Her 02

272 32 11
                                    

Bigla akong tinakasan ng kaluluwa nang narealize kong nakatingin pa rin kami sa isa't-isa habang umulan ng confetti sa buong court

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla akong tinakasan ng kaluluwa nang narealize kong nakatingin pa rin kami sa isa't-isa habang umulan ng confetti sa buong court. Malinaw ang imahe ng mukha niya sa pinaroroonan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-angat ng labi niya para ngumiti pero agad akong tumayo at naglakad palayo.

Nagmamadali ako habang pinapasok ang sketch book ko sa loob ng bag ko pero mas lalo akong kinabahan nang makitang padilim na ang paligid. Sigurado na akong hinahanap na ako ni Mama dahil ngayon lang ako nagabihan sa school.

Sinubukan kong tumakbo para makadaan sa main building ng school. Bago ko pa maisara ang bag ko ay muntikan ko nang mabangga ang isang babae na nakasalamin. "I'm sorry!" nagmamadali kong sabi at kukunin ang nahulog na sketch book kaso naunahan niya ako hanggang sa aksidente itong nabuklat kaya napasulyap siya rito.

Nahugot ko ang hininga ko. Baka makita niya ang pinakabago kong ginuhit pero inabot niya 'yun sa akin agad kaya nakahinga ako nang maluwag. "Ang ganda ng drawings mo," pagpupuri niya at agad akong napayuko.

Magpapaalam sana ako pero nagsalita ulit siya, "Do you want to join the school publication? We really need a cartoonist," sabi niya kaya biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyari bigla sa katawan ko at napatingin ako sa mga mata niya. Mukhang nagulat siya sa biglang pagsaksak ko ng tingin. Hindi ko kasi alam at sanay tumingin sa mga mata ng ibang tao at pustahan, mukha akong bagong tao.

"I.. uhm." Bigla akong natameme dahil hindi ko rin alam makipag-usap. Parang may pumipigil sa akin na makipag-usap. Huminga ako nang malalim. "I'm sorry.." mahina kong sambit at nilagpasan siya. Sinubukan niya akong habulin kaso tumakbo na talaga ako hanggang sa hindi na niya ako naabutan.

Gabi na at medyo naabala ako sa paglakad pauwi. Mag-isa pa naman ako kaya sinubukan kong sumakay ng jeep kaso punuan kaya napapakamot ako ng batok. Sinabihan ko pa ang sarili ko na siguro kung sampung minuto pang hindi pa ako nakakasakay, maglalakad na lang ako pauwi.

Habang nakatingin ako sa langit ay nakikita kong unti-unting nagpapakita ang mga bituin. Sanay din naman ako sa amoy ng usok sa daanan pero nakasinghot ako ng napakabangong pabango sa kalapitan. Medyo napakunot ang noo ko habang nakatingin sa langit.

Biglang rumehistro ang amoy na 'yun sa utak ko kaya kinabahan ako. Ayoko ng ganito kaya napatingin na ako sa tabi ko dahil may naaninag akong lalaki pala akong katabi.

Pero biglang nawala ang kunot ng noo ko nang makita 'yung lalaking nakatitigan ko kanina sa basketball court. Suot pa niya ang jersey niyang pang-ibaba at nakaputing t-shirt na siya pang-itaas. Hawak-hawak niya ang bag niya at mahina itong dinuduyan sa mga kamay niya. Para siyang bata lalo na't napatingin siya sa akin na nakatitig na pala sa kanya.

Saturday in MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon