Her 04

196 22 1
                                    

Last day ng Intrams at wala akong ganang manood ng kung anong ganap sa court

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Last day ng Intrams at wala akong ganang manood ng kung anong ganap sa court. Tumakas lang ako sa headcount at nandito ngayon sa makapal na makapal na sanga ng puno. Nakasandal na rin sa katawan ko sa katawan nito habang nakatingin sa langit.

Hinihintay ko lang namang mag-3 PM para pwede na akong umuwi. Wala rin akong balak manood ng championship since nanalo rin naman kagabi sila Minute.

At the same time, parang nakokonensensiya ako dahil umalis lang ako agad roon. Hindi man lang ako nagpaalam pero parang mas mabuti na lang 'yun dahil anytime lilipat na naman ako ng school. Tumagal lang siguro ako sa isang school, mga anim na buwan lang. Gusto ko rin naman makapagtapos kahit isang taon lang sa iisang school. Gustuhin ko rin namang makipagkaibigan pero wala eh, iiwan ko rin sa huli.

Pero looking the whole school from up here is relaxing. Parang mga langgam ang mga taong naglalakad roon. Hindi naman din masyadong mainit kaya makakaya kong maparito hanggang 3 PM.

Hindi man ako makakapagdrawing ngayon ay iispin kong makakapagahinga ako habang nakikinig ng mga kanta ng Munimuni.

Masaya rin naman sa puno pero hindi masayang maramdaman ang pagkulo ng tiyan ko sa gutom. No choice akong palihim na bumaba sa puno. Wala kasi akong baon kaya bibili ako ng makakain.

Nakakapanlumong makita ang sandamakmak na tao na bumibili ng mga pagkain sa mga stall na nandoon. Biscuit nalang siguro ang bibilhin ko kaso may naamoy akong napakapamilyar na amoy na nagpakaba sa akin.

"Bakit ngayon lang kita nakita? Hinahanap kita kanina pa." Pinili ko siyang hindi lingunin. Mas mabuting hindi ko siya makita kasi pakiramdam ko, may kapangyarihan ang ngiti niya na kayang magbaliko ng mga desisyon ko sa buhay.

"Saaaat." I gasped how he hooked his arm on mine. Hindi ko na mailabas ang hiningang inipon ko sa baga ko dahil ang lambot ng braso niya na nakadikit sa braso ko. "Gutom ka na? Libre kita mami."

Hindi ako nakaangal dahil gutom na rin ako. Nahihiya man ako pero siya nagpresenta. Hinayaan ko na lang na hilain niya ako kung saan man. Wala ako sa sariling sumilip sa kanya at biglang may gumulo sa loob ng tiyan ko nang makita kung gaano kaamo ang mukha niya. May puting bandana siyang suot at masyado siyang lumiliwanag sa puti niyang t-shirt. Kaso nakajersey siya pambaba at nakasapatos. Mukhang may laro siya maya-maya.

Pinaupo niya ako sa isang bakanteng lamesa at nilagay niya ang duffel bag niya sa bakanteng upuan sa harapan ko.

Sumenyas siya na sandali lang at pinanood ko siyang pumunta sa isang stall ng mamihan. Para akong nanlumo habang pinapanood siyang mag-order. Nakayuko siya dahil medyo may katangkaran siya. Para tuloy nawala 'yung mga balak kong huwag siyang pansinin dahil kapag nasa tabi ko na siya, mahirap tumanggi. It looks like, I'm looking forward sa lahat ng mangyayari.

"Ito na ang mami!"

Pagkalanghap ko ng init ng mami ay parang doon na ako natakam. Inabot na niya ang plastic na kustara na tinidor para magsimula na kaming kumain. "Salamat," mahinang sabi ko kaya napatigil siya sa paghahalo ng pagkain niya.

"Hala! Nagsalita ka!" gulat niyang sabi kaya napailing ako. Isusubo ko sana ang kalahating itlog kaso bigla itong nahulog at natalsikan ng mainit na sabaw ang mukha ko.

"Pucha!" pabulong kong sigaw.

"Hala! Nagmura ka!" gulat ulit niyang sinabi at mas lalo siyang nabighani ang marinig siguro akong magmura. "Isa pa nga." Umabante ang katawan niya para marinig ulit akong magmura kaso umiling na ako. Napanguso na lang siya at nagsimulang haluin ang mami niya.

"Gusto mo itlog?" tanong niya habang balak ibigay ang nilagang itlog sa akin. Mahilig ako sa boiled egg at mukhang makapal naman ang mukha kong tumango. Tumawa siya at nilapit ang bowl niya sa bowl ko para dahan-dahang ilagay ang itlog.

"Thank youuu!" masigla kong pasasalamat at naaninag kong lumawak ang ngiti niya habang hinihipan ang sabaw ko.

"So, nasaan ka kanina?" pagbubukas niya ng topic.

"Puno," pag-aamin ko na nagpasamid sa kanya.

"Mula kanina?" Palagi bang magulat siya sa bawat pagsalita ko? Napakamot ko ng tuktok ng ilong ko.

"May.. laro ka?" awkward kong tanong. Para siguro hindi mapunta sa akin ang atensyon.

"Ayieee, interesado ka na sa akin ah," asar niya kaya kinunutan ko siya ng mukha. Mabuti na lang hindi ko nabato pabalik sa kanya ang binigay niya sa aking itlog. Nakakahawa kasi ang ngiti niya. Mabuti na lang hindi ako masyadong nagpadala.

"Hindi na ako maglalaro kasi may ibang pumalit sa akin. Sabi ko, diarrhea," pagmamalaki niya kaya muntikan na akong mapasapo ng mukha. Baka hahanap-hanapin siya roon.

"Congrats pala kahapon," mahina kong sabi habang tinuon ang atensyon ko sa kinakain ko. Napatigil siya sa pagkain at sinilip niya ang mukha ko.

"Nanood ka?"

Umiling ako. "Narinig ko lang.." Napaubo ako nang kaunti bagoo napakamot na naman sa ilong ko. Bakit ba ang kati-kati ng ilong ko?

"Ahh." Iyon lang. Walang nagsalita sa amin hanggang maubos ang kinakain namin. Lumakas tuloy kabog ng puso ko dahil baka may nasabi akong hindi niya nagustuhan. Nakokonsensya tuloy ako ngayon.

"Maaga akong uuwi.." Nasabi ko na lang habang naglalakad kami kung saanman. Nakakainis, bakit ba kamot ako nang kamot ng ilong ko?

"May gagawin ka ba?" tanong niya pero wala akong maisip na sagot.

Gusto kong mapasigaw sa sobrang awkwardness. Bakit ba ang tahimik niya? Hindi ako sanay! Ang tipid-tipid niyang magsalita.

Napatigil ako sa paglalakad nang bumagsak sa akin ang lahat ng iniisip ko. Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko man lang naisip na maraming tumitingin sa amin dahil kasama ko pala ang isang Minute Rogers!

"Sat?"

"Uuwi na ako," paalam ko.

"Teka agad-agad? Huwag muna! Nag-iisip pa ako ng maitotopic eh!" pagpapanic niya at pilit akong hinahabol.

"May nagawa ba ako? Okay ka lang?" pahabol niya at hinarang na ang dinadaanan ko. Agad akong napaiwas ng tingin dahil kailangan kong bakuran ang sarili ko sa sarili ko rin mismo dahil ngayon lang sa buhay ko ay hindi ko naintindihan ang takbo ng utak ko.

"Okay lang ako.." sagot ko habang nakatingn sa langit. Masyadong maliwanag ang paligid kaso mukhang mas maliwanag pa itong lalaking nasa harapan ko. Ni hindi ko kayang tingnan.

"Bakit ka uuwi agad?" pangungulit niya.

Saktong nakita kong bumukas ang main gate.

"Diarrhea," lakas loob kong palusot ko na nagpakunot ng noo niya.

"Huh?"

"Diarrhea!" pagdidiin ko at tuluyan nakatakbo para makalabas ng campus.

Saturday in MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon