Her 03

212 27 7
                                    


"Ano feeling kapag may nakakalimutan kayo?" tanong ko sa dalawang salagubang na nakapatong sa dahon ng gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano feeling kapag may nakakalimutan kayo?" tanong ko sa dalawang salagubang na nakapatong sa dahon ng gabi. Ginuguhit ko rin sila sa Campus Garden. 2nd day of Intrams pero andito pa rin ako... iniisip ang mga nangyari kagabi habang nakikipag-usap sa dalawang salagubang naglalampungan.

Bago ko pa mabalewala ang tanong ko kanina ay inangat ko ang lapis ko para gamitin itong pangkamot ng sentido ko. "Siguro, nababahala kayo dahil baka kailangan niyong aalahanin ang kaunting detalye na nangyari sa'yo." Napailing na lang ako at pinatuloy ang pagguguhit. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta mamaya o uuwi na lang ako agad. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang muntikang mangyari. Nababahala ako baka hindi rin ako makatulog kung natuloy man iyon.

"Bigyan na 'yan ng jacket!"

Pumasok na naman sa utak ko ang nanyari kagabi na kasama ko si Minute. Masyado akong natawa sa nangyari kagabi at nawawala na lang ibang inaalala ko. Tuwing nakikita ko ang mukha niyang pinagbagsakan ng langit at lupa pagkatapak niya ng dumi.

Natauhan naman ako na siya ang nasa isip ko kaya mahina kong pinalo ang tuktok ng ulo ko at pinatuloy ang ginagawa ko. Nagmumukha akong may gusto sa kanya kung ganun, imbes na tinatawanan ko lang ang nangyari sa kanya.

"Gagalaw ba kayo o hindi?" tanong ko sa dalawa na hindi pa rin gumagalaw at nakaharap sa akin.

"Hindi pa naman kayo patay 'di ba?" kinakabahan kong tanong. Mahina ko silang tinapik gamit ang lapis ko at nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang gumalaw naman sila. "Oh siya, ngayon ay huwag kayong gumalaw ulit." Mapgpapauloy sana ako sa pagguhit nang may tumabi sa akin saka umangilasaw ang amoy niya sa paligid ko.

"Sana salagubang na lang ako," buong puso niyang sabi kaya sinara ko agad ang sketch pad ko. Andito pa pala ang drawing ko sa kanya. "Para kausapin mo ako tulad nila." Hawak-hawak niya ang dibdib niya saka dinamdam ang kadramahang iniipon niya.

Nakasuot siya ng jersey. Pumababa rin ang tingin ko sa bago niyang sapatos kaya napabuga ako ng maikling tawa nang maalala ang kagabi.

"Ayan ka naman," pagmamaktol niya kaya hindi ko na lang siya pinansin.

"Ayan ka na naman, hindi ako pinapansin," panimula niya ulit ng panibagong drama kaya tiningnan ko siya. "Nakalimutan mo na ba ang pinagsamahan natin kagabi?" Parang kinareer niya ang pagiging artista kaya medyo naaliw ako.

"Ang mga tawanan natin, ang mga pinagdaanan natin, ang ating pinagsamahan, pati na rin ang bawat paghinga... bakit balewala ang lahat na 'yun sa'yo? Madali bang kalimutan ang mga iyon?" Kung totoo man ang pinagsasabi niya ay gusto ko na lang matawa dahil hindi ko nga makalimutan ang mga nangyari sa akin noon, ang nangyari pa kaya kagabi?

"Ang bawat pagsubok na hinarap natin, ang bawat salitang nabanggit natin, ang lahat! Basta lahat! Paano na 'yun? Paano si Bogart?"

"Bogart?" kunot-noo kong tanong.

"Basta si Bogart," pagdidiin niya kaya napakibit-balikat ako. Hindi pa rin mawala ang reaksyon ko habang pinagmamasdan siya. Parang nakakunot ang mukha habang mahinahong nakatingin sa kanya.

"Bakit ganyan ang tingin mo? Parang kaawa-awa ako.." nanlulumo niyang sabi. Hindi ko siya masisisi. Hindi kasi ako sanay na may kumakausap sa akin. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausap pero naaliw naman ako sa pagiging madaldal niya. Nakakapanibago lang siguro na madaldal siyang lalaki at nakakatawa. Bihira lang kasi ang pagkakaalam ko ng ganun. Besides, into sports pa siya.

Ang ineexpect ko ay mga seryoso at tahimik sila lalo na't tuwing naglalaro. Itong si Rogers naman, pangiti-ngiting naglalaro.

"Nood ka mamaya ng laro," sabi niya kaya inayos ko na ang gamit ko.

"Ayoko."

"Bakiiiiiit?"

Hindi na ako sumagot. Ayoko namang gabi ako umuwi.

"Bahala ka, itatalo ko ang team natin." Sumandal siya sa sandalan ng bench at parang boss sa posisyon niya. Doon ko lang napansin na kateam ko pala siya sa puti niyang jersery.

"Bahala ka." Wala rin naman akong pake?

"Ayaw mo ba akong panooring maglaro? Bakit ka nanood kahapon?" May halong tampo ang boses niya.

"Wala akong mapwesto. Gusto ko lang ng mauupuan," sagot ko nalang.

"Pero ayaw mong manood?" Masyado akong nanibago sa pagiging seryoso niya kaya napahaplos ako sa leeg ko.

"Hindi naman sa ayaw ko..." mabagal kong sagot at lumilipat ang tingin ko kung saan. "... hindi lang kasi ako sanay, atsaka ayaw kong gabihin sa pag-uwi.." mahina kong dagdag at sa pagsalubong ko ng mga tingin niya ay nakakapanlumo ang mga mata niyang pinagamasdan akong nagsasalita.

"Mahiyain ka ba? Or ayaw mo akong kausapin?" seryoso pa rin niyang tanong.

"Hindi lang ako sanay na may kumakausap sa akin." Ayan, ayan na ang dahilan kung bakit mukha akong naglalakad na awkwardness.

"Simula ngayon," anunsyo niya at nakataas pa ang kamay. "Masanay ka na kasi kakausapin kita araw-araw!"

Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman pero biglang tumigil ang pag-iisip ko nang tumunog ang phone niya. Nagpaalam muna siya na sasagutin niya ito saglit.

Napaiwas na lang ako ng tingin at nagpanggap na may inaayos sa bag ko.

"Luh, oo na. Papunta na diyan. Gege." Dali-dali niyang pinatay ang tawag at hinarap ako.

"May practice kami ngayon uhm.." Napakamot siya ng batok. "May nakilala ka na lalaking kaibigan ko... madaldal siya, malikot at makulit." Napakunot ang mukha ko. Anong pinagsasabi na naman niya? Mukhang nahihirapan pa siyang ilarawan ang kaibigan niya.

"Medyo may katangkaran siya at payat. Maputi siya tapos itim ang buhok niya.." Napaangat ang tingin ko para iimagine ang sinasabi niya pero ang daming lalaki na nakita kong may katangkaran, payat, maputi at itim ang buhok.

"Basta, nagkausap na raw kayo kahapon bago kayo manood ng basketball." Nahirapan na siya sa pagdedescribe sa kaibigan niya at mariing napakamot sa ulo niya.

"Ah, Billion Miles." Narinig ko ang pangalan niya noong binanggit siya ng Principal. Nang masabi ko ang pangalan ng kaibigan niya ay napapalakpak siya. Mukhang napagod pa siya sa kaiisip.

"Alam mo pala ang pangalan niya, nakapag-isip pa ako kung ano mga pwedeng idescribe doon." Napakibit balikat ako sa sinabi niya. Malay ko ba na ieexplain pa niya kung ano ang itsura, eh maalala ko lang naman kahit nasulyapan ko lang.

"Kung makasalubong kayo, automatic may extra chair 'yun na pwede mong upuan. Baka gusto mo lang magkaroon ng magandang pwesto para manood," sincere niyang sabi. Gusto kong pumayag kaso sa biglang pagkurap ko ay bumagsak ang mukha ko kasabay ang pagdilim ng buong paligid ko.

"Sorry." Tumayo na ako at sinubukang maglakad palayo.

"Teka, Saturdayㅡ"

Hindi ko na siya hinarap pa at nang naglakad na ako palabas ng campus ay napahawak ako sa ulo ko nang hindi na siya mawala sa utak ko.

"Bawal ka magkipagkaibigan, okay? Bawal na bawal," paalala ko sa sarili ko at muling sinabunutan ang buhok ko.

Saturday in MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon