinanuod ko lang siyang umuubo sa kamao niya. "Bakit ang layo?"

Napakibit-balikat ako at pinatuloy na titigan siya habang nag-iisip nang malalim. Hindi ko man alam kung ano ang takbo ng isip niya ngayon sa sinabi ko sa kanya pero dati, kinuwento ko si Dra. Margie (Psychologist ko) sa kanya. Nakilala rin niya si Dra. noong naalala niyang pinanood ko sa kanya ang medical documentation ko dati.

Last Friday, pumunta kami ni Mama sa Central para sa session ko at nabanggit ni Dra. Margie na pinapasama niya ako sa art class sa Oriel Phil Academy. Pinayagan naman ako agad ni Mama kaso halos dalawang oras ang biyahe mula sa Floorwoods. Libre lang din naman kasi para ring one-day session ang tinutukoy ni Dra. Margie na art class. Sinabi rin sa akin na ang mga ibang pasyente ng kakilala niyang Psychologist ang dadalo roon. Kumabaga, magiging isang group session 'yun with activities.

Saturday in MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon