Her 01

372 33 9
                                    

Chapter Theme: Minsan by Munimuni

Hindi ko alam kung bakit ang ibang tao ay nagrereklamo na bakit nila nakakalimutan nila agad ang mga nangyayari sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung bakit ang ibang tao ay nagrereklamo na bakit nila nakakalimutan nila agad ang mga nangyayari sa kanila. Ewan ko ba, ayaw ba nila ng ganun? Hindi nila naalala ang ibang nangyari sa kanila? Maalala na lang nila kung aalahanin nila?

"Tulong! Tulong! Ang anak ko!"

Napapikit ako nang mariin nang marinig ang iyak ng isang babae na dala-dala ang anak niya sa gitna ng kalsada. Nagkaroon ng banggaan doon at maraming taong nakapalibot doon na para kunan ng litrato ang banggan ng isang bus at isang sasakyan. Nakarinig na ako ng sirena ng ambulansya kaya huminga ako nang malalim at sinuot ang earphones ko. Nagpatugtog ako ng kanta ng bandang Munimuni para pakalmahin ang sarili ko.

Kung alam ko lang na may banggaang nangyari ay hindi na ako napasulyap sa daanan dahil hindi na mawala sa isip ko ang larawang nakita ko nang isang segundo. Kahit binabaling ko na sa iba ang tingin ko ay naririnig ko pa rin ang iyak ng babae sa utak ko. Naglalakad ako sa sidewalk ng Florewoods papunta sa bago kong school pero hindi pa rin mawala sa utak ko ang nangyari kanina.

Hindi ko pa rin alam kung bakit gusto ng iba ay maalala nila ang bawat pangyayaring nangyayari at nakikita nila. Kahit maliliit na mga detalye ay gusto nilang maalala.

"Saturday Sundays, welcome to Florewoods High!" nakangiting bati sa akin ng Principal pagkarating ko sa Principal's office para kunin ang schedule ko. Ningitian ko lang siya at hindi na nakapagsalita dahil sa hiya. "Here is your schedule and your section. If you have a problem with your first day, just come here okay?" Napatango ako at inipit ang schedule sa librong bitbit ko.

"I think I knew your mother. Sarah Sundays?" Hindi ako nakatalikod agad kasi muli akong lumingon sa principal at napatango na naman.

"Opo," sagot ko na lang para hindi ako mapagsabihang wala akong dila.

"She was my student long time ago." Napangiti naman siya kaya napatango na naman ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Ah, I see, okay po, hehehe? Hays, hindi kasi ako magaling makipag-usap. Hindi rin ako mahilig makipag-usap. Ayaw ko lang siguro ng kausap. Ayaw kong may maaalala ako.

"How is she? Asan kayo ngayon?" Ma'am, ba't ang dami niyong tanong? Huhuhu, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Dahan-dahan lang po.

"She's okay po. Sa District 2 po kami ngayon." Kating-kati na akong lumabas kasi paminsan, hindi ako comfortable pag-usapan ang pamilya ko. Kasi kung pag-uusapan 'yun ay alam ko na ang mga kasunod nito.

"Ahh, ano pala ang binebenta ng mother mo?" Napaiwas ako ng tingin. Ganito na pala kakilala si Mama sa iba.

"Sa ngayon po, nasa isang Land Selling Agency po siya," sagot ko kaya napatango siya.

Saturday in MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon