Her 13

148 20 4
                                    


"This is Precious, Yannie, Olivia and Warner, our news writers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This is Precious, Yannie, Olivia and Warner, our news writers. Ito sila Marie, Polly and Reymark, our feature writers. Tapos sila Caren, Vivia, Band, Zac and Tan, sports writer and photojourn," pagpapakilala ni Ate Qia sa mga tao sa loob ng room at agad ko namang namemorize ang mga pangalan nila. Mukhang ahead sila sa akin except sa tatlong members na pakiramdam ko, kabatch ko lang.

"And this is Saturday, mag-aapply bilang editorial cartoonist natin."

Agad napatayo ang iba na may malawak na ngiti sa labi at nakipagkamay sa akin. "Hi Saturday! I'm Olivia! Thank you sa pagsali sa club," aabi ng maikli ang buhok at may brace na babae na si Ate Olivia. Mukhang classmate siya ni Ate Qia eh.

Sunod-sunod nagpakilala sa akin ang iba at nakaharap ko na ang lalaking medyo may katangkaran at may kahabaan ang buhok na natatakpan ang mga mata niya. "Hi, I'm Zac." Pero kahit gaano kadilim ang mga mata niya, may gumuhit na maliit na ngiti sa mga labi niya.

"Hi." Hindi nagtagal ay binawi ko ang kamay ko.

Marami silang sinabi sa akin tungkol sa Club at nasa ibang school pa ang Club moderator na naghahandle sa school publication. Kaya habang nagkukuwento sila, nagfifill up ako ng membership form. Ang cute nilang magkuwento tungkol sa mga previous Press Conference na sinalihan nila.

"Huwag niyo naman biglain si Saturday. Baka napapagod na tenga niya sa pakikinig ng kuwento niyo," natatawang pag-aawat ni Ate Qia kaya mahina akong natawa.

"Okay lang po," nakangiti kong sabi.

"Ayun naman! So ayun, Sat. Kilala mo 'yung varsity player na si Minute?" Napaangat ang tingin ko kay Polly, isa sa mga feature writers. "Nakita ko kayo dati na magkasama. Magfriends kayo?"

Nawala ang ngiti ko. Parang bumalik naman ang konsensiya ko. "Magkakilala lang," tipid kong sagot kaya napatango sila.

Pagkatapos kong ipasa ang membership form, pinaalala nila sa akin na may acquaintance paty sila after Beacon na magaganap sa mga susunod na araw. Nauna na rin silang umalis at naiwan kami ni Kuya Zac (ahead pala siya sa akin) na kasalukuyang may hinahanap sa mga shelves. Siya raw kasi ang naglolock ng room tuwing uwian.

"Uhm, ito ang compilations ng editorial cartoonings. Para makapagpractice-practice ka before the seminar," he sofly said.

"Thank you, Kuya Zac." Ngumiti ako at tiningnan ang nasa loob nito. Tulad sa inaasahan kong style ng pagdrawing dahil nakapagbabasa na rin ako ng news papers. Sinara ko na ang clearbook at niyakap ko ito. Magpapaalam na sana ako nang makitang napakamot siya sa likuran ng tenga niya.

"6 PM na, madilim na sa labas."

Napatingin ako sa bintana pero imbis na kadiliman ng pagsapit ng gabi ang tingnan ko, umagaw ng atensyon ko ang ilaw ng covered court ng Floorwoods High. Mukhang may practice pa roon.

Saturday in MinutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon