My Idol (SPG)

59K 375 7
                                    

“Kung bibigyan ka ng pagkakataong makasama sa kama ang taong matagal mo nang pinapantasya… Susunggaban mo ba ang pagkakataong iyon o uunahin mong sunggaban ang *toot* niya?”

Natawa ako sa tanong na iyon ng kaibigan kong Steph. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang fastfood restaurant dahil kakatapos lang ng isa naming subject at mamayang 5:00 PM pa ulit ang klase namin.

“Ano’ng klaseng tanong ba naman 'yan, friend? Ikaw kung ano-ano na pumapasok diyan sa utak ko simula lang n’ong nagka-jowa ka.”

Three months ago ay opisyal na sinagot ni Steph ang manliligaw nitong si Makmak. Bale iyon ang first boyfriend niya na naging kaagaw ko naman sa oras ng pinakamatalik kong kaibigan. Kung dati ay madalas kaming magkasama sa mga lakaran, ngayon ay mas madalas na niyang kasama ang jowa niya.

I therefore conclude na nakakasira talaga ng pagkakaibigan ang pagjojowa.

“What if nga?” pangungulit pa rin niya.

Napahinto ako sa gagawin ko sanang pagsubo at ng spaghetti at saka ibinaba hawak na tinidor at nag-isip ng mabuti.

Well, magpapakaipokrita ako kung sasabihin kung hindi ko susunggaban ang pagkakataong iyon, if ever man.

At mula sa kung saan ay may bigla na lang lumitaw na imahe sa utak ko—isang mukha ng gwapong lalaki na may hawak na gitara at masayang nakangiti sa akin habang inililipad ng hangin ang may kahabaan at gulo-gulo niyang buhok—si Miggy.

Bigla akong kinilig sa naisip ko. Well, kung si Miggy rin lang naman ang makakasama sa iisang kama, why not coconut?

Vocalist ng isang sikat na banda sa De La Salle-College of Saint Benilde si Miggy. Mahigit isang taon ko na rin siyang pinagpapantasyahan. Na-download ko na yata lahat ng covers niya na naka-upload sa Youtube at tadtad ng pictures niya ang celphone at laptop ko.

Hindi ko na matandaan kung paano ako nagsimulang mahumaling sa kanya. Basta nagising na lang ako isang araw na gusto ko siya. At habang tumatagal ay tila lalong yumayabong ang damdaming iyon.

Dumating pa nga sa punto na dumayo ako ng Novaliches kahit taga-Makati ako para lang panoorin ang isang show kung saan kasama sa mga magpe-perform ang banda nila Miggy.

At kahit nasa medyo malayo na ang pwesto ko, pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kilig lalo na nang magsimula siyang umawit gamit ang malamyos niyang boses. Sa muli niyang pagtingin sa audience ay hindi sinasadyang nagtama ang aming mga mata.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon