Her 09

170 23 1
                                    


Hindi lang doon nagtatapos dahil sa bawat araw na pag-iiwas na binibilang ko, mas lalong bumibigat ang loob ko at hindi ko inaakala na ilang gabi ko nang iniiyak ang lahat ng naiipon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi lang doon nagtatapos dahil sa bawat araw na pag-iiwas na binibilang ko, mas lalong bumibigat ang loob ko at hindi ko inaakala na ilang gabi ko nang iniiyak ang lahat ng naiipon ko. Parang ang dami kong nasasayang kaya para hindi ko isipin iyon tuwing gabi, iniiyak ko na lang para makatulog ako.

Ganito pala kahirap at kasakit ang ganitong pakiramdam. Sana hindi na lang ganito ang kalagayan ko.. sana hindi ganito ang buhay ko..

Lumabas na ako sa kwarto ko habang inaayos ang suot ko. Naabutan ko naman si Mama na naghahanda ng baunan ko kaya napatitig ako sa kanya.

Kahit gaano kahirap ang buhay ay siya lang ang gusto kong manatili. Siya ang pinakamagandang meron ako at kahit kaming dalawa lang ngayon, siya ang nagpapalakas sa akin.

"Aalis kayo?" Napansin ko kasing nakabihis siya at may mga maliliit na bagahe. Nalungkot ako bigla tulad dati na may mga overnight silang seminar para sa work niya.

"Oo eh, 4 days and 3 nights."

Nanlumo ako pero hindi ko iyon pinakita sa kanya. Gustuhin ko mang sabihin sa sarili ko na mabilis lang ang apat na araw at tatlong gabi kaso masyadong mabigat ang loob ko na napakabagal nun lalo na't mag-isa lang ako.

"Text mo lang ako kung may problema ha? Text mo rin ako kung nakakain ka na, kung saan ka pumunta at kakamustahin kita mamayang gabi," sabi niya habang abala sa pagpapaypay ng kanin sa loob ng baunan. Tumango na lang ako hanggang sa may bumusina na sa labas ng bahay.

Kitang-kita ko kung paano nagmadali si Mama na kunin ang mga bagahe niya kaya tinulungan ko siya. Hinatid ko siya palabas at andoon na ang service nila. "Ingat ka, Sat ha? Uuwi rin ako agad." Hinalikan ni Mama ang pisngi ko kaya tumango ako nang maraming beses.

"Ingat ka, Ma. Love you!" Inaamin kong hindi ako sanay na sabihin iyon kay Mama pero gusto kong pagaanin ang loob niya tulad ng pagpapagaan niya sa loob ko kahit isang ngiti lang niya.

"Love you too, Sat. Bibili ako pasalubong." Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mama at halos maging linya na ang dalawa niyang mata na nagpaagaan ng puso ko. Muli kaming kumaway sa isa't-isa at tuluyan siyang umalis.

Doon din bumalik ang bigat na dinadala ko.

Bumalik din ang dati kong gawi na nakasuot ng earphones habang naglalakad papuntang school. Ganun din sa pagtatago sa lahat ng tao na pinagtataguan ko.

Para rin ito sa sarili mo, Saturday. Iwasan mo lang sila para hindi masyadong masakit.

Pagkatapos kong kumain ng lunch sa room, nagtago ako sa CR ng mga babae habang nakikinig ng mga kanta ng Munimuni.

Parang ganun pa rin ang nangyayari. Ganun pa rin ang nararamdaman ko hanggang sa hindi ko namamalayan na may humahapdi na ang mga mata ko at bumara ang lalamunan ko kaya nakawala ng isang hikbi.

Saturday in MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon