Sunday. It means, I'm starting to collect memories I'll encounter until the end of the week.Nasa harapan ako ngayon ng bintana habang nagdedesisyon kung ano ang magandang gawin ngayong araw. Sana nalang talaga, gagawa ako ng listahan sa mga gusto kong gawin para paminsan, hindi ako gaanong naooverwhelm tuwing nag-iisip kung anong magagawa ko.
"ARGH!" Napasabunot ako bigla sa buhok ko dahil hindi pa ako makamove on sa sinabi niya kagabi. Pati sa pagtulog, 'yun ang umiikot sa utak ko. Ilang beses kong inalog ang utak ko para matanggal 'yun hanggang sa pagtigil ko ay may isang imahe ang pumasok sa utak ko.
Unti-unti akong napadilat. Nararamdam ko ang panlulumo ng mga nsa loob ng katawan ko.
I saw how the waves of the sea slowly splashing to a rock. It looks like a port but it was long as a road with the sea in both side. At first look, I thought it was a highway to the middle of the sea but I was wrong. It was beautiful though.
Hindi na ako nag-isip ng iba at bumangon sa kama ko. Habang tinatali ang buhok ko ay tumungo ako sa art materials ko. Pagkaupo ko sa sahig ay binuksan ko ang chest kong puno ng pintura. Binuklat ko na rin ang nakarolyo kong canvas pati ang mga frame na medyo kalakihan.
I was busy pinning the canvas to the wooden frame when someone opened the door of my room. "I made brownies!" Si Mama pala 'yun at may dalang brownies kaya tumakbo ako palapit sa kanya.
"Thank you po!"
"Magpipinta ka?" tanong niya habang bitbit ko na ang plato at ngumunguya ng ginawa niyang masasarap na brownies.
"May pumasok lang po sa isipan ko," sabi ko habang pinapanood siyang inaayos ang mga dyaryong nakalapag sa sahig.
"Was it good?"
"It was soooo beautiful." I even exaggrate my reaction. Napatango siya at lumapit sa akin. Pinunasan niya ang bibig ko gamit ang dulo ng damit niya.
"Kailangang makita ko 'yan, magpinta ka na," nakangiti niyang sabi kaya tumango ako nang maraming beses. "Kung matapos ka na, ibebenta natin or itatago mo lang?"
"Ilagay at isasabit po natin sa magiging permanenteng bahay natin soon," nakangiti kong sagot kaya hindi ko alam kung makukuha ba niya ang sagot ko bilang sarcastic pero mataas ang pag-asa ko sa pagsagot nun. Gustong-gusto ko na talaga magkaroon ng tahanan na walang alinlangan. 'Yung alam kong magtatagal kami sa bahay na iyon. Kahit man lang sa pagpipinta ay nagagawa ko iyong ibenta sa mga kaibigan ni mama na willing bumili para magkapera kami. Kaso halos hindi ko natatapos ang ibang nasisimulan ko kaya sa uli, naiipon lang 'yun sa akin.
Nakita ko kung paano nanlumo ang mukha ni Mama pero napalitan din ng pag-asa. Napataas pa ang mga kamay niya bago ito pinaglapat sa isa't isa na parang nagdadasal siya. "Sana."
Kilala ko si Mama. Kahit ayaw niya ang sitwasyon naming palipat-lipat ng nirerentahang bahay dahil sa trabaho niya ay ginagawa niya ang lahat para makapag-ipon. Gustong-gusto niyang makabili ng bahay at lupa kaso palaging nauuna ang pagbayad ng utang niya kaya tuwing sweldo niya ay ang pagbayad ng utang napupunta ang pera niya.
Siguro, mas mabuti ngang may natitirhan pa kami kaysa dati. Noong iniwan kami ng tatay ko, sobrang gumuho ang mundo namin ni Mama. Wala kaming mapuntahan at naaksidente pa ako kaya nangutang si Mama para sa pang-ospital ko.
Kaso maraming nangyari at dumaan pa ako sa mga test lalo na't kailangan ko pa magpakunsulta sa psychologist. Natrauma ako sa aksidente at doon nagsimula ang kundisyon ko.
Doon ko naalala ang lahat ng nangyayari at nangyari sa akin. Dahil naaksidente ako, may parte ng utak ko ang natamaan para matandaan ko ang lahat ng nararanasan ko.
"A pakingshet," bulong ko at nagsimulang magsketch sa sketchbook ko kung ano ang nakikita ko sa utak ko.
Nakakainis lang na ang dali kong makarecall ng bawat nangyayari at nakita ko. Kahit nga panlasa ay naalala ko pa. Hindi ko man mailarawan ang mga bawat na iyon, malinaw ang bawat imahe, bawat narinig at naramdaman ko.
7 years old ako noon. At nang malaman ng mga doktor ang kundisyon ng utak ko, marami pa silang test na ginawa sa akin. Hindi sila makapaniwala hanggang sa lahat ng klase ng experiment sa pagsasaulo ay naipagawa sa akin. Kahit takot ako sa mga camera na nakatutok sa akin, ay kailangan kong gawin ang pinapagawa sa akin.
Si Dra. Margie at Mama lang ako nagtitiwala at sila rin ang pinaghahawakan ko dahil pakiramdam ko, sa kanila lang ako ligtas.
Hindi child psychologist si Dra. Margie pero siya lang ang nakahandle sa akin. At hanggang ngayon, nagpapaappointment ako sa kanya dahil siya lang din ang nakakaintindi sa akin bukod kay Mama.
Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa sketch pad ko. Hindi pa naman ako nakakapunta rito, hindi ko rin alam kung nag-eexist ang lugar na 'to pero parang masyado akong nabighani sa bawat galaw ng tubig na humahampas sa semento ng daanan at sa malaking bato roon. Pati na rin ang maliliit na bula ay nagpapadagdag sa kagandahan ng nakikita ko.
Napaangat ang tingin ko. Ngayon ko lang ito nakita sa utak ko at hindi ko matukoy kung saan ko ito nakita. Hindi ko rin maalala kung panaginipan ko ito.
Napatigil ko sa pagguguhit at hindi na ako makakurap habang nakatingin sa ginuhit ko. Lahat naman naalala ko. Lahat ay madali kong maalala. Lahat ng nakikita, naririnig, nalalasahan at nalalanghap ko ay naalala ko pa. Bakit itong imahe na ito ay hindi ko alam?
"Baka naisip ko lang?" bulong ko at muling napatitig sa hawak ko. Tama, may mga naiisip ako na produkto ng imahinasyon ko at baka kabilang na rin ito. Medyo nakahinga rin ako nang maluwag na baka wala talaga akong maalala rito dahil hindi ko rin naman nakita at hindi ko napuntahan.
And as the tip of my pencil met the clean canvas, my hand started to draw the vivid image of the most beautiful scene that captured my whole system.
BINABASA MO ANG
Saturday in Minutes
General FictionSouth Orwell Series #2 Living with a vivid memory, Saturday Sundays just wanted to live peacefully and alone. But after meeting Minute Rogers, a playful, jolly, and blabby varsity player, she's ready to face everything she needs to encounter just to...